"Billy where are we heading?"....biglang tanong ko dahil parang naliligaw na kami dito sa loob.

"You'll see"......maikling tugon nya pa at maya-maya pa ay may nakita akong mga kalalalkihan na puro mag naka-suit at naka-shades.

Habang naglakakad kami ay di ko mapigilan ang sarili kong magtaka sa mga nakikita ko sa aking paligid dahil puro mga lakaking naka-suit lamang ang tanging nakikita ko sa aking gilid at maayos na nakahilera.

Tuloy ay di ko na napigilang magtanong kay Billy.

"Ahmm...Hey Billy bakit puro mga lalaking naka-suit lang ang nandito?"....tanong ko pa sa kaniya.

"You're grandfather sent them here".....pormal na sagot nya sa akin kaya naman di na ako nagtanong ulit pero bago pa man yon ay nagsalita ulit sya.

"He wants to keep an eye on you and your grandfather wants me to report every single thing that you'll do in your training"..pagpapaliwanag nya pa at nagtuloy na sa paglalakad kaya di na ako umimik pa

Pagkarating namin dun sa dulo ng hallway ay binuksan ni Billy ang pinto at pinauna nya akong pumasok kaya naman agad akong naglakad papalit don at tsaka pumasok.

Hindi ko alam ang lugar na ito pero minsan ng nakuwento ni kuya sa akin ito na dito daw sya nagtraining noong dapat sya ang tatanghaling pinuno ng gang pero ako ang itinalaga nila noon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman ang totoong dahilan kung bakit ako ang inilagay sa posisyong yon..

"Miss Raine"...tawag pa ni Billy sa akin kaya agad ko syang nilingon.

"Y-yes"...nautal pa ako sa pagsagot ko sa kanya.

"You're spacing out again, By the way your granfather is here, He also said, he wants to see you practice"......pabulong nyang sabi sa akin kaya naman mas lalo akong kinabahan dahil sang-katutak na naman na pang-iinsulto ang matatanggap ko at kung ano-anong masasakit na salita.

"This way Ms. Raine hurry up before he curse at you, You know him"....usal nya pang muli bago ako nagmadaling pumunta at ihanda ang gamit ko.

"Oh, You're here"....pormal pang sabi nya sa akin.

"Goodmoring Sir".....magalang pang bati ko at nagbow sa kanya tumango naman sya bilang tugon.

Imbes na batiin ako ay sinamaan pa nya ako ng tingin, kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin ang mga tingin na iyon at wag na lang magsalita.

Agad akong naglagay ng mga gears na kailangan ko sa katawan ko at inihanda ang pana ko.

Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang sipatin ang bull's eye kung saan tatama ang arrow ko.

Pagkatapos kung sipatin ay dahan-dahan kung bitawan ang arrow sa pagkaka-stretch nito sa pana ko at tumama ito sa mismong gitna na kung tawagin ay bull's eye.

"Nice Shot"....komento pa ni Billy sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil 10 years na rin ang lumipas noong tumigil ako sa pag-pursue ng archery, nagsimula kasi yon noong namatay si lola.

"Thank you"....mahinang usal ko pa tsaka muling kumuha ng isa pang arrow. Titira na sana ako ng biglang magsalita si lolo kaya naman dahan dahan kong ibinaba ang pana ko at ibalik muli sa lalagyan ang arrow na sana'y gagamitin ko sa pagtira.

"You're still an expert when it comes to shooting, Shooting a bull's eye, wow nice shot by the way haha, By the way how's the feeling shooting your grandmother huh? Is it WONDERFUL? Tsk!!".....mahina ngunit madiin ang pagkakasabi nya sa kin nung huling linya kaya naman napaatras pa ako sa kinatatayuan ko at nanginig bigla ang mga kamay ko at tuhod pagkatapos non ay umalis na sya kaya naiwan na lang dito ay ako at si Billy tsaka yung ibang mga naka black-suit na mga tauhan nya.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now