Deceived 26

1.7K 100 18
                                    

Unang tingin ko pa lang kay Kier noong Biyernes ng umaga, alam ko na na may mali.

Mayroon siyang band-aid sa may kilay tanda na nakipagbasag-ulo siya.

Pero hindi yun ang sinasabi kong mali.

May kakaibang pakiramdam ako na hindi ko maintindihan. Nasa ilalim yun ng balat ko, at alam kong kaunting kamot ko lang doon, lalabas kung ano man itong sinasabi ng utak ko.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad mula sa pantry hanggang sa madalas niyang upuang couch. Kinuha niya ang parehong business magazine na binasa niya kahapon saka muling nagbasa doon.

Hmm.

Ang isang kamay ay nakahilig sa backrest habang ang isa naman ay sa pahina ng business mag na binabasa. He was sitting in his signature metrosexual style, as if he doesn't have a care in the world.

"Gia, coffee." May nagsalita sa gilid ko.

Nakuha ni Flavio ang atensyon ko noong biglang may tumabing na cup ng starbucks sa aking mukha. On it was written 'To Gia Svana with a heart.'

Agaran ang pagkunot ng kilay ko dahil sa nabasa, kasabay ng pagtingin sa mga lamesa ng kasama kong babae.

Walang umuusok na kape sa table ni Mrs. Violet, ganoon din kay Faith. Ang mug na andun ay iyong nasa pantry at yung madalas niya lang na pagtimplahan kapag inaantok siya. She wasn't looking but her hands where tightly coiled, parang pinipigilan lang ang pagsabog.

Another hmm got stucked on my throat. Bakit ang weweird ng pangyayari?

Kinuha ko ang kape sa kamay ni Flavio bago iyon ibinaba sa aking mesa. Nakakahiya naman kasing tanggihan, ikaw na nga tong binigyan tas ikaw pa ang mag-iinarte. It's not in my personality.

"Hey, thanks." Sagot ko habang nakangiti bago pasimpleng binalingan yung dalawa sa tabi namin. "Sila, wala?"

Namumula na naman ang mukha niya habang inilalagay ang kamay sa likod ng ulo patungo sa batok.

"Kulang sa budget." He answered with a boyish laugh.

Kanina pa ako nakatingin kay Kier, but he was so immersed in his reading, ni hindi man lang tumunghay. So unlike him.

Iyong dalawa sa tabi ko na nagkukunwaring patay-malisya ay napilitang tumingin nang marinig ang tunog tawa ni Flavio. Sabay silang dumako ng tingin sa kape na umuusok sa table ko.

I looked and saw Faith's tired and sad eyes looking at my coffee.

Damn it. Ayokong maipit sa isang love triangle na hindi ko naman gusto.

"Flav, can we.. uhm, talk?" Paunang hirit ko dahil sa awa sa mukha ni Faith. She's so close to tears, kita iyon sa namumulang gilid ng kanyang mga mata. Medyo hayagan din ang panginginig ng kanyang labi kaya alam kong kapag hindi ko inalis dito si Flavio ay baka maipahiya niya ang sarili niya.

Sa kabutihang palad ay tumango naman ang kasama ko.

Kier, on the other hand was so fucking adamant. Parang wala siyang kaalam-alam sa paligid niya. Para siyang patay na humihinga, at kung hindi pa kami dumaan sa kanyang harapan, hindi niya pa mapapansin na papaalis na kami.

"Talandi, prayer meeting with the squad?" Tanong niya nung makitang kasama ko si Flav.

"Simba lang kame, sama ka?" Sagot ko naman ng nakangisi.

Itinuro niya yung hawak na magasin tapos sumagot, "Bible study lang akez mamsh."

Tumango ako saka naglakad palayo pero bago pa man ako makaliko sa pasilyo kung saan ko kakausapin si Flavio, nakita ko na siyang humugot ng cellphon sa bulsa. He was talking intensely on the phone, maya't maya ang sipat sa amin.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя