Deceived 3

2.4K 108 4
                                    


"Hindi ka parin papasok sa klase mo?" Takang tanong ni papa noong mapansin niya na palagian na ang pagsama ko sa trabaho niya. Dati naman kasi ay minsan sa isang linggo, nagagawa ko pa ring pumasok ng mga dalawa o tatlong araw. Ngayon ay halos isang linggo na pero andito parin ako at nakabuntot sa kanya.

Ngumisi ako bago ibinalik ang tingin sa paligid, hinahanap kahit ang anino niya.

"Wala naman nang masyadong pasok kasi Pa."

Ngumuso siya pero hindi na rin nagkumento.

"Saan mo gustong mag-aral, dito ba?"

Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway dahil sa labis na pagkabigla. Mag-aaral ako? Saan? Dito? Sa pangmayamang eskwelahan na to? Kasama si Kier?

Napatawa ng pagak si Papa ng makita akong halos lumuwa na ang mata. Ginulo niyang muli ang buhok ko saka ako tinalikuran upang maglakad ulit.

Pinoproseso ko pa ang sinabi ni papa kaya hindi ako umimik. Punong-puno ang isipan ko ng mga posibilidad na maaaring mangyari oras na tumapak ako sa lugar na ito, hindi bilang anak ni papa, kundi bilang isang tunay na mag-aaral.

Una, mag-aaral akong mabuti. Hindi maaari na makita ni Kier na mababa ang grado ko sa kahit anong klase. Kailangan ko ring mag-ensayo sa basketball at soccer para makasama ko siya sa mga laro niya. Kailangan kong mas galingan sa lahat para mapabilang ako sa circle of friends niya!

Naagaw bigla ang atensiyon ko ng marinig ko ang marahang tikhim ni papa.

"Gian.." mahina at halos hindi ko na marinig ang sinasabi niya kaya lumapit ako para marinig ko ng maayos.

Bumaling siya sa akin at malungkot na ngumiti.

"Nagpapasalamat ako na isa kang mabait na bata."

Hindi ko sigurado kung tama ba ang nakita ko sa mga mata ni papa pero pakiramdam ko ay parang nangingintab iyon.

Inawang ko ang mga labi ko at marahang binasa iyon. Nais kong magsalita pero may nakabara sa aking lalamunan.

"Hindi mo man maintindihan kung bakit ganito ang mga bagay ngayon anak, nahihirapan ka man sa mga nangyayari.. gusto kong malaman mo na mahal kita at ginagawa ko ito para sa kaligtasan mo. Kaligtasan mo lang ang iniisip ko sa lahat ng oras, sa lahat ng araw. Lahat— "pumiyok ang boses niya sa hindi ko malamang dahilan.

Umiiyak ba siya? Bakit hindi siya tumitingin saken? Parang pinipiga ang puso ko na makitang nahihirapan ang aking ama.

"Lahat ng kalupitan ko, lahat ng pagpupwersa ko sayo, para yun sa kaligtasan mo."

Nangungunot ang noong hinawakan ko ang kanyang nakalaylay na kamay. Naglalakad pa rin kami ngunit ngayon ay mas malapit na sa lounge na palaging pinagtatambayan ni papa. Konti na lang ang oras at matatapos na itong madramang tagpo namin kaya gusto ko nang sulitin.

"Naiintindihan ko po."

Pinisil ko ang kamay niya at nang lumingon siya ay iginawad ko ang aking malamyos na ngiti. Gusto kong intindihin lahat ng iyon. Gusto kong ituring ako ni papa na parang isang matanda, sabihin sa akin lahat ng problema at kung bakit kinakailangan ko ng kaligtasan. Gusto kong intindihin si papa sa mga gusto niyang mangyari pero natatakot din ako na tanungin siya.

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa ikabubuti mo."

Pinisil niya pabalik ang kamay ko pagkatapos ay itinulak ako ng marahan sabay taboy sa akin para makapaglaro sa kung saan ko gusto.

"Sige na. Alam kong kanina mo pa gustong maglaro. Libutin moa ng buong campus, next year, dito ka na mag-aaral."

Halos mapaigik ako sa labis na kaligayahan pero marahas na pagpipigil ang ginawa ko sa aking sarili para lang hindi kumawala iyon. Delikado. Nandito si papa.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon