Deceived 50

2K 90 11
                                    

"P-po?"

Otomatiko ang pagtanggi ng utak ko sa bagong kaalaman na sinabi ni papa. Because I don't want to believe.

I refuse to believe!

"Hindi kita anak Gian. Hindi kita anak." Pag-uulit niya pa na parang gustong itatak sa mismong kokote ko ang bagay na iyon.

"W-why are you so suddenly joking?"

Mahina ang kanyang tawa habang  hinahawakan ang kanyang nananakit na ulo. Para bang pagod na pagod. "Hindi ako nagpapatawa, at kailangan mong maniwala. This is a matter of life and death. Believe me!"

Napuno ng pait ang puso ko pagkasabi niya ng katagang iyon. Believe.. huh?

I scoffed. "Believe you? After how many years into hiding, lalabas ka tapos sasabihin mo sa akin na hindi mo ako anak, Pa! Tapos believe?!"

Naisabunot niya ang dalawang kamay sa kanyang buhok na para bang puno ng pagkabigo. Noong mag-angat siya ng mata papunta sa akin ay sinalubong naman siya ng matatalim kong tingin na agad ko rin namang binawi.

I can't look him in the eye. I feel so disappointed.

"Don Sergio de Luca is your real father." Dugtong niya.

Mabilisan ang pagbaling ko sa direksyon niya dahil sa pinakahuli niyang isiniwalat. Nanlalaki ang aking mga mata at halos iluwa na rin iyon.

What?

Fuck, parang pinagpipira-piraso ang utak ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Para akong goma na hinihigit at tinitingnan kung hanggang saan ang kakayanin bago mabali.

I can't say anything. It feels like my ability to talk has vanished with all the things he is trying to whack into my head.

He continued. "Anak, para mas mabilis mong maintindihan. Ni-rape ko ang mama mo kasi isa iyong misyon na mula sa mga Lastimano. I am the Lastimano's left hand. I execute killings, murders, rape, every single fucking dirty work is done by the left hand. I was the devil before you came. Hindi ako mabuti." He stated the facts with real urgency. Like there isn't any time left.

"And then, one day, they said that Selene de Luca conceived, and that they are not sure of who the real father is. Ayaw ng mama mo na kuhanan ka ng DNA because it was a risky pregnancy. She doesn't want anything to happen to you. That's how much she loved you."

"Nine months and then you were born. Ang plano ay alamin kung akin ka. I have to know. Somehow, this is the only time where my rape victim got pregnant kaya medyo nagtaka ako. Nacurious."

"Then suddenly, I was smiling like an idiot when you took hold of my hand. Ang liit mo Gian, pero ang lakas ng hawak mo na para bang ayaw mo na akong pakawalan. That's when Skeet de Luca came. May hawak siyang sobre na puno ng pera. He said that Sergio de Luca wants you dead for killing his wife. He told me to take care of you. As if I won't. The moment that you smiled, I was already captivated."

"Nilayo kita dahil kailangan. Nilayo kita para hindi ka niya mahanap. Binago ko ang kasarian mo dahil hindi lang sila ang naghahanap sayo kundi pati ang pamilya ko. Ang Lastimano."

Umuugong ang paligid. May kung anong nakabara sa tainga ko na nagpipigil sa akin para intindihin lahat ng paliwanag na yun. Habang tumatagal ay tumitigas ang puso ko at nawawala ang kaligayahan na dala ng kanina.

I'm angry for my mom. Naipit lang siya sa labanan ng dalawang makapangyarihang angkan. I am angry of my real father, for not considering that I might be his child. For ruining my life. For making things hard.

I feel like the world has been nothing but unfair to me.

Nagpatuloy siya noong hindi ako magsalita.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now