Deceived 36

1.5K 95 9
                                    

Kinabukasan, napamulagat ako dahil sa kung anong matigas na bagay na nakapagitan sa may bandang pwetan ko at sa katawan ni Kier. Ginalaw-galaw ko pa ang katawan ko para matanggal yun, pero sakop yata ang buo kong likod dahil hindi iyon mawala-wala.

Dumaan ang gabi at mula sa pagkakadagan ko sa kanya, nagbago ang posisyon ng pagtulog namin, kaya ngayon ay nakatalikod ako samantalang siya naman ay nakayapos sa akin.

We really did cuddle during the night.

Otomatiko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa naisip. Hindi ko rin napigilan ang matamis na ngiti na kumawala sa aking labi.

Slowly, I took his big arms that had snaked around my body. Akmang tatanggalin ko iyon  nang gumalaw siya at mas inipit ako kaya mas napalapit ako sa kanyang katawan.

Mas naduldol ako nung bagay na nasa pagitan namin.

"Aray naman dyan." Mahina kong bulong sa kawalan.

"Gia?"

Pupungas-pungas na gumising si Kier habang kusang tinatanggal ang pagkakayapos niya sa katawan ko. Kaso bago niya pa tuluyang matanggal ang sarili mula sa pagkakapulupot saken, agaran na  siyang napabalikwas ng bangon.

Naguguluhang lumingon ako para pansinin siya.

"Nyare?"

Umiling siya bago kinuha ang makapal na kumot para itabon sa kanyang katawan. "Sorry, it happens in the morning." Paliwanag niya.

Napakamot ako sa kilay ko dahil sa kawalan ng ideya. "Alin?" Naguguluhan ko namang tanong.

Nagkulay kamatis ang buo niyang mukha dahilan para umiwas siya ng tingin. Lalo tuloy akong kinain ng kuryosidad.

Hinanap ko yung matigas na bagay na akala kong aksidenteng napunta sa pagitan namin pero wala akong makita sa kama.

Dahil doon kaya agad na lumipad ang tingin ko sa kanyang katawan.

"Hoy!" Sigaw ko.

Lalong nangulay kamatis ang mukha niya kaya natawa ako sa aking sarili. Sinamahan pa ng biglang panlalaki ng kaniyang mga mata kaya hindi na ako nakapagtimpi at tuluyan na ngang humagalpak ng tawa.

"G-ganon naman t-talaga yun pag umaga, Gia.." kandautal niyang paliwanag, punong-puno ng kahihiyan ang boses.

Wala akong pakialam! Aasarin ko siya!

"Pinagnanasaan ako! Yuck, umagang-umaga, ni hindi ka pa nga gising, nagnanasa kana saken! Tapos kagabi, lakas ng loob mong sabihin na ako yung patay na patay sayo!"

Hindi ako natitigil kakatawa kaya lalo siyang namula. Malala pa siya sa kamatis! Para na siyang puputok na japaleño! Mygad! Mygad! Hahahahahahahaha. Potaena.

Nauubusan ako ng hangin.

"H-hoy! Tigilan mo nga yan. Nakakahiya ka." Saway niya saken.

"Ako pa ang nakakahiya, e ikaw nga tong naninigas."

Lord! Patawarin mo po ako. Gustong-gusto ko lang talaga siyang asarin. Ang cute cute ng mukha niyang halos maupos na sa sobrang kapulahan.

"Ikaw!" Nanggagalaiti niyang sigaw. "Pilya ka, pero pikon. Pag ikaw ang inaasar, mas mabilis ka pa sa time bomb kung sumabog." Ganti niyang asar din.

Nginusuan ko na lang siya bago ako tuluyang tumayo. E pano ay totoo naman yun.

Kahapon nga ay kung hindi ako nainis, hindi naman kami mag-aaway.

Bwesit na to. Pinaalala pa.

"May muta ka pa pero nambubully kana. Ang lakas din ng loob mo."

Sumikdo ako dahil sa sinabi niya kaya humahangos na tumakbo ako papasok sa comfort room, puno ng kahihiyan para sa sarili.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now