Deceived 46

1.9K 115 30
                                    

"Khian.. Khian, si Kier?!" Sigaw ko sa mismong mukha ni Khi pagkagising ko. Agad kong pinunasan ang luha na naglandas dala ng hindi kagandahang panaginip saka nagkumahog na tumayo.

Ngumiwi siya sa harap ko bago inginuso yung banyo.

"CR."

"Waaaah! Baby koooo!" Sigaw ko ulit saka tinalunton ng sobrang bilis ang maliit na distansiya mula sa kung saan ako nakatayo at ang banyo.

Wala na akong pakialam kung ano ang maabutan ko sa loob, kung tumatae ba siya or kung naliligo, miski hubo't hubad, wala din! Gusto ko lang siyang makita! Ang pangit pangit ng panaginip ko!

Pinihit ko ang seradura at buong pasasalamat na bumulong ng panalangin nung mapagtanto kong hindi siya nagsasara ng pinto kapag nagcCR.

Gulat pa siyang lumingon noong malakas kong binuksan ang pintuan at tumama ang hamba noon sa pader.

"Oh!" Napamaang siya sa akin. "Good morning---"

"Love!" Sigaw ko na naman. Kanina pa ako sumisigaw. Feeling ko mapapaos na ako. Paano kasi, ang sarap sa pakiramdam na makita ang mukha niya matapos iyong sobrang samang panaginip. Para akong pinayapa ng matindi habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha na nakangiti.

Akala ko hindi ko na siya makikita e! Lintik na panaginip yun.

"Hmm?" He answered while walking towards me, his brows a little bit furrowed. "Inaway ka ba ni Khian?"

Umiling ako bago sumimangot. I can't help the small pout that graced my lips as we come closer.

"Kier kooo..." Ungot ko ulit habang naglalakad din papunta sa kanya, nakasimangot at parang maiiyak. Gusto kong magsumbong.

"Baby, what's the problem?"

Nagtagpo kami sa gitna at otomatikong pumulupot ang kamay ko sa leeg niya habang siya naman ay nakayakap agad sa beywang ko.

"Bad dream?" Tanong niya ulit saka hinalikhalikan yung noo ko pababa sa mga mata kong napupuno ng hindi tumatakas na luha.

Tumango ako at sumimangot ulit bago inihilig ang sariling ulo sa kanyang malapad na dibdib. Damn, why does it feel like I'm always craving his presence? Para bang hindi kumpleto ang araw na wala siya. Ang hindi siya ang unang makikita ko paggising sa umaga ay sadyang nakakasira ng utak pakiramdam ko ay dinali ako ng love potion.

Is this even normal?

"Why did you leave me? You did not wake me up.." Kunyare ay nagmamaktol na usal ko.

Naramdaman ko ang pagyanig ng dibdib niya dahil sa nagkukumawalang tawa. Nakakainis talaga siya kahit kailan!

"I exercised a bit, my clingy wife." Saad niya saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa beywang ko. "I missed you too, though."

I playfully punched his chest, but not enough to hurt him. "Sa susunod, wag kang aalis sa tabi ko kapag hindi pa ako gumigising ha! Ayoko nun!" Pakunwari paring nangangaral at utos ko habang dinuduro ang kanyang dibdib.

Lalo siyang ngumisi. "Opo."

"Gigisingin mo ko palagi para hindi ako nag-aalala."

"Yes po."

"Anong gusto mong breakfast?"

"Ikaw po."

"Kier naman!"

Tumawa na naman siya kaya nakitawa na rin ako kahit hindi naman talaga nakakatuwa. Dumadalas yang mga pasaring niya e. Timaan lang ng bala, parang biglang nawala ang pagkagentleman kuno niya!

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now