Deceived 8

1.7K 109 7
                                    

Nakauwi ako sa bahay ng hindi pa dumarating si papa kaya naman hanggang sa pagtulog ay hindi na nawaksi sa labi ko ang ngiti.

Sunod na araw mismo, nagulat pa si papa noong makita akong nakagayak na. Dalawang beses pang pumunta saken ang mga tingin niya na parang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Gian, di ka naka-uniporme?" Tanong niya habang nagtitimpla ng kape. Binuksan niya na rin ang kalan para makapagluto ng umagahan.

Kumuha rin ako ng pinggan at baso at iba pang kakailanganin para sa almusal. "Ah papa, wala na kaming gagawin ngayon. Tapos na ang quarter test."

"Sa Graham ka?"

"Opo."

Kumain kami at hindi nagtagal ay naglakad na ulit papunta sa papasukang paaralan ni papa. Hindi man halata sa mukha ko ay halos hindi na magkamayaw ang puso ko dahil sa kaba sa hindi malamang dahilan. Halos magdamag ay nasa isip ko ang nangyari kahapon.

"Kailan daw kayo kukuna noong entrance exam?" Biglang tanong niya noong papatawid na kami, sa bukana ng paaralan.

"Sabi po ni Love, ngayong week daw kaso hindi ko pa siya natatanong kung ano yung exact date."

"Dito rin mag-aaral?"

"Ah, opo."

"Oh e sige. Magtatanong na din ako sa iba kung kailan nga ba. Wala pa kasi akong nakikitang nakapaskil na maski ano."

Ginala ko rin ang tingin sa entrada ng paaralan. Oo nga, walang kahit anong nagsasabi kung kailan. Pero baka alam ni Kier, sa kanya na lang din ako magtatanong mamaya pag nagkita na kami.

"Gin!"

Sabay kaming tumanaw sa kaliwa kung saan nanggagaling iyong malakas na boses. Namukhaan ko yung isang katrabaho niya na tumatakbo papalapit sa amin. Pinanood namin siya ni papa hanggang sa tuluyan na nga siyang makalapit.

"Oh Vergil, anong problema?" Takang tanong ni papa.

"Doon daw muna tayo sa auditorium maglinis. Wala namang pasok ang mga bata dahil sa JS prom kagabi. Kwenta pahinga na raw ngayon kaya makakauwi rin tayo ng maaga." Mahaba nitong paliwanag.

"Ah, ganoon ba? O sige, dadalhin ko muna si Gian sa quarters. Susunod na ako."

Dinala nga ako ni papa sa lugar kung saan sila tumatambay kapag tapos na ang trabaho.

"Dito ka muna ha? O pwede rin namang maglibot-libot ka para maging pamilyar ka total dito kana papasok sa susunod na pasukan."

Tumango lang ako pero hindi na nagsalita.

Pagkaalis ni papa, saka ko palang pinakawalan ang buntong-hininga ko. Parang lobong pinutok ng matulis na bagay ang pakiramdam ko dahil sa panlulumong natamo.

Excited na excited pa man din akong pumasok, iyon pala ay wala naman dito yung ipinunta ko. Nakakatawa naman. Sa sobrang nakakatawa, gusto ko nalang maiyak.

Ilang oras pa ang nilagak ko sa tambayan pero noong lumabis na ang pagkabagot na naramdaman ko, nagpasya na lang akong maglibot sa buong kampus.

Inuna ko iyong Auditorium na napuntahan ko nung nakaraan pero hindi rin ako nagtagal kasi andun pa rin si papa at yung iba pa. Napuntahan ko rin yung Gymnasium, pati yung building ng grade 7 at 8 na nasa kaliwang banda ng school, iyong 9 at 10 na nasa kanan naman at iyong junior at senior high na nasa likod ng library. Umikot ikot ako sa mga cafeteria at sa malaking grounds na madalas ay siyang pinagdadausan ng mga event dito.

Sa huli, nagpasya na lang akong puntahan ang mangga na madalas naming tagpuan ni Kier. Wala namang espesyal sa manggang iyon pero dahil sinasadya ng tadhana na doon kami pagtagpuin, pakiramdam ko tuloy ay iyon na yung opisyal na lugar namin.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora