Deceived 22

1.7K 96 65
                                    

"K-kier? Kier ano?" I breathed with unbelief. Hindi pa sumisink-in sa utak ang sinabi niya.

"Kier Augustus."

Ilang minuto siguro akong natulala sa mukha niya kasi nakita kong mabilisan niya akong sinipat bago agad na ibinalik sa kalsada ang paningin.

Shit.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay nasa reality TV ako, tapos bigla hihinto yung sasakyan at may lalabas na cameraman sa harap ng windshield na may kartolinang nagsasabi ng, 'Izza Prank!'

Feeling ko nasa bola ako, at pinagpapasa-pasahan ako ng mga Fates.

Yung Kier ko.

Kumurap ako ng isa, tapos isa pa. Kumurap kurap pa ako at kinusot ang mata ko kasi diba, baka imagination ko pala lahat ng to. Nadamage pala yung utak ko dahil sa pagkakadunggol nung lapis.

Baka hanggang ngayon pala, nasa office pa ako, pinagkakaguluhan na at malapit nang mamatay, at puro na lang to hallucination. Iyong subconscious na parte ng utak ko ang gumagana kaya kung anu-ano nang kaimposiblehan ang namamayani.

Minulat ko ang mga mata ko at tinitigan siyang muli.

He's here with me. He is... still here.

Yung Kier na pinilit kong kalimutan. Yung ilang taon kong pinatay sa puso ko para lang hindi ako matalo ng lungkot. Para lang protektahan ang sarili na hindi magself-destruct.

Parang may biglang pumitik na kung ano sa dibdib ko dahilan para mas lalo akong mapakurap. Biglang may malaking bagay na nakadagan doon ang natanggal. Ni hindi ko pansin na meron pala akong dinadalang ganun kabigat sa akin. Akala ko maayos na ako noong mga panahon na hindi na ako umiiyak at hindi ko siya iniisip. Nasanay lang pala ako sa sakit.

And just like that, all my suppressed feelings came crashing to the shore. Just like that, he is my Kier again.

And I am Gian again.

Lumambot ang mukha ko, at ramdam na ramdam ko ang pamumungay ng sariling mga mata. I want to hold him so bad but I restrained myself.

Naaalala niya pa kaya ako? Hindi naman kasi ako consistent sa buhay niya. Imposibleng naaalala niya pa ako diba? Isa pa, the Gian that he knew is a guy.

Would he change his views of me if I tell him that I am that Gian from his childhood?

Aww damn. Naguguluhan ako. Magpapakilala ba ako? Maniniwala ba siya? Maiintindihan niya ba? Maaala niya ba?

Lord, bahala na. Aaminin ko na--- come whay may.

I opened my mouth. And he opened his. Sabay pa kaming nagsalita.

"Kier---"

"Bruha---"

Tumikhim ako.

"O-okay. Mauna ka na." I laughed nervously.

Umirap siya.

"Mauna ka talande." Siya naman.

"No, ikaw first. Hindi naman super important yung sasabihin ko."

"Ang conyo mo burekat. Ginigigil mo talaga ako."

Mas lalo akong ninerbyos. Ang layo layo ng ugali niya sa Kier ko noong bata pa kami. Para akong nangangapa sa dilim.

"Sorry bakla." Bulong ko, punong-puno ng sinseridad ang mukha.

"Tss."

Nanahimik kami pagkatapos nun, pero wala pang isang minuto noong magsalita siya ulit.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now