Deceived 37

1.4K 91 8
                                    

"Gia, I'll go first.."

Napalingon ako kay Kier pagkasabi niya nun.

Mula sa pakikipagusap kina kuya Skeet at kuya Sting, tumayo ako para lapitan siya sa may pinto.

"W-well eat lunch first?" Medyo alanganin kong tanong dahil kakaiba ang aura na ipinapakita niya.

Hindi naman galit pero masasabi mong seryoso. Sobrang seryoso. He hasn't smiled since this morning after my brothers barge in the penthouse, at ngayon ko lang yun narealize.

He was just sitting at the corner without making any kind of sound.

Nakita kong lumingon pa muna siya kina kuya bago ibinalik sa akin ang kanyang paningin.

"I still have work." Saad niya pa na ikinagulat ko.

Napalabi ako dahil sa narinig.

"P-pero bodyguard k-kita diba?" Naguguluhan kong tanong. "I-I mean.."

Napapahiya akong tumungo dahil halatang wala akong kaalam-alam sa personal niyang buhay.

It was not long after we've met again pero parang ang laking disadvantage lang. Ang laking kahihiyan na hindi ko siya kabisado. Na ang simpleng trabaho niya ay hindi ko alam.

Alanganin na ang emosyon ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Saan pa siya magtatrabaho kung nakafull time siya saken kung ganon?

"I still have other jobs." Sagot niya na lang.

I was waiting for him to clarify things but he just stayed quiet until I felt awkward in front of him. Alam ko naman kasi na hinihintay niya lang na magsabi ako ng 'sige' para tuluyan na siyang lumabas.

Wala siyang kahit anong balak na magpaliwanag.

Sinakop ang dibdib ko ng kakaibang lungkot. Yung lungkot na hindi dumalaw kagabi ay parang dumaluyong ngayon at nag-times two pa yata.

Kimi akong tumango saka pilit na ngumiti.

I'll just talk to him later tonight, pag wala na sina kuya. I feel like he's being careful kasi nandito ang mga kapatid ko. Maiintindihan ko kung magtanim siya ng sama ng loob pero sana ay hindi naman magtagal.

"O-okay.. I'll just see you tonight then?" Puno ng giliw kong tanong, pinipilit na pagaanin ang emosyon sa paligid.

Ngumiti siya ng hindi umaabot sa kanyang mga mata. Pansin na pansin ko rin ang paglilipat-lipat ng tingin niya sa mga kapatid ko.

"I'll go."

Walang sabi-sabing tumalikod siya at pumasok sa executive elevator.

Nakaramdam ako ng bahagyang panlulumo. May matinding sakit na bumalatay sa puso ko dahil sa naging pakikitungo niya sa akin lalo at hindi ako sanay doon.

Moments after he was gone, I was still looking at the place where he stood. May kaunting pagsusumamo sa puso ko na sana bumalik siya at sana yakapin niya ako.

Sana marealize niya na masakit talikuran na parang wala na siyang pakialam.

Kaso kailangan ko ring intindihin na nasaktan siya ng mga kuya ko. Kailangan ko rin siyang bigyan ng panahon. Hayaan siyang lumayo.

"Gia c'mon.. let's eat first." Narinig kong tawag ni Kuya Sting mula sa aking likuran.

"Gia?" Tawag niya ulit noong hindi ako tumalima sa nauna niyang tawag.

Ngali-ngaling bumaling naman ako. "H-ha?"

"I said let's eat."

"O-okay, I'm coming."

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon