Deceived 17

1.9K 102 17
                                    


Parang ang ganda ko ngayon. Parang ang ganda ko everyday of my life!

"Gia!"

"Kuya naman, wait!"

Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng katawan ko sa full body mirror. I am wearing a black spandex skirt hugging  half of my upper legs and a red hanging blouse with detachable sleeves. Ibinaba ko pa lalo ang hem ng blouse dahilan para mas malantad ang valley sa pagitan ng mga dibdib ko; the bright red color emphasizing my creamy complexion.

Isinuot ko rin iyong regalong kwintas ng friend ko noong college na may initials ng pangalan ko para ma-emphasize naman yung collarbone.

Suot ang knee length na high heeled boots, ikinawit ko ang aviator glasses sa tenga ko at hinayaan itong mahulog hanggang sa tungki ng aking ilong.

Oh-lala mama.

Hinawi ko ang tuwid na tuwid kong abot beywang na buhok at ipinatong iyon sa kanan kong balikat.

Mabuti na lang at nauso ang contact lens dahil kung hindi ay mangangapa ako para lang maachieve ang OOTD ko. Bulag kasi ako kung walang salamin.

"Gia Svana, isa!"

"Oo na, ito na!"

Tumalikod ako sa salamin at nagmamadaling tinahak ang daan papunta sa baba. Both of my brothers are there, waiting for me. Kuya Daskeet is on his phone again, malamang busy na naman sa business niya habang si Kuya Hastings naman ay nakakunot ang noo at inip na inip na naghihintay saken.

Siya lang naman yung sigaw ng sigaw na parang isang taon ko na siyang pinaghihintay.

Tss.

Tumunghay si Kuya Daskeet at nangunot din  ang kanyang noo nang makita ang itsura ko. Kahit si Kuya Hastings ay nakasimangot na din habang pinapanood akong bumababa ng hagdan. Ayan, ayan na naman yang mga mukha nila. Alam na alam ko na yan.

Umiling na lang ang dalawa nung ipinakita ko ang maliwanag kong ngiti.

Hahahaha. Alam kasi nilang wala silang magagawa. Isa pa, kasama ko naman silang pareho kaya wala naman sigurong mambabastos saken. Takot lang nila sa dalawang bouncer ko pati na rin sa takong ng boots ko. Mas matalim pa to kesa sa balisong mga tsong!

Tumingin si Kuya Skeet sa relos niya. "We'll buy a condo unit and a lambo." Mahina niyang usal, pinapaalala ang dahilan kung bakit sila kasama.

See? Control freaks. Kahit anong pakiusap ko kagabi na ako na lang ang kikilos, ayaw na nilang magpatalo. They will let me live alone, basta alam daw nila at sigurado sila. They will do some 'quality check' daw. Titibay.

Natulos ako sa kinatatayuan nung mag-sink in yung sinabi niya. "Kuya, lambo is too much." Reklamo ko sa kanya mas binibilisan na ang pagbaba sa hagdan.

Ayoko talaga na pinapagmayabang ang kayamanan nila. Sila lang naman kasi yung mayaman, samantalang ako, tamang tambay lang as of the moment. Magkakapera palang ako once na matanggap ako sa Montereal Empire. Ni sariling fuel ng lambo na bibilhin nila, sila pa tong magbabayad.

Humalakhak si Kuya Hastings the gung-gong sa tabi ko. Hinawakan niya ang ulo ko saka ginulo ang maganda kong buhok. The iritasyon! Mygad! Agad ko siyang tinabig, pero di yata nagregister sa utak niya yung ginawa ko. "Rolls Royce daw yata ang gusto  kuya." Singit din nito, nang-aasar na naman.

Rolls Royce your ass, Stinger. E mas mahal pa yun sa Lambo, utot mo!

Nagtawanan sila kaya tinalikuran ko na. Kaya nga ayaw ko silang kasama kasi hindi nasusunod ang gusto ko. Nakakairita. Palagi din nila akong pinagkakaisahan.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now