Deceived 29

1.6K 94 15
                                    

I am a conglomeration of kaleidoscopic shades of sadness. Sometimes, I get so so dark.. other times, I am just a varied shade. All the time, still a little bit sad.

"Happy monthsary babe!" Si Keisha na halos pa umabot sa tenga ang ngiti habang nakataas ang isang shot glass, sumasabay pa ang balakang sa indayog ng popular na international pop song.

"Thank you!" parehong energy na sigaw ko rin sa kabila ng sobrang malakas na tugtog mula sa naglalakihang speakers ng club.

We are here at our usual place celebrating my first month in the corporate world.

"Happy monthsary baby!" Si Henry naman ang sunod na bumati na tumayo pa at niyakap ako ng sobrang higpit habang iniikot-ikot.

Madali lang sa kanya yun kasi ang laking tao niya. Gwapo na sana, paminta nga lang. Tss.

"Happy first month Gia ganda, aming mahal na sanggol." Ungot din ni Fatima na nakatingala lang saken, halatang may tama na.

Ang baba talaga ng alcohol tolerance ng tababoy na to. Namumula na ang pisngi niya at kitang-kita na ang pamumungay ng mga mata. Sa sobrang ka-cute-tan niya ay gusto ko siyang kurutin sa pisngi.

"Thank you so much guys! Thank you talaga." Kunyare ay nagdadrama kong saad habang nakalagay ang isang kamay sa harap ng dibdib, at nagpupunas ng imaginary na luha.

I smiled as I looked around them.

It's been a month Gia, really?

Tingnan mo nga naman at buhay pa rin ako pagkatapos ng isang buwan simula ng bumukod ako kila kuya!

Ang iniisip kasi nila ay uuwi akong isa nang malamig na bangkay oras na pakawalan nila ako sa mundo.

OA kasi sila.

"Drama amp!" Si Keisha ulit, medyo sumeryoso ang mukha. She then looked at my eyes and motioned for me to come closer.

Sumunod naman ako.

"Sorry for not being always available." She breathed heavily in my ear.

Nasabi ko na kasi sa kanya bago pa dumating yung ibang bakla na bumabalik ang depression ko. Nasabi ko rin ang tungkol sa gamot na iniinom ko gabi-gabi para lang makaranas ng tulog.

So far, si Kier palang ang nasabihan ko, at siya.

Sa tatlo kasi, si Keisha naman talaga ang pinakamalapit saken. Sassy kasi siya pero kapag nakuha mo ang kiliti, she could be the sweetest person you'll ever know. She's like an older sister to me. Late siyang nagcollege kaya kahit late din ako, mas matanda pa rin siya saken.

Henry on the other hand is my clown. Hindi man kagaya ng kay Keisha ang closeness ko sa kanya, still, he was my little ray of sunshine when I was really struggling to be happy. Paminta kasi siya, at may naaalala ako sa kanya noong una kaya dinikitan ko rin siya ng todo.

Fatima, the last one, is just someone I adopted by heart. Unang tingin ko palang sa kanya, alam ko na sa puso ko na magiging mahalaga siya. I can see the little sister that I've never had in her.

At gaya nga ng inaasahan, kaya ayaw kong sabihin sa kanila ang mga ganitong bagay ay dahil sisisihin nila ang sarili dahil daw hindi nila ako nabigyan ng oras.

Damn, e pare-pareho na kaming may mga trabaho. I know for sure how hectic work can be. Tapos kung makapagdrama, akala mo kasalanan nilang tunay! E bakit, sila ba yung nagpadala ng depression sa utak ko?

"Di ka pa pala tapos kaka-ungot. Susunugin ko yang kilay mo kapag di ka magtigil." Banta ko ring may bahid ng pagkaseryoso ang boses.

She made a face then tentatively touched her perfectly defined eyebrows. Pinapakiramdaman siguro kung handa na siyang isuko ang pinakamamahal na kilay kung ipagpapatuloy niya ang topic.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon