Deceived 4

2.1K 123 15
                                    

"Gian.."

Dumating si Papa bandang hapon at naabutan akong nakapangalumbaba sa harap ng gate. Isang tingin ko lang sa kanya at nagsimula na namang umahon ang mga luha mula sa mga mata ko. Nagtatakang hinawakan niya ako sa braso saka dinala sa loob.

"Anong nangyari? Bat ka umiiyak?"

Habang nagsasalita ay binababa niya ang kanyang dala-dalang bag saka hinubad ang kanyang pawisang tshirt. Sinusundan ko lang siya ng tingin, habang pinapanood ang mga peklat sa kanyang likod. Nawala ulit iyon nang magsuot siya ng manipis na tshirt.

"P-pa.. M-mamamatay na ako." Punong-puno ng takot at kalungkutan ang tinig na namutawi sa aking bibig kaya naman ay nagkanda-utal na ako sa pagsasalita.

Nakita kong napatda si Papa mula sa kanyang kinatatayuan bago mabilisang pumihit para tingnan ang aking mukha. Sinuri niya ako, sinisipat ng mabuti kung ano ang mali.

Habang naglalakad siya papunta sa akin ay nagsasalita siya gamit ang kanyang matapang na tinig. "Ano bang kalokohan yan Gian? Hindi ako natutuwa sa mga biro mong ganyan!"

Kung dati ay natatakot ako kapag tumitigas ng ganito ang kanyang mukha at nagngangalit ang kanyang panga, ngayon ay parang nakatulong iyon upang bigyan ako ng kakarampot na pag-asa. Pakiramdam ko ay hindi ako pababayaan ni papa kung halimbawa mang malala na itong sakit ko.

Tumalikod ako sa kanya at saka itinuro iyong bahagi ng pwet na ngayon ay halos lumamutak na ng dugo. Nanginig ang mga kamay ko dahil mukhang mas malala na ito ngayon kumpara kaninang tanghali.

Narinig ko ang marahang pagsinghap ni papa nang tumambad sa kanya ang dugo. Ang kaninang tapang na natanggap ko ay unti-unting napapalitan ng takot ng makita ang hindi niya maipintang mukha.

"Pa.." may pagmamakaawa sa boses ko. "Anong gagawin natin? Wala tayong pera." Hikbi ko.

Para siyang natauhan ng marinig ang mumunti kong iyak kaya agad niya akong pinaupo sa monoblock na inuupuan ko kanina. Hindi ko parin mabasa ang mukha niya.

"H-hindi naman po ako nasugatan e." Pagpapatuloy ko, umaasang maiintindihan niya ang dahilan kung bakit may ganito.

Biglang tumayo si Papa kaya sinundan ko siya ng nagtatakang tingin. Halos hindi na siya magkamayaw habang kinukuha ang wallet sa bulsa ng kanyang bag at dumire-diretso sa pinto. Ni hindi na nakuhang magpaalam kung saan siya pupunta.

Hahabulin ko sana siya pero naunahan ako ng kaba sa pag-aakala na baka lalong umagos ang dugo. Pero bago pa man ako makatayo ay andun na ulit siya sa may pinto.

"May bibilhin lang ako 'nak. Wag kang mag-alala, ayos ka lang." Pahabol niya bago tuluyang umalis.

Napakamot ako sa ulo habang tinatanaw siyang papaalis. Lakad takbo ang ginawa ni papa hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Naabutan niya ulit akong nakabaluktot sa kama habang iniinda ang sakit ng balakang.

"Ito na, ito na.." natataranta niyang nilahad ang supot na may nakatatak na whisper sa aking kamay.

Tinitigan ko si papa pagkatapos ay iyong supot na dala niya, pagkatapos ay si Papa ulit. At anong alam ko dito sa whisper na to? Aanhin ko naman to?

Napansin niya marahil ang kakatwa kong itsura dahil agad niyang binuksan iyon, kumuha ng isang maliit na square at muling ibinigay sa akin.

"Aanhin ko po ba yan?" miserable at nagtataka kong tanong habang tinititigan iyong maliit na paketeng iyon.

Rinig ko ang marahas niyang buntong hininga. "Hindi ba ito tinuro sa inyo sa paaralan?" Kunot-noo niyang tanong.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang