Deceived 34

1.8K 90 18
                                    

A little over a week, Sir Rio's downfall came to the office.

Abala ko nun sa pakikipag-usap kay Keisha sa cellphone nung bigla akong tawagin ni Sir para pumunta sa kanyang office.  Akala ko pa naman ay kung ano na ang nagawa kong kasalanan total ay hindi naman kasama sa routine namin to, pero nagulat ako nung bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang medyo.. okay naman, medyo sakto naman..

Fine.

Magandang babae! Ang ganda niya pero mas maganda ako sa kanya!

Joke. Mas matangkad lang talaga siya saken. Mukha siyang mataray dahil hindi niya man lang nagawang sumukli sa ngiti na ibinigay ko sa kanya, o baka hindi niya lang napansin.

Masyado kasi siyang nakatutok kay Sir Rio.

Actually, masyado silang nagtititigan, na halos pa lang ay maglapaan sila dito sa mismong harap ko.

Mukhang sa tabas ng mukha ni Sir, meron yatang bad blood dito sa pagitan ng dalawa. Nagdilim kasi ito bigla pagkakita niya sa babae.

"This is my secretary, Giana. She will show you the place where you'll clean." Biglang saad ni Sir sa aming dalawa bago kami tinalikuran pareho.

Giniya ko ang babae patungo sa janitor's lounge at doon ko napatunayan na mataray ngang talaga siya!

Pano naman kasi ay nag-english siya bigla at tinarayan ako! Na-epistaxis tuloy ako.

Naaalala ko sa kanya si Keisha. Yung katarayan ni Keish at yung pagiging palaban. Alam kong palaban siya dahil siya lang yata ang kayang makipag-eye to eye sa beastman dito sa office. Dun palang ay napahanga niya na akong talaga.

She told me that her name is Kamila. Sa dami ko ng tinanong, yun lang ang nakuha niyang sagutin.

Hinayaan ko na lang din dahil baka hindi siya sanay sa recitation. Lels.

I wanted to be her friend. Unang tingin mo pa lang kasi sa kanya, mababakas mo na ang lungkot sa kanyang mga mata. Para bang andami-dami niyang masasakit na pinagdaanan sa buhay dahil sa lamlam ng kanyang mukha.

Hindi siya yung tipo na kagaya ko na kayang magtago sa likod ng ngiti.

Wala mang emosyon ang kanyang mukha, meron naman siyang madilim na awra na nakapalibot sa kanyang pagkatao.

At dahil mahilig akong mag-ampon ng mga taong nasasaktan at nahihirapan, inampon ko na siya ora mismo.

"You are now officially my friend!" sigaw ko sa mukha niya dahilan para mapangiwi siya sa inis.

Niyapos ko pa siya saka ako tumalon-talon. I think I will like her. I really think I will like her.

Nag-usap pa kami ng bahagya at medyo tsinismis ko sa kanya ang mga boss, pero medyo lang naman at hindi naman malala.

O sige, medyo malala ang tsismis na ginawa ko para hindi siya mapasama sa mga babae na nasira lang ang buhay dahil sa pagdidikit sa mga bossing namin.

Lalo na kay Sir Ruzzia.

Pero hindi rin nagtagal at bumalik ako sa opisina lalo at marami daw sa aking ipapagawa si Sir Rio kahit gusto ko pa sana siyang kausapin at usisain. May nararamdaman kasi akong kakaiba.

Nung makarating ako sa floor namin, hinanap ng mga mata ko si Kier sa dati niyang inuupuan sa harap ng table ko pero hindi ko siya makita.

Napangisi ako.

Alam ko kung bakit ayaw niyang magpakita ngayon.

Nagflashback saken yung isang gabi nung minsang napag-usapan namin yung tungkol sa pagiging elite niya. Papaalis na kami sa kanilang den pero tinawag siya ni Caden. Hindi sinasadya pero narinig ko kung anong pinag-uusapan nila.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now