Deceived 40

1.5K 104 28
                                    

Natapos ang maghapon na tuwing lumalapit si Kier, kusa akong umiiwas para hindi kami magpang-abot.

Kung anu-ano na rin ang inako kung gawain para lang ukupahin ang sarili ko at para na rin mapalayo sa kanya ng tuluyan. I bought coffees, I printed files, I reorganized my cabinet, printed and reprinted minutes of various meetings that can be done on monday..

Mabuti na lang talaga at sabado bukas! Makapagpapahinga ako sa mansion.

Therefore, by the end of the day, para na akong lantang gulay sa sobrang dami kong nagawang trabaho sa araw na ito.

Pakiramdam ko nga ay parang katumbas na ng isang buong linggo kong trabaho ang nagawa ko sa maghapon, isama pa ang pabalik-balik kong paglalakad paroo't parito para lang makalayo at gawing abala ang sarili ko.

Kulang na lang ay tumirik ang mata ko at tuluyan na akong himatayin sa sobrang pagod.

"Gia, tara na uwi.." aya ni Mrs. V habang inaayos ang kanyang gamit.

Ngumiti ako at pagod na minasahe ang aking batok.

I can imagine myself soaking in the tub and drinking lots of wine tapos ay itutulog ko ang pagod ko sa maghapon.

"Opo. Susunod na rin."

Naunang nagsitayuan ang tatlo habang ako naman ay naghabol na rin sa kanila.

Nasa lobby na ako noong maalala ko na hinahatid nga pala ako ni Kier sa tinitirahan kong building tuwing hapon kapag uwian!

I know I have my car, but I can also remember him driving my volks just to bring me home. Tapos ay saka siya maglalakad pabalik sa building para naman kunin ang kanyang sasakyan.

Dati hinahayaan ko, pero ngayon..

I just don't want to be an inconvenience to anyone. Ayokong dumating yung point na isumbat sa akin lahat ng bagay na nagawa para saken ng ibang tao.

Hindi ko kaya yun. That would break me completely.

Nag-iisip ako ng paraan kung pano ko siya maiiwasan noong may biglang sumagi sa katawan ko dahilan para muntik akong tumilapon sa sahig.

Latang-lata na kasing talaga ako at halos wala na rin ng natitirang lakas kaya kahit naman mahina lang, hindi ko na nagawang kontrolin ang aking sarili.

"What the heck Giana, I'm sorry.." rinig kong hingi ng paumanhin ng isang tao bago ako tinulungang makabalanse ulit.

Kinuha niya ang bag kong natapon sa sahig saka iyon isinukbit ulit sa aking balikat.

Pagod akong ngumiti saka ko kinilala kung sino ang pesteng bumangga saken. Wala naman, para mapagbuhatan man lang ng kamay.

Tumambad naman ang nag-aalalang mukha ni Tristan.

Ay si yawa fucking Tristan. Pag sinuswerte ka nga naman.

Tristan is a college schoolmate who has long expressed his affection for me. Anak siya ng isang mayor at dahil doon kaya feeling niya ay sobrang yaman niya na. Matayog ang tingin niya sa sarili kaya hindi ko siya kailanman nakasalamuha kahit pa sabi niya noon ay crush niya ako.

"It's okay. Thank you. See you around." Bulong ko noong maisukbit niyang muli ang shoulder bag ko sa aking balikat.

Ngumiti siya at balak pa yatang pahabain ang pag-uusap namin kasi agad ring bumuka ang kanyang bibig para dagdagan ang sinabi ko pero naunahan ko na siyang talikuran saka ako nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Gah. I wanna drop in bed and not waste time talking to people.

I don't wanna be rude pero kung noon ngang maayos ang lagay ko ay hindi ko siya kinakausap, ngayon pa kaya na para akong pinagbagsakan ng langit at lupa? Tss.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now