Deceived 32

1.7K 97 44
                                    

Kier

"Anong nangyari sa mga mukha niyo?!" Halos mapatid ang litid sa leeg ni Boss Cade noong pumasok siya sa Elite's den at tumambad sa kanya ang mukha noong mga kwatog na punong-puno ng pasa at sugat. Yung iba ay may mga bukol pa sa ulo at nakabenda pa ang braso.

Kanya-kanyang yuko naman ang mga kaawa-awang nilalang habang pilit na itinatago ang pinsala na natamo dahil sa nangyari ngayong araw.

Kahit alam kong medyo masama, hindi ko pa rin napigilan ang bahagyang matawa dahil sa nangyari sa kanila.

Sa pangyayari na kahit ako ay hindi inakala.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nahagip noon ang mga kasama namin sa kwarto. Sa kasalukuyan ay mayroong labindawalang kalalakihan sa Elite's den.

At isang babae.

Isang babaeng kanina pang nakayuko at pinipilit na paliitin ang sarili dahil sa kahihiyan at hindi mumunting pagsisisi dahil ang katotohanan ay siya lang naman ang nag-iisang dahilan kung bakit kami pinapagalitan ng bossing namin ngayon.

Napalingon ako sa kanya at saka sinuri ang kanyang maliit na katawan.

Tapos ay hindi ko na napigilan ang pagsibol ng isang nagmamalaking ngisi sa aking mga labi.

Para akong tatay na proud na proud sa nagawa ng aking anak! Susmaryosep.

"Tangina Ashton, pati ikaw kasali sa kabaliwang to?" Boss Cade scolded the second in command.

Well actually, lahat kami, maliban sa bossing namin ay kasabwat sa mga pangyayari.

Nakita ko kung paanong halos sabay-sabay ang mga ulo nila na lumingon sa akin, pare-pareho ang ekspresyon ng mukha at makikitaan lahat ng galit.

Sabihin na kasi natin na kasalanan ko talaga. Hahahahaha.

Pucha, gago kasalanan ko nga pero hindi ko talaga maiwasan na hindi matawa. Kasi hindi ko naman talaga sinasadya ang lahat!

Ang kamalian lang ay nakalimutan kong sabihin na hindi na itutuloy ang plano. Nakalimutan ko dahil sa mga nalaman ko nito lamang nakaraan. Masyado kasing inukupa ni Gia lahat ng hibla ng isip ko na nakalimutan ko lahat ng plano na ginawa ko.

Kahit ayoko ay pilit na bumabalik ang ala-ala kung pano kami napunta sa ganitong klase ng sitwasyon.

It was a week ago. Bago ko pa mapagtagpi-tagpi ang lahat ng bagay na magtuturo sa akin kung sino ba talaga si Gia at anong kaugnayan niya kay Gian.

I knew then that she was getting suspicious. Madalas ay nakikita ko siya na para bang pinag-aaralan ako. Minsan niya na ring natanong saken kung may background ba ako sa pagbobody-guard maliban sa pagiging driver.

She asked if I was just acting or if I am really gay.

Minsan, kusa niyang pinapagaan ang tono ng kanyang pananalita, nagkukunyaring dahil sa interes niya kaya siya nagtatanong. Kunyari ay dahil gustong-gusto niya ako kaya siya interesadong malaman.

But I knew better.

"Langya! Sino unang gustong masampolan sa mukha nitong bago kong biling darts ha, mga brad?" pumasok si Damon na may dalang dart board. Nakasunod naman sa kanya sina Bjorn at Heath na parehong nakangisi at iba na ang tingin sa naunang lalaki.

Malamang ay puro kalokohan na naman ang nasa isip ng mga yun. Puro talaga buang.

Reeve was at the billiards table together with Winter and Khian while all the others are playing cards. Wala si Boss Cade, naghahanap na naman sa jowa niyang palagi naman siyang iniiwan.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant