Deceived 21

1.8K 99 32
                                    


Saturday, I went back to the mansion. May kausap si Kuya Daskeet sa phone kaya tumingkayad na lang ako para halikan siya sa pisngi bilang pagbati.

He motioned for me to come inside the dining hall.

"Hey baby." Kuya Sting welcomed me when he saw me coming. Nakaupo siya sa isang upuan sa dining, sipping his coffee. Biglang lumitaw si Manang.

"What do you want to eat?" He asked after I sat on my old chair.

Sinabi ko kay manang ang gusto kong kainin kaya naiwan na ulit kami ni kuya. Nakatingin na siya sa kape niya at mukhang malalim ang iniisip. Sa lalim ay hindi ko na iyon masisid.

"May problema ba?" Naguguluhan kong tanong.

He's acting a little weird. My usual Kuya Sting would be pestering me non-stop today. Lalo at ngayon lang ulit kami nagkita after one week. He should be missing me, you know. That's how he is. And seeing him so quiet does not sit well with me.

"H-huh?" Utal pa ang sagot.

Lalong nangunot ang noo ko.

Something is wrong with my kuya.

Sinilip ko si Kuya Daskeet kung malapit na siyang matapos sa call at noong makita kong ibinaba niya na ang tawag, umayos ako ng upo. Kailangan kong mag-imbestiga.

"Baby, I'm sorry. I was talking to someone." Paumanhin niya noong nakaupo na rin sa pwesto niya. His coffee has run cold, meaning kanina pa siyang may kausap. These guys really!

It's saturday, for eff's sake. Dapat gumaya sila sa mga Montereal na dalawang araw ang day-off. Kahit pagod na pagod ako from Monday to Friday, bawing bawi naman ako ng saturday and sunday. It's still a paid day-off. Ang swerte ko talaga. Pag sabado at linggo lang. Pero pag lunes hanggang byernes, isinusumpa ko na pumasok ako sa kompanyang yun.

Umingos ako. "You should learn how to take a break kuya." I advised him. "Tumatanda na kayong dalawa, wala pa rin akong pamangkin. Kahit babae, hindi pa kayo nagdadala dito sa mansion. Don't tell me, mauuna pa ako sa inyo?"

It was supposed to be a joke. Dapat tatapatan yun ni Kuya Sting ng, 'panong mauuna ka, e wala namang tumatagal na manliligaw sayo. Ang panget mo kasi' line.

Kaso, sa halip na alaskahin ako, biglang umubo ng sunod-sunod si Kuya Sting kaya sabay kami ni Kuya Skeet na lumingon sa kanya. He has his front shirt dripping with black ooze from the coffee of course. Namumula ang mukha at may kaunti pang kape na namali ng punta at lumabas sa kanyang ilong.

Ngumiwi ako.

"Ew."

"Ew." Panggagaya niya saken habang humahalakhak.

Inirapan ko naman. Nagsisisi na ako na hinahanap ko yung kakulitan ni Kuya. Parang mas maganda kung tahimik siya.

Kinuha niya ang tissue na iniabot ko saka pinunasan ang kanyang mukha at ang kanyang damit. Mainit pa yung kape niya kaya baka napaso siya, pero dahil makapal naman ang balat ni kuya, hindi na ako nag-alala.

"How's work?" Entrada ni Kuya Skeet, matiim ang tingin saken.

Ngumisi ako.

"Damn tiring as fuck. Workaholic ang boss ko pero ayos lang naman. I love it so much." I made it sound so fun dahil ayokong makarinig ng nega. Nagnega na nga ako nung isang araw tapos dadagdagan pa nila. Delikado yun, baka matalo ako at sumuko.

I am not a quitter.

"Kwento ka, how's your first week Gia." Si kuya Sting naman.

Hmmm..

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now