Deceived 24

1.8K 109 82
                                    


"Hi, morning." I smiled as I saw my office mates gawking at the man seated on the couch reading a business magazine. Unang tingin at hindi mo aakalain na isang hamak na driver lang siya. His black suit and white polo together with that physique is enough to make you dream of the physical sense. A lot of physicality. And moans.

"Morning." Wala sa sariling bulong nung dalawang babae, paminsan-minsan ay humahagikhik na parang mga highschooler.

Humikab ulit ako dahil sa antok. I think I need to visit my doctor again. I'll ask for a new doze of sleeping pills.

"Kulang ka sa tulog Gia?" Flavio appeared in front of me with a steaming cup of coffee in his hands.

"Hmm, yeah. Insomnia." Mahina kong  sambit.

He held out his hand with the cup of coffee. Nagtatanong naman na ibinaling ko ang mga mata ko sa kanya.

He blushed like a school boy and then massaged the back of his neck looking abashed.

"Coffee Giana. I already gave Mrs. Avancillio and Faith theirs." Paliwanag niya kahit hindi naman na kailangan. He's so cute lalo kapag ngumingiti siya at lumalabas ang pamatay niyang dimples. Parang gusto ko tuloy pisilin ang pisngi niya at panoorin ang pamumula noon.

"Thanks." I murmured with a smile then went to my table.

Naghagikhikan na naman sina Mrs. Violet kaya nakuha na naman nila ang atensyon ko. Although, I'm sure as hell that I won't come near them again. Ayoko na ulit matusok ng lapis kapag nagulat sila.

Traumatic. Ugh.

Sinundan ko ng tingin ang mga mata ng mga kasama ko at lumapat na naman iyon kay Kier.

Again, the flashbacks of last night came to mind. Same physique. Kapag ganitong nakayuko siya, nakikita ko yung lalaki na kasama ko kagabi.

He is still looking at the magazine. Nakaupo at nakapandekwatrong pambabae. Iyong tipo na gawain ng mga metrosexual na lalaki. He has his right hand lying idly on the couch's backrest while the other one was busy flipping the pages back and forth.

Kapag ganitong hindi siya nagsasalita, hindi mo mapaghahalata ang pagiging bakla niya. Kaya siguro parang kinikiliti tong dalawa sa tabi ko kasi nakakalimutan ang kasarian ng kasama namin.

"Good morning." Biglang sumulpot si Sir Ruzz kaya sabay-sabay kaming napatayo.

"Good morning Sir." Hindi napigilan ang pare-parehong pag-ilaw ng mga mata namin nung makita ang aparisyon. Este. Yung playboy. Kahit si Flavio ay parang nataranta sa ginagawa.

"Oh Flavio. Ginawa mo yung advice ko?" Nakangiti niyang tanong bago nalipat ang tingin saming mga babae.

Ngumiti naman ako ng pagkalaki-laki. Well you can't blame me. Lahat ng babaeng napagtutunan niya ng pansin ay parang bumbilyang biglang umiilaw.

"H-ha? A-ah, oo Sir."

"Hmm.. I can see that. Next time, dapat siya lang ang bigyan mo para special."

Oh? May nililigawan si Flavio?! Ang cute naman. Office romance na ba dis? Baka si Faith? Binigyan niya kami bigla ng coffee e, hindi naman siya dati namimigay.

Nalipat ang tingin ko kay Kier dahil mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang tumunghay. Ni hindi man lang bumati kay Sir Ruzzia. Basta lang nakaupo at nakatingin, medyo kunot ang noo. Iba rin.

He was looking at the smiling Flavio and I saw how his eyes turned into slits when he saw the cup of coffee on my desk. Pabalik-balik ang tingin niya kay Flavio, sa kape ko at kay Sir Ruzz na parang may kung anong ideyang sinusundan.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now