Deceived 25

1.8K 123 36
                                    


"Bro, anong sabi mo? Tangina mo gago, identity theft yan!"

"Hahahahaha!"

"Tres, ipakilala mo naman kung kanino ka ikakasal, man!"

"Nakapili  na kayo ng venue? I'll lend my beach house in Sorsogon. Pink sand subic."

"Putangina tol, pakakasalan mo na yung sex doll na nabili mo sa amazon?"

Nagkakagulo ang mga ulupong dito sa Elite's den noong binalita ko kay Khian ang panggagago ko sa pangalan niya. Mas nagwala pa ang mga garapata noong ibinalita kong sinabi kong ikakasal na si Khi. Fake news na fake news. Alam kasi nilang lahat kung gaano kachoosy sa babae tong kakambal ko.

"Sana Tres diba, bago nabalita na ikakasal ka, nakahanap ka muna ng babae?" Si Boss Cade.

"Diba daw pag napapabalitang ikakasal, madalas hindi na kinakasal kahit kailan? So ano Tres, tandang-binata na tayo?"

Tumikhim ako lalo nung tinapunan ako ni Khian ng masamang tingin. Napangisi dahil alam ko namang hindi niya seseryusohin ang mga ganyang banta. After two weeks, I went back in dahil talagang nananakit na ang ulo ko.

Gia Svana has proven herself to be the most--

Ugh! I don't fucking know how to decsribe her. Para siyang natutulog na bulkan na kahit anong oras ay may posibilidad na sumabog. Mas malala pa dun sa una kong description kung paano siyang maihahalintulad sa isang landmine. Everywhere is a fucking trap.

Noong una, kahit nabisto na, ang plano ay manatiling hindi kilala. The black truck I bought just for the set-up proved effective. Hindi kita ang loob dahil sa malakas na tint nung mga bintana kaya nababantayan ko ang mga kilos ng bubwit.

Pag naman nasa opisina na, hindi na ako nag-aalala dahil alam kong wala rin namang posibleng masamang mangyari sa loob ng empire na yan.

The Montereals sets a strict security measure. Us being their top agency in security. Sa laki ng ibinabayad ng mga Montereal sa Elites, hindi mo na iisipin pang kailangan mong magtrabaho ng iba.

Masyado lang talang businessman itong si Caden kaya pati pagbobodyguard ay hindi pinalalagpas.

Oo na nga at hindi rin petiks ang presyuhan ng mga sideline na kinukuha niya. Damn, our wallets could sustain our kids until the fourth generation. Wag lang silang malulong sa casino at itaya ang ilang milyon sa isang upuan lang.

"Wait nga, I thought you'd stop acting gay? Diba sabi mo, di ka magpapakilala?" That's Khi. Napag-usapan kasi namin to minsan.

Umirap ako.

Natahimik ang lahat.

What the fuuuuuuuuu---

"TANGINA BRO, NAKITA MO YUNG IRAP BRO?!" Si Winter na hindi magkandaugaga kakatawa.

"PUCHA, AKALA KO CONYO GURL, ANAK MAYAMANG SPOILED BRAT ANG DATINGAN NG IRAP BRO E." Singit naman ni Reeve na isa pang gago.

"Nahilo ako sa taas ng inabot ng itim sa mata sis!" Pang-gagaya ni Khian sa pang-aalaska ng dalawa.

"Bobo niyo!" Hindi ko na napigilan ang inis.

Bobo! Bobo! Ang sarap kutusan ng sarili ko putangina. Sa sobrang napapadalas kong pag-irap kay Gia Svana, hanggang dito sa lungga ay nagagawa ko na! Pakiramdam ko mapapatunayan ko yung paniniwala na pag nahipan ka ng hangin sa pagpapanggap mo, ay baka matuluyan ka.

Good Lord.

Ang lutong-lutong ng tawanan at asaran sa loob ng lungga. Bwesit na bwesit naman ako, ni hindi makasabay! E pano, kumpleto lahat, kaya bale full force ang asaran. Ang masama sa ganto, bawal ka magpaputok ng baril, o miski kilay man lang. Sarap sana makipagbasag-ulo e.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat