Deceived 30

1.7K 101 18
                                    

"Keisha muntanga ka. Isang salita pa mula sa bibig mo, ipapahigop ko tong laman ng inhaler sayo!" Iritado kong saad.

Ngumisi naman ang bruha saka nag-peace sign sa akin. Pero umirap siya kay Kier.

Napakataray talaga ng---

Pag natyambahan ko to at si Kuya, ipapa-arranged marriage ko to. Makabawi man lang.

"Uhm, una na kami Kie---Khian." Paalam ko dahil baka dagdagan pa ni Keisha ang kashungaan niya at kung anu-ano pa ang sabihin dito sa lalaki. "Salamat ng marami sa tulong ha."

Nakagat ko rin ang dila ko dahil muntikan ko na namang mabanggit ang pangalan ni Kier. Shit. Ilang beses na akong nadudulas. Napakagunggong talaga ng bunganga ko.

"You fine now?" Sa halip ay tanong niya.

Tumango naman ako at huminga ng malalim para ipakita na maayos na ang lagay ko.

May kaunti pang pag-aalinlangan sa mga mata niya pero hinayaan niya na rin naman.

"S-san  na ang punta niyo nyan?" Medyo alanganin niya ulit na tanong. This time, he was looking at my friends while asking the question, as if he was uneasy.

Nag-aalala siguro na baka pag-isipan na naman siya ng masama.

"Uwi na." Simple kong sagot. "Ikaw, uwi ka na rin? Route natin to e."

"Uhm, y-yes." Again he looked at Keisha.

Ah, nasabi nga pala ni Keish na kanina pa nakasunod si Kier. He really is uneasy.

"Uuwi na yan kasi pauwi ka na rin. Pag-alis natin kanina, kasabay din yan e."

"Keisha, ano ka ba?" Pagalit ko nang suway. Kahit naman hindi maganda ang ala-ala ko kahapon, at kahit naman hindi sinasadyang nasaktan ako sa balita ni Kier, ayoko rin na pinagmumukha siyang katawa-tawa.

'At nasan naman dun ang katawa-tawa Gia Svana? Nakita mo lang na hindi kumportable, kung makakampi ka naman? Protective much ate?' singhal ng impakta sa isip ko.

Pero napaisip na talaga ako. Theory one or theory two? Madalas, parang tama yung unang teorya ko e. Na siya nga yung bodyguard na ni-hire nila kuya.

"No, it's okay. Anyway, where are they to?" Baling niya saken ngayon. His whole attention was now focused entirely on me, na pakiramdam ko ay kahit magwala pa si Keish sa harapan namin, hindi niya mawawala ang atensyon saken.

"Uwi na rin sila. Ihahatid lang nila ko sa---"

"Dito ka na saken sumakay para dumiretso na sila." Bigla niyang saad na nakapagpatahimik sa aming lahat.

Oh noes.

Pag personality ni Khian ginagamit ni Kier sa harap ko, there is no space for awkwardness and fun. Parang seryoso kaming palagi. Parang ang hirap niyang tuksuhin.

Kasi, gusto kong gawing light ang mga bagay ngayon, at tumanggi sa kanya. Kung si Kier to, mas madali sana.

Sabihin ko lang kunyare na, "Ikaw naman, ilang oras pa lang tayong magkahiwalay, miss mo na ako agad baby Kier."

But then again, if I say that now, it would be so awkward. Hindi ko alam kung anong magiging reaction niya ngayong personality ni Khian ang dala niya. Natatakot akong baka bigla niya akong kargahin papunta sa kotse niya kung tumanggi ako.

"A-ah, hehe." Medyo awkward kong tawa. "K-kase.. kakausapin ko pa sila Khi. Papasok pa sila sa taas." Sagot ko.

Kitang-kita ang pagkunot ng noo niya at ganun na rin ang mabilisang sipat niya kay Henry.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now