Deceived 19

1.8K 90 10
                                    


"What's wrong with you today, Gia?" Kuya Skeet sounded exasperated when we arrived home at the mansion. Padabog niyang binuksan ang pinto ng volks at walang pasubaling nagmartsa papasok sa mansyon, ni hindi na nag-abalang isara iyon.

Kuya Sting's McLaren skidded to a stop right next to where I parked my Volks. When he came out, gone was the usual playful smirk in his face. Medyo namumutla pa nga siya habang lumalapit saken.

"You okay?"

Malungkot akong tumango.

I guess, I really scared them. First time ko yatang nakitang sumigaw si Kuya Daskeet ng matinis at mataas habang nakatukod ang kamay sa dashboard at sa roof ng kotse.

Muntik na akong mangiti kung hindi niya lang ako tiningnan ng pagkasama-sama. Mabuti na lang talaga at may itim na pick-up truck na tumabon sa maliit kong volks para hindi ako banggain ng mga kasunod na sasakyan.

Pano kasi, ilang beses akong muntik mamatay habang nagdadrive ng volks na binili nila ni Kuya Sting. Sa sobrang excitement ko na magdrive ng vintage car, nawawala ako sa sarili. Ilang beses akong nakalimot magsignal light sa tuwing liliko.

"Kuya sorry.." naiiyak kong usal habang sinusundan siyang papasok sa bahay.

Umiling siya pero walang ginawang kumento. Pakiramdam ko ay babawiin na nila yung blessing nila sa pagbukod ko. Pinatunayan ko yata ngayon na hindi ako katiwa-tiwalang pagbigyan.

Sunod ako ng sunod kay Kuya Sting na parang nagkasalang aso kaya hindi ko  napansin na nasa harap na kami ng study. Naririnig ko ang malalakas na mura ni Kuya Skeet sa loob.

Naiiyak ako lalo.

Ngayon lang yata sila nagalit saken. Nakakatakot.

"Say sorry to kuya." Utos niya.

Nakangiti na siya noong humarap saken kaya nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

Ginulo-gulo niya ang buhok ko pero sa halip na mairita gaya ng dati, parang kuting na hinanap ko pa yun at mas ginalaw ang ulo ko para bumigat ang kamay niya.

He chuckled.

"Sige na kuting. Payapain mo na si Kuya. Galit lang yan kasi muntik kang mapahamak."

May isang kasambahay na lumapit na may dalang scotch. Nakaisip ako agad ng paraan para magkaron ng dahilan upang kausapin siya. Kinuha ko yung scotch saka nagpresintang ako na ang magdadala.

Dahan-dahan akong tumango, nanginginig pa ang kamay noong pinihit ang siradura.

Bumungad saken si Kuya Skeet na nakaupo sa kanyang swivel chair, kunot ang noo habang nakatungo sa tambak na papeles sa kanyang mesa. He looks formidable and fearsome. Parang umurong tuloy lahat ng tapang ko sa katawan.

"Kuya.." garalgal ang boses ko kaya tumikhim ako agad para ayusin ang sarili.

Tumunghay siya pero agad ring tumungo, parang walang narinig.

Isinara ko ang pinto at naglakad palapit sa kanya para ilapag ang kanyang scotch. He said his thanks but he still refused to look at me. Nakakafrustrate naman.

"Kuya.." tawag ko ulit noong ilang minuto na pero hindi pa rin niya ko pinapansin.

Wala talaga. Hindi talaga siya tumutunghay. Parang nilalakumos ang puso ko sa kaalaman na galit talaga saken si Kuya Skeet.

"We'll talk tomorrow Gia Svana. I'm still angry."

"Pero kuya.."

"Tomorrow!" Dagundong ng boses niya ulit.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat