Deceived 39

1.3K 97 31
                                    

When I woke up the next morning, I was kinda shocked to find out that I'm still alive. Iba talaga pag masamang damo.

Should I add some more tablets? Lol.

Natawa ako sa sariling kaisipan. I have such morbid thoughts today, I think I will gladly walk in front of the traffic just to stop my pain.

Akala ko pa man din ay magiging maayos ang isip ko ngayong naitulog ko na. Yun pala, mas malala ang lungkot kapag bagong gising ka at mag-isa pa..

Hindi na lang kasi siya basta lungkot ngayon. May halo na rin siyang kahungkagan--- iyong pakiramdam ng matinding pangungulila sa isang bagay na hindi mo maituro. Hindi mo sigurado.

Iyong pakiramdam na may hinahanap ka pero hindi mo alam kung ano.

Itinapat ko ang kamay ko sa dibdib ko saka iyon pinakiramdaman..

Still bleeding, I see.

Naghihinagpis pa rin at parang wala pang balak na tumigil kakaiyak ang puso ko.

I stretched and then looked at my clock. It's already 4 o'clock in the morning. I mentally clocked my sleep and was surprised to realize that I was asleep for almost seventeen hours! Wow. Record breaker.

Tiningnan ko ang phone ko pero nakasara na ito at kahit anong pindot ko sa power button ay hindi talaga bumubukas. I guess it kinda dried down during my sleep.

Pinulot ko ang charger saka ko kinonekta ang cellphone ko doon pagkatapos ay hinayaan ang aparato habang nag-aayos ako ng sarili.

I should avoid Kier now then.

Sa lagay kasi ng utak ko, malamang na lalabas lang ang kabitteran ko at baka mapagsalitaan ko pa siya ng masakit kung magkakaharap kami.

Ayoko nun.

Kaya kong saktan ang lahat, pero hindi siya. Ako na lang kaysa siya.

Naalala ko na naman iyong pagkakataong umiyak siya at kung ano ang naging epekto nun saken. Kung masakit na ngayon, kapag siya ang nasaktan ko, dodoble ang sakit na nararamdaman ko. I can't shoulder another doze of pain. Baka tuluyan na akong bumigay kapag nagkataon.

I think this is my limit before I completely shut down and do the unthinkable.

Ayoko rin namang dumating ako sa puntong iyon kaya hangga't maaari, ako na lang ang iiwas. Ako na lang ang mag-aadjust.

At five thirty, I am almost at my door.

Naisip kong umalis ng ganito kaaga dahil baka magpang-abot kami kung alas sais ako lalabas. He's an early bird so I should tread carefully lalo ngayong balak ko na siyang iwasan.

Maybe, I should talk to my kuya too?

They can fire him na rin para hindi na mahati ang oras niya. So he'll be with the woman anytime he wants. Atleast diba, isa man lang sa amin ang masaya, ayos na ako dun.

Bumaba ako sa parking lot at talagang saktong halos wala pang gising na tao sa paligid maliban dun sa security guard na nagrorotation bago magshifting.

I took out my car keys and went to my volks.

Grabe, ang tagal ko rin tong hindi nagamit. Parang nagtampo pa ang baby volks ko kasi hindi na siya kasing kintab gaya noong bago ko pa lang siyang binili.

Muling naglakbay ang isipan ko sa panahong  hindi pa ako empleyado ng mga Montereal. Was it almost two months now? Nakakalula kung paanong parang ang bilis ng panahon.

Pakiramdam ko ay kahapon ko lang binili to.

I kissed the car's roof and smiled sillily to myself.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now