KABANATA 34

37.5K 1.3K 211
                                    

Jordanna’s P.O.V.

Iminulat ko ang aking mga mata . Wala si Jasper sa tabi ko.  Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.  Limang minuto na lang pala bago mag alas quatro. Nasaan na kaya ang mokong na 'yun?

Tinawagan ko ang kanyang cellphone. Nagri-ring lang ito, pero wala namang sumasagot.  Kinabahan na ako. Nasa’n na nga kaya ang lalaking 'yun?

Bumangon ako, bago dumiretso sa banyo.  Ramdam ko pa rin ang soreness ko, though hindi ko naman masyadong iniinda ito. Binitbit ko ang cellphone ko at ilang beses ko s’yang tinawagan sa gitna ng paghihilamos at pagsisipilyo ko.  Hindi pa rin ito sumasagot.  Lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko.  Nasaan na kaya ang taong 'yon?
Masyado pang maaga, pero nagsuot na ako ng pantalon, rubbershoes at komportableng kamiseta. Ipinuyod ko ang aking mahabang buhok at inayos ang mukha.

Hahanapin ko na lang s’ya sa labas ng suite.

Papalabas na ako ng aming suite, nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa likurang bulsa ng pantalon ko.  Kinuha ko agad ito at tiningnan.  

1 message received, from HALO 1:  Sa kanluran. 13th floor. Magmadali ka.

I texted back, immediately. HALO 2: Copy.

Nagmadali ako lumabas. Binagtas ang hallway ng 5th floor. "Damn it!"  Bulong ko, habang pinipindot ko ang up button ng elevator.  Ang bagal kasing umakyat mula sa 2nd floor to 5th floor. Bumukas ang elevator.  Walang tao. Pumasok ako, at pinindot ang button na magsasara nito. Sinipat ko ang mga buttons ng bawat floor.  Lahat ng numero ng floors, naro’n, mapuwera lang ang 13th.  Inasahan ko na ito.  Marahil ay isa sa mga mapamahiin ang may-ari ng hotel na ‘to (1).  Pinidot ko ang 12th, at saka matiyagang naghintay. Nagdire-diretso lang ang pag-akyat ng elevator, mula sa 5th floor hanggang sa 8th.  Huminto ito sa 8th, may pumasok na dalawang babae, na pinindot naman ang button number 10. Pagdating namin sa 10th, lumabas ang mga ito, pero may may pumasok naman na isang lalaking papunta rin sa ika-labing dalawang palapag.

Bumukas ang elevator door sa 12th floor. Dumiretso ang lalaki sa hallway, habang ako nama’y dali-daling pumunta sa stairway para umakyat sa 13th floor.  Pag-akyat ko sa 13th floor, sinalubong ako ng kadiliman.  Batid kong hindi nga ginagamit ang palapag na ‘yon, na tila ba, hindi ito nag-e-exist.

Nakakalimang hakbang pa lang ako sa pangangapa sa dilim, nang may biglang may humatak sa aking kanang braso.

"B-bakit po tayo naririto?” bulong ko, nang masiguro ko na kung sino ang humatak sa akin.

Si HALO 1 ito, 'yung nag-text sa akin.

Sa halip na sumagot ito, may itinuro lang ito.  ‘Yun ang paraan n’ya ng pagsasabi na, papasok s’ya sa mas gitnang bahagi ng palapag, at kailangang sundan ko s’ya. Sumunod naman ako. Kapwa kaming naglakad nang patiyad, para maiwasan ang makalikha ng ingay.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Ano Jasper?  Nasaan ang yabang mo ngayon?"

‘Yun ang una kong narinig habang pumupuwesto kami sa aming taguan.

Hindi ko pa man naaninag ang kinaroro’nan ni Jasper, kinakabahan na ako. Lalo na nang marinig kong may nagsambit ng pangalan ng asawa ko.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon