KABANATA 95

19.9K 941 196
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Watch out!" Bulalas ni Jasper sa biglaang pagsalubong sa amin ng isang sarangay. Bigla na lamang kasing iwinasiwas nito ang kanyang tabak sa bandang gitna namin ni Jasper. Nagkahiwalay tuloy kami at napasubsob sa magkabilang gilid.

Hindi ito huminto ro'n, agad nitong sinugod si Jasper. Nagulat naman ako nang bigla na lang itong tumayo at sinalag ang braso ng gahiganteng sarangay. Nataga ng sarangay ang kanyang sariling mukha. Nangunot ako nang humaya si Jasper na tila walang iniindang sakit.

"Nakakalakad ka?" Nakasimangot ako. Hirap na hirap kasi ako sa pag-akay sa kanya kanina.

Ngumisi ito, "Ano sa tingin mo?" nag-footwork at nag-handwork pa ito at nagpasikat na mag-sidekick.

Tumayo ako at nabubugnot na pinagpag ang aking damit, "Eh bakit halos kaladkarin na kita kanina, alam mo namang nabibigatan ako sa 'yo 'di ba?"

"Iba 'yung kanina, s'yempre, depressed pa ako." Basag-basag man ang kanyang mukha, nakuha pa nitong bumungisngis at itaas-baba ang kilay. "Pero ngayon ok na ako, mahal naman pala ako ng mahal ko eh."

"Anong... Aba't—" humaya akong sasapukin ito.

"Hep!" Ipinatong n'ya ang kanyang hintuturo sa ibabaw ng aking bibig, "Wala nang bawian. Dinig na dinig ko ang sinabi mo. Ang sabi mo, mahal na mahal mo pa rin ako." Nagsasayaw pa ito at nag-moonwalk pa ala-Michael Jackson.

"Anak ng... pinaglololoko mo ba 'ko?"

Huminto ito, "Oy hindi ah, talaga namang depressed ako kanina. Hindi talaga ako nakakalakad kapag depressed ako."

"What?!" Hinataw ko ito sa braso.

"Aray ko!" May sugat kasi ito sa lugar na hinampas ko.

Ihahaya ko sanang muli ang aking palad para paluin ito nang biglang nakarinig kami ng mga dumagundong na yabag mula sa itaas.

"Paparating na sila." Bulong sa akin ni Jasper. "Nalaman na siguro ni Tikboy ang ginawa mong pagtatraydor sa kanya... hala ka!" Iginalaw-galaw ito ang kanyang hintuturo sa akin.

"Sinong Tikboy?"

"Si Lucio."

"Bakit Tikboy?"

"Eh Chickboy eh, ang daming babae. Wow ang se-sexy pa." Kagat-labing ikinumpas nito ang hugis ng isang babaeng may magandang kurba, "Sana pala ginawa ko rin 'yun para naman may napakinabang ako sa pagbibintang mo sa 'kin."

Muli ko itong pinalo sa braso, "Baliw ka talaga!" Kinurot ko rin sa tagiliran. Napadaing ito dahil may sugat din ito ro'n.

"Baliw sa 'yo." Halos pikit na nga ang kanyang mga mata sa pamamaga, nakuha pang kumindat. "Yari ka sa akin paggaling 'k—Aahhhh!" Napayuko s'ya sa hindi ko maintindihang dahilan. Tila may biglang sumakit sa kanyang bandang likuran.

Nataranta ako. "A-anong nangyayari sa 'yo?"

Namimilipit na ito; halos lumuhod na.

"A-anong petsa b-ba ngayon?"

"Abente uno." May bigla akong naalala...ang unang araw ng ikatlong linggo ng buwan.

"Shit!" Tila may kinakapa ito sa bulsa ng kanyang napakaruming maong na pantalon, "Yari na naman ako kay Maria ng kagubat—" Napasulyap ito sa akin at bumingisngis.

"Sinong Maria 'yon? Babae mo?!" Naka-ismid ako.

"Ikaw naman, isang engkanto 'yun sa bundok. Matanda pa 'yun kay Lucio, kinalabit n'ya ako sa tagiliran, "nagseselos ka na naman, sabi ko na nga ba, the magic of love is still there inside you."

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon