KABANATA 54

23.8K 1K 97
                                    

Jasper's P.O.V.

Tila baliw na tumatawa akong mag-isa, habang sinusubukan ko ang kapangyarihan ng bato. Naro'n na 'yung pinitik ko ang tenga ng isang lambana, at nang nilingon ako nito, hindi ako nakita nito. Kakamot-kamot lamang ang bawat aswang na aking kinalabit, maging ang mga kasamahan kong tikbalang, busaw at mga taong paniking nakasabit.

Habang nagiikot ako sa karimlan ng gabi para pag-trip-an ang iba ko pang mga kasamahan sa aming kampo, nagawi ako sa tolda ni lolo Alfonso. Nakabukas pa ang kanyang gasera at napansing may anino ng dalawang nilalang na tila nag-uusap sa loob. Marahan akong bumantulot papalapit, bago ako sumilip sa maliit na siwang sa gilid nito.

Sa loob, naro'n si lolo Alfonso at ang isa pang lambanang si Romina--ang reyna ng mga lambana. Mukhang seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha at ito ang nadatnan kong pinag-uusapan nila:

"Malinaw ang gusto ng ating lipi, Alfonso." Ani Romina. "Hindi nila nagugustuhan na makisalamuha tayo sa mga aswang at mga maligno.

Hindi nagsasalita si lolo Alfonso. Nakatalikod ito kay Romina.

"Hindi rin nila nagugustuhan na muli ka na namang napapalapit kay Astrid."

Humarap na si Lolo Alfonso sa kanyang kausap "Anong gusto n'yong gawin ko? Mga kasamahan din natin sila laban kay Lucio? Hindi naman p'wedeng nakikisama tayo kay Jasper ngunit hindi naman sa iba pa n'yang mga kapanalig?"

Lumapit sa kanya si Romina, "Ayaw nilang marungisan ng mga kanibal na aswang at masasamang elemento ang lipi ng mga lambana. Ayaw lamang nilang muling maulit ang pagkakamali mo noon."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Akmang tatalikod si lolo Alfonso nang pinigilan s'ya ni Romina at saka nito ito hinalikan sa labi. "Ang lalaking lambana ay para lamang sa mga babaeng lambana."

Kumalas si lolo Alfonso, "'Yan nga ba ang kagustuhan ng buong lipi, o ikaw lamang? Kilala kita Romina. Hindi malayong ikaw lamang ang may pakana ng planong pakikipaghiwalay na ito."

"Pa'no kung ako nga?"

"Itigil mo na 'yan! Lalo lamang hihina ang hukbo ni Jasper kung hindi tayo makikipagkaisa sa iba pa n'yang mga kasamahan!"

"Anong magagawa mo kung ayoko? Tandaan mo Alfonso. Ako ang reyna ng mga lambana. Mas higit pa ang kapangyarihan ko sa iyong ama. Higit pa ang kapangyarihan ko sa 'yo at sa kahit sino pang lambanang nasa ilalim mo."

Umikot ito sa harapan ni lolo Alfonso at muli itong hinalikan sa labi. Itinulak ito ni lolo Alfonso; sinampal naman s'ya nito.

"Akin ka!" Bulyaw nito sa mukha ni lolo Alfonso. "H'wag mong sabihin na ipagpapalit mo ang karangalan na maging hari ng mga lambana para lamang sa aswang na si Astrid?!"

Hindi nagsalita si lolo Alfonso kaya't muli s'yang sinampal nito. Itinulak paupo sa papag at saka kumandong nang pasaklang dito.

"Akin ka Alfonso." Muli n'yang pinaghahalikan si Lolo Alfonso na tila tuod lamang naman na hinayaan ito.

Muli s'yang sinampal ni Romina at saka hinawakan sa leeg na tila sinasakal.

"Aangkinin mo ba ako ngayon o ibubulgar ko kay Jasper na ikaw ang nagpapanggap na s'ya para tuluyan na silang magkahiwalay ng kanyang asawa."

Hindi sumagot si lolo Alfonso kaya lalong nagalit si Romina.

"Ayaw mo. Sige..." Akmang tatayo na si Romina, "Tingnan natin kung saan ka pupulutin kapag nalaman ito ni Jasp—" Hinila na s'ya ni Lolo Alfonso at saka siniil ng halik.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon