KABANATA 31

39.7K 1.2K 106
                                    

Jordanna’s P.O.V.

Namuti na tila ibinabad sa suka ang hitsura ni Jasper. Hindi  ito kumikibo.  Nakatulalang pinakikinggan sina kuya Paolo at ate Helena sa loob ng library.

"Pst." Bulong ko sa kanya, "Halika na nga."  Hinahatak ko na ito.

"What the hell—" Bulong n’ya habang nagpapakatianod sa akin.

"They are two consenting adults, " Tatawa-tawa ako, "Pabayaan mo na."

"Hindi naman 'yun eh."

"Eh ano?"

Sumimangot ito.  Papalapit na ulit kami ngayon sa mga nag-iinuman.

"Hoy!"  Tinapik ko na. "Ba't tahimik ka?"

May ibinulong s’ya, pero hindi ko marinig.  Naiinggit siguro, Mabuti nga sa kanya (Laugh trip!).

"O, ba't narito pa kayo?"  Salubong sa amin ni Mommy.  Kasama n’ya si tita Helga at tita Maggie.

Napasulyap ako kay Jasper, tatawa-tawa ito.  Naiinis tuloy ako kay Mommy ngayon.

"Ah, Mom. Bukas na lang po kami pupunta sa--"

"Bukas?” pagputol ni tita Helga. "Bakit bukas?  Dapat nga kanina pa kayo umalis ah."

Argh! Nakakainis.  Lalong lumala ang pagtawa at pagpapa-cute ni Jasper sa gilid ko.

"Gusto n’yo bang magpahatid kay Daddy n’yo sa Hotel?” tanong ni Mommy.

"Hindi po."  Sagot ko kaagad. "Gust—"

"Gusto na po talaga naming umalis." Dirediretsong pagsingit ni Jasper. "Kung ok lang po sa inyo."  Sumusulyap-sulyap ang luko-luko sa akin.  Abot tenga ang bungisngis.

"Oo naman." sagot ni Mommy.

"Ah, eh, Mom. H-hindi pa po ako tapos mag-pack ng gamit ko eh." Pagdadahilan ko. "Bukas na lang po."

Yes!  Sinimangutan ako ni Jasper.

"Ah 'yun ba?” si Mommy, "'Yun ba yung bag na inaayos mo do’n couch sa kuwarto mo kahapon?"

"Opo."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Yes!

Panay na ang buntong-hininga ni Jasper. Hindi na lalo maipinta ang kanyang pagmumukha.

"Eh inayos ko na 'yun kaninang umaga."  Sagot ni Mommy.  "Nakita ko kasing nakahilera na naman do’n ang mga ilalagay mo sa trolley luggage mo, kaya tinapos ko na ang pagpa-pack.  Teka muna sandali.  Kukunin ko."

Kitang-kita ko ang unti-unting pagliwanag ng bangas-bangas na mukha ni Jasper. Kinindatan pa ako nitong may pakagat-kagat pa sa ibaba ng kanyang labi.

(Atungal mode inside)

I so hate you, Mommy. Ikaw itong unang nanakot sa akin, na nilagnat ka, at hindi makalakad noong first time mo.  Tapos ikaw pa itong may ganang ipahamak ako.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon