KABANATA 77

21.1K 816 78
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa isa sa mga kasamahan ni Jasper na nagsugod dito sa hospital; nasa labas ito ng k'warto.

"Hindi nga namin alam, bigla na lang s'yang nahilo tapos nawalan ng malay matapos n'yang kumain."

"Kumain ng ano?"

"Ng baon n'ya." Pagsabat ng isa pang kalalabas lang sa k'warto ng asawa ko. Kilala ko 'yun. 'Yun si Ricardo. Isa itong matangkad na lalaki na may malaking katawan.

Baon n'ya? Eh ako ang nagluto ng baon n'ya ah. Wala naman akong alam na allergy n'ya para magkagan'on na lang s'yang bigla. "A-anong ibig n'yong sabihin? Nagkaganyan s'ya dahil sa ipinabaon ko sa kanya?"

Nagkatinginan si Ricardo at ang lalaking sumalubong sa akin kanina.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Pumasok na ako sa loob ng silid ni Jasper. Natutulog pa ito. Napalilibutan ito ng hindi lang yata sampung mga kalalakihan na nakaka-intimidate ang tangkad at laki ng mga katawan. Malakas ang kutob ko na ilan ito sa mga mandirigma sa kanyang hukbo.

***

"Wala kaming nakitang traces sa mga kinain n'ya." Sabi ng duktor na tumingin kay Jasper. Isa itong lalaki. "Kahit nga 'yung sinasabi nilang cheesecake na kinain n'ya, ordinaryong sangkap lamang ang aming nakita. We thought na baka hindi 'yung kinain n'ya ang dahilan. It could be stress related. Medyo mataas kasi ang kanyang presyon, bagama't normal naman ang tibok ng kanyang puso."

Cheesecake? Wala naman akong ipinabaon sa kanyang cheesecake ah.

Natutukso man akong tanungin ang mga kasamahan n'ya kung saan nanggaling ang cheesecake, mas minabuti ko na lang ang manahimik. Wala naman kasi akong kakilala talaga sana kanila. Nakakailang din kasi ang pagbubulong-bulungan nila, na tila ba, ako ang pinag-uusapan nila.

"Kailangan po ba n'yang manatili rito?"

Hindi pa nakakasagot ang duktor nang...

"Nope. We're going home."

It was Jasper. Nakaupo na ito sa gilid ng kama. Inaayos na nito ang kanyang sarili.

***

"Tinawagan mo ba sina Mommy?" tanong n'ya sa akin, habang magmamaneho na s'ya pauwi.

"H-hindi pa, gusto ko lang muna kasing malaman kung anong eksaktong nangyari sa 'yo, para alam ko ang isasagot ko kung sakaling tanungin n'ya 'ko."

Ngumisi s'ya. Sinusulyap-sulyapan ang aking mga hita.

"Ba't ganyan ang suot mo?" inginunguso n'ya ang aking mini skirt.

"H-ha? Eh ito lang ang nahagilap ko sa pagmamadali." Sagot ko habang hinihila ang aking skirt paibaba. "Nasa banyo kasi ako nang tinawagan ako ni Ricardo. Medyo basa pa nga 'tong buhok ko't di pa rin ako nakapagsuklay nang matino."

"Tsss..." Umiiling-iling ito. "Sa'n ka sumakay?"

"Sa taxi. Hindi pa nare-release ang lisensya ko, remember?" naiirita na ako pagngisi at pagsulyap n'yang muli sa aking mga hita.

"Sumakay ka ng taxi na ganyan ang suot mo?!" Biglang tumalim ang kanyang mga sulyap at tono.

"Oo. Bakit ba?"

Nagulat ako nang biglang tinapakan n'ya ang preno nang hindi man lang muna nagmemenor. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako kaya't hindi ako napasubsob sa dashboard.

"Do you know how many women are being raped everyday, just for being so fucking irresponsible in their clothing?!" Bulyaw sa 'kin ng poging bipolar.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon