KABANATA 85

21.4K 831 112
                                    

Jordanna's P.O.V.

I know we have to part ways, but I never thought it's going to be this painful. Sa sobrang sakit ng mga pananalitang binitawan n'ya sa harap ng aming mga kapamilya, hindi ko tuloy malaman kung pa'no ko tatakluban ang aking mukha sa sobrang kahihiyan.

Masakit na sa akin ang pagtataksil n'ya; mas masakit ang makipaghiwalay sa kanya. Dumagdag pa ang matatalim na bitaw n'ya ng pananalitang sukat ikamatay ko na. Hindi na raw n'ya ako mahal? Gano'n na lang ba kadaling nawala ang nararamdaman n'ya para sa akin? May iba na s'yang mahal? Gano'n na lang ba kadaling kalimutan ang mga pinagdaanan namin? Alam kong nakatakda na ang aming paghihiwalay, pero hindi ko inasahan na gugulong ako ng ganito sa sakit. Sa sobrang sakit, wala na akong mahagilap na tamang salita para ipaliwanag ito.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Jordanna."

Niyakap ako ni lola Marietta sa muli naming pasikretong pagkikita.

"Lola." Hindi na ako nahiyang humagulhol sa aming pagkakayakap.

"Maniwala ka sana na hindi ko alam na magkakaganito si Jasper. Hindi ko na s'ya kilala. Nagbago na s'ya."

Humihikbing kumalas ako sa kanya at inayos ko ang aking sarili.

"Naniniwala po ako sa inyo."

"Nahuli mo ba kamo s'ya ng babae n'ya?"

"Opo." Nakayuko ako.

"Totoo pala talaga ang sinabi nina Manuel at Astrid?"

Hindi ako sumagot.

"Handa ka na ba?"

Umiling ako sa aking pagkakayuko. "Hindi ko po alam kung kaya ko."

"Nagdadalawang-isip ka na bang tulungan si Jasper sa paraang nakatakda para sa 'yo?"

Matapos n'ya akong durugin ng mga pananalitang hindi ko inaasahang mamumutawi sa kanyang bibig, hindi ko na talaga sigurado kung gusto ko pang tulungan si Jasper.

Bakit ko pa s'ya tutulungan?

Para saan?

Hindi na naman n'ya ako mahal. Imposible nang magkabalikan pa kami. Hindi ko na sigurado kung gusto ko pang tulungan ang isang taong unti-unti ko na ring kinamumuhian ngayon. Kung may gusto man akong gawin? 'Yun ay ang bugbugin s'ya at baliin ang yabang n'ya sa katawan.

Tama!

Patutunayan ko sa kanya na hindi ako ang taong kakayan-kayanin lang n'ya. Ipamumukha ko sa kanya ang lahat-lahat ng atraso n'ya sa 'kin; at pagbabayarin ko s'ya sa lahat-lahat nang masasakit na dinanas ko sa piling n'ya.

Minahal ko s'ya, at mahal ko pa rin s'ya. Pero kung kailangan kong ilihis ang mga plano ko sa napagkasunduan namin ni lola Marietta para makaganti ako sa kanya... gagawin ko. Kakampi ako kay Lucio, pero hindi na para patumbahin ito, kundi para pabagsakin si Jasper. Ako mismo ang babali sa sungay nito. At ako rin ang magbababa sa masyado nang tumatataas na pagtingin n'ya sa kanya sarili.

Tama!

Padadapain ko ang kahambugan n'ya. Patutunayan ko sa kanya na mas malakas ako kaysa sa kanya. Na s'ya ang walang kuwenta, hindi ako. At s'ya na ang pahahalikin ko sa lupa, hindi na si Lucio.

"Hindi naman po Lola. Nag-aalinlangan lang po ako dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Jasper. Pero h'wag po kayong mag-alala, tutupad po ako sa ating napagkasunduang plano."

Nakahinga nang maluwag si lola Marietta. Ngumiti ito at hinawakan ang aking mga kamay.

"Hindi bale Jordanna, h'wag kang mag-alala. Kapag nagtagumpay ka, aayusin natin ang relasyon inyo ni Jasper. Tutulungan ko kayo, magapi lang natin ang kapangyarihan ni Lucio."

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon