KABANATA 2

77.9K 1.4K 77
                                    

Jordanna's P.O.V.

I hate kuya Jasper.

Oh wait.  Jasper lang pala. Ayoko talaga s’yang tawaging kuya dahil sa tingin ko, masyadong marangal ang titulong 'yun para sa kanya. I hate him so much na makita ko lang ang pagmumukha n’ya, sirang-sira na ang buong araw ko. Kaya nga, wala na yatang mas sasaya pa sa ‘kin, no'ng nag-decide ang family nila na mag-migrate sa Australia five years ago. Na-miss ko man si ate Helena na medyo naging close sa 'kin no'n, at sina sina tito Jason at tita Helga, na napakabait naman sa 'kin, natuwa naman ako na hindi ko na makikita pa ang nakapang-iinit ng ulong mukha ni Jasper

Don't get me wrong. Hindi s’ya pangit. As a matter of fact, he's probably one of the most good looking guys in the whole wide world. G’wapo, matangkad--kasing tangkad n’ya si Daddy at 6'2", maganda ang pangangatawan, magaling madala ng damit--kahit na gula-gulanit; hindi man ito kasing-neat at kasing disenteng manamit nina kuya Patrick at Paolo, bumagay naman sa kanya ang rugged style fashion.

Ang totoo.  Hindi naman ako nagtataka kung bakit pinagkakaguluhan s’ya ng babae.  Napakag’wapo naman kasi talaga nito at mabait pa...sa kanila.

Galante ito...sa kanila.

Sweet ito...sa kanila.  

Thoughtful ito...sa kanila.  

Parati itong nakangititi...sa kanila.

Pero katulad nga ng nasabi ko na. Hindi s’ya ganun sa 'kin.

Hindi s’ya mabait...sa ‘kin.

Hindi s’ya Galante...sa ‘kin.  

Hindi s’ya sweet...sa ‘kin.  

Hindi s’ya thoughtful...sa ‘kin.

Parati s’yang nakasimangot...sa ‘kin.

Ako lang talaga ang namumukod-tanging hindi n’ya tinatrato ng maganda, kaya naman asar na asar din ako sa kanya. Para kasing sa ‘kin lang n’ya ibinunbunton ang opposite side n’ya. Mabuti sana kung alam ko kung bakit gano'n s’ya sa 'kin; mabuti sana kung alam ko kung bakit galit na galit s’ya sa 'kin. Pero hindi; hindi ko alam. Wala akong alam!

Bago in-operahan ang aking mga mata--dahil nagkadeperensya ang mga ito simula nang matuto akong magbasa sa edad na lima. Parati n’ya akong tinutuksong 'Pangit na Lola, Huklubang Matanda' at kung ano-ano pang bansag. Makapal kasi ang salamin na soot-soot ko noon. Madalas na napipikon din ako kapag tila tuwang-tuwa pa s’ya kapag nakikita n’ya akong nasasaktan o umiiyak. Tuwang-tuwa s’ya kapag nagagalit ako. Hindi ko alam kung bakit ganun ito kalupit sa ‘kin, pero gano'n talaga ako tratuhin nung gagong 'yun.

"Hi Jordanna!" Napalingon ako kay..ate Helena. Ang napakaganda't napakabait na nakababatang kapatid ng dakilang gago. "Saan ka pupunta?"

"Ate, ikaw pala." Kakamot-kamot ako. "Makiki-bathroom lang sana 'ko. Pero sa laki nitong bahay nina Tito Bernard, medyo naliligaw ako."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Ganun ba? Naghahanap din kasi ako ng bathroom," lumilinga-linga ito, "Ang sabi ni Kit do’n daw sa dulo pero mukhang naligaw na rin yata ako."

Si Kit o Enrique, ay ang bunsong anak nina tito Bernard at tita Maggie; ito ang bunsong kapatid ni Andre at Caleb.

"Kung gusto mo Ate, sabay na tayo." Sabi ko.

"Mabuti pa nga siguro." Hinawakan n’ya ang kamay ko.

Mas madali pala talagang maghanap kapag may kasama ka. Wala pa kasing isang minuto, nakita na nga namin ang bathroom na hinahanap namin.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon