KABANATA 94

20.4K 961 131
                                    

Jordanna's P.O.V.

Ang buhay nga naman, kung kailan ka nangangailangan ng kasama't kakampi, saka naman wala kang mahagilap kahit isa. Una kong pinuntahan si ate Senda, pero wala naman s'ya sa bahay n'ya. Nagtungo rin ako kina lola Marietta; nakapagtatakang wala rin ito. Ayoko mang gawin, dahil na rin sa hiya at walang mukhang maihaharap, nilakasan ko na lang ang loob kong pumunta sa pinakamalapit na kampo ng hukbo ni Jasper. Tulad ng inaasahan, hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Lahat sila naka-angil—ang iba sa katawang tao, pero karamihan, sa katawang aswang at maligno. Galit silang lahat sa akin, kaya sa halip na pilitin ko pang iparating ang aking tunay na pakay, tumakbo na lang ako papalayo.

May ibang hinabol pa ako. Mabuti sana para pigilan, pero gusto lang yata talaga nila akong maging hapunan. Ang mga aswang—kahit na sabihin pang kakampi na ni Jasper at nakikibaka laban sa kasamaan, mga impakto pa rin. Kumakain sila ng tao; lalo na sa mga nahusgahan na nilang traydor at hindi mabuting tao na katulad ko.

"kuya Josh, tulungan mo ako." Matapos kong i-dial ang numero ng kakambal ko . Halos hindi na ako makapagsalita sa magkasabay na pag-iyak at paghingal. Hindi kasi ako nilubayan ng mga aswang hanggang sa makalabas na ako sa kakahuyan. Ibang klase ang kanilang determinasyong hulihin ako, para maipaghiganti ang ginawa ko sa kanilang pinuno.

"O, bakit?" halata sa kanyang boses ang pag-aalala.

"Tulungan mo ako, Kuya!" Napagulhol na ako sa sobrang desperasyon. "S-si Jazz... samahan mo akong puntahan si Jazz."

"Bakit? Anong nangyari?"

***

Isa sa pinakamagandang katangian ng aking kakambal, mabilis itong kumilos. Sinabihan ko ito na pick-up-in ako sa isang maliit na kapilya malapit sa bayan, though hindi ko inaasahang darating itong kasama na si Daddy at si mommy Helga. Si kuya Josh ang nagmamaneho, si Daddy ang nakaupo sa front passenger seat, habang si mommy Helga naman ang nasa likuran—sa tapat ng kinauupuan ni Daddy.

"Sigurado ka bang sa malaking simbahan ng taal?" Tanong ni Daddy sa akin matapos makaandar ng aming sasakyan.

"'Yun po kasi ang sinabi ng guwardiya sa piitan."

Nilingon ako nito. "Mapagkakatiwalaan ba naman 'yun?"

Umiling ako, "Pero wala naman po kasing ibang makapagsasabi sa akin kung nasaan s'ya."

"Kailangan natin daanan si Mama, Jon." Ani Mommy Helga kay Daddy ko.

"Nagpunta na po ako ro'n." Pagsingit ko. "Pero wala naman po s'ya."

"Kay tiya Senda kaya?"

"Wala rin po ito sa kanila."

"Diyos ko!" Bakas sa mukha ni mommy Helga ang pag-aalala, "Nasaan naman kaya sila? Bakit naman magkakasabay pa silang nawawala."

"O, ipara mo!" Bulalas ni Daddy kay kuya Josh. Tinapik nito ito; inginunguso ang kaliwang gilid ng kalsada. Naro'n pala kasi si daddy Jason at naghihintay sa labas ng isang tindahang nagsasara na. May bitbit itong pastic bag na puno ng mga bawang at asin. Nagmadali itong sumakay sa kabilang side ng back passenger seat kaya napaggigitnaan na namin ngayon si mommy Helga.

"Tayo na!" Anito, kasabay ng pagsara nito sa pinto ng kotse.

"Pa'no naman kaya nila nahuli si Jasper nang hindi namamalayan ng kanyang mga kasamahan?" umiiyak si Mommy Helga. Nakahilig ito sa balikat ng kanyang asawang umaakbay na sa kanya.

"Nagtataka rin ako." Tugon ni daddy Jason.

Nakaramdam ako ng biglaang pananakip ng dibdib ko. I know what I did, and I'm not very proud of it.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon