KABANATA 73

22.9K 841 60
                                    

Jasper's P.O.V.

Love and hate. We love and hate each other. That's how we started anyway, and so it seems that, that's how we still are and going to be. Alam ko naman na stage lang 'to sa pagsasama ng mag-aswang may kani-kanyang imperfections, quirks at personal issues; lilipas din 'to. Hindi pa nga lang ngayon...kailangan ko pa ng kaunting panahon. And besides, wala pa naman kaming isang taong nagsasama, pasasaan ba't maisasaayos ko rin ang magulong utak ko.

Mabuti sana kung simple lang ang mga kinakaharap ko ngayon; ayos lang sana kung pagsasama lang namin ni Jordanna ang pinoproblema ko. Pero hindi gano'n kasimple ang sitwasyon ko, dahil hindi naman katulad ng sa normal na tao ang pinapasan ng mga balikat ko.

Unang problema ko...ang misyon ko sa mga taga 'itaas'; sa Diyos at sa kanyang mga alalay—este, mga anghel, tulad ng pagpapatalsik sa mga demonyong hindi kayang patalsikin ng mga ordinaryong tao at ng kanilang mga rituwal. Isang misyong napanganib, dahil hindi hamak namang mas makakapangyarihan ang mga hinuhuli ko kumpara sa 'kin. Sa bawat engkuwentro, nasa bingit ng panganib ang buhay ko. Kapag may nangyari sa 'kin, ano na lang ang mangyayari sa aking hukbo?

Ikalawang iniisip ko, si Lucio at sa kanyang mga alagad. At kung bakit nga ba lagi na lamang akong umuuwing talunan laban sa kanya? Hindi madaling maranasan ang sunod-sunod na pagkabigo, lalo pa't paulit-ulit nang ginagawa ito sa akin ng aking immortal na kaaway—ang aking katinggaling hindi hamak na mas matanda, mas malakas, mas makapangyarihan at mas may karanasan at may mas mahabang buhay kumapara sa 'kin. Kung hindi ko pa ito makakalos sa panahon ng aking kalakasan—sa aking kabataan. Pa'no ko pa 'to magagapi sa hinaharap? Hindi naman ako immortal na katulad n'ya; wala rin naman akong balak na maging isa kung nagmula naman ang pabor sa diyablo.

Ang ikatlong iniisip ko, si Jordanna, na bukod sa suliranin namin sa ngayon, inaalala ko ring tuluyan nang madamay ito sa galit ng aking mga kaaway. Gusto ko s'yang makasama, ang umuwi sa kanya araw-araw tulad ng isang normal na lalaking may asawa...pero pa'no? Hindi man ako purong tao, at hindi rin naman ako Diyos. Hindi ko kayang ibigay ang lahat ng oras ko sa kanya; sa kung papa'nong hindi ko rin kayang parati na lamang pagpapasensyahan ang kasimplehan ng pag-iisip nito. Paano na lang kung 'yun mismo ang ikapahamak n'ya? Mahal ko s'ya. Mahal na mahal na hindi ko alam kung kakayanin ko ang mawala s'ya sa buhay ko. Pero kailangan ko s'yang maging katuwang...hindi ang maging dagdag sa alalahanin.

Ang ikalimang iniisip ko, ang mga magulang ko at kapatid. Paano kung muli silang gamitin ni Lucio laban sa akin? Paano kung madamay na naman sila dahil lamang sa naging kapamilya nila ako? Hindi naman kasi sila tulad ni lola Marietta na kayang alagaan at ipagtanggol ang kanyang sarili.

Kay daling sabihin ng mga normal na tao na hindi naman alam—o ng mga wala namang pakialam sa mga suliranin ko na...napakasama mo Jasper!

Wala kang kuwentang asawa, anak o pinuno.

Napakakitid ng pag-iisip mo.

Napakasama ng pag-uugali mo.

Hambog ka, pero wala ka namang binatbat kay Lucio.

Pero h'wag ka, 'yun mismong mga taong nagsasabi ng mga ito laban sa akin, ang s'ya rin mismong mga taong puro salita lang, pero hindi rin naman nila kayang gawin at pagdaanan ang ginagawa at pinagdaraanan ko.

Puro ngak-ngak. Putak ng putak. Wala rin namang laman ang mga utak! 'Yun lang ang kaya nilang gawin, ang ibuka ang kanilang mga bibig; mga bibig na nagsasambulat ng makikitid nilang pag-iisip.

***

Naalimpungatan ako sa lakas ng pagsigaw ni Helena sa kabilang kuwarto. Halos sabay kaming bumangon nang paupo ni Jordanna. Nagkatinginan muna kami, bago nagkani-kanya ng pagbaba sa kama. Nauna akong lumabas ng kuwarto—sumunod si Jordanna sa likod ko, at agad naming tinungo ang silid ng kapatid ko.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Anong nangyari?!" Sa mismong pagbukas ko ng pintuan. Hindi na ako kumatok, basta na lamang kaming pumasok.

"Kuya!" Umiiyak na humangos sa akin si Helena. Yumakap ito sa akin. Niyakap ko naman ito pabalik. Nanginginig ito; takot na takot.

"M-may aswang, Kuya. N-nakita ko 'tong nakatingin sa 'kin d'yan sa labas ng bintana." Itinuturo n'ya ang nakabukas na bintang nasa tapat lamang ng kanyang kama.

Agad akong kumalas sa kanya para tingnan ang labas ng bintana. Nilinga ko ang magkabilang direksyon, bago ko ito isinara.

"Nagtangka ba s'yang pumasok?" bumabalik na ako sa kinaroro'nan ni Jordanna at Helena—na magkayakap na ngayon.

"Oo Kuya, nariyan s'ya kanina sa paanan ko..." Itinuturo n'ya ang bandang paanan ng kanyang queen-sized na canopy bed. "Nagising nako nang maramdaman ko ang dila n'ya sa talampakan ko. Tapos nung nakita n'yang nakita ko s'ya, tumakbo ito at tumalon sa labas ng bintana, at pagkatapos, sinilip ako."

Natigilan ako; sandaling nag-isip, "Teka nga..." Bago ko sinipat si Helena nang patagilid. "Are you..." Nakakunot ang noo ko, "Pregnant?"

Namutla si Helena. Hindi s'ya makasagot, bagama't para sa 'kin, 'yun na mismo ang sagot. "Alam na ba 'to ni Paolo?" nakasimangot ako.

"Hindi n'ya kailangang malaman, Kuya." Nakayuko ito.

What the--

"At bakit naman hindi?"

"Just because!"

Agad na uminit ang ulo ko, "Just because what?!"

Sa halip na sumagot, hinila n'ya ako papunta sa pintuan. Pagkarating sa pintuan, itinulak n'ya ako palabas--naiwan si Jordanna sa loob.

"What the he—!" Sambit ko, bago n'ya isinalya ang pintong halos isang dangkal lamang ang layo sa dulo ng aking ilong. Agad kong kinatok ang pinto, "Helena!" Sigaw ko sa labas. "Helena ano ba?!" Inilapat ko ang aking tenga sa pinto. Naririnig ko ang kanyang paghagulhol. "Kung ayaw mong sabihin sa kanya, ako ang magasasab--"

Bumukas ang pinto. Bumungad s'ya palabas.

"Don't you dare!" Dinuro n'ya ang mukha ko.

"And why not? S'ya ama n'yan! Dapat lang na malaman n'ya--" Bulyaw ko pabalik sa kanya.

"No!" Muli s'yang humagulhol.

"Eh bakit nga?!"

"Basta!" Pinapahid n'ya ang kanyang mga luha.

"Anong basta?!" sumugod na ako sa tabi ng telepono namin sa may salas. "Kung ayaw mo..."Dinampot ko na ang wireless phone! "Ako ang magsasab—"

Inagaw n'ya ang phone.

"No!" Mas lalong tumindi ang kanyang paghikbi.

"Eh bakit nga?!"

Hindi s'ya sumagot. Napikon ako. "H'wag mong ubusin ang pasensya ko Helena!" Dinampot ko naman ngayon ang cellphone ko na nasa ng center table, pero hinablot nito ito at itinago sa kanyang likuran.

"Tang ina!" Sigaw ko, "Ano ba talagang problema mo?!"

"Hindi mo pwedeng sabihin sa kanya Kuya..." Mahina lang ang pagkakasabi n'ya.

"Eh bakit nga?!" Pikon na pikon na talaga ako.

"Because..."

"Because what?!"

"Because, I'm not sure if this is, his..."

[ITUTULOY]

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon