KABANATA 14

59.1K 1.3K 117
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Mukhang na-traffic yata si Jasper," pagsingit ni tita Helga sa pagkuk’wentuhan ni Daddy at ni tito Jason. "Ang mabuti pa, mauna na tayong, maghapunan?"

"Naku, mabuti pa nga," ani Daddy, "Medyo kanina pa nga ako nagugutom."

Umandar na naman ang pag-aastang patay-gutom ni Daddy. Ewan ko naman dito sa Tatay ko, sagana naman kami sa pagkain sa bahay, at hindi naman s’ya ginugutom ni Mommy, pero tila ba, akala mo, mauubusan ito parati ng pagkain. At kung kumain pa ito, hindi lang basta kain, kundi... lamon.

"Ano bang dinner natin?” tila walang kahihiyang tanong ni Daddy. Tinitingnan nito isa-isa ang mga nakahayin sa lamesa.

"Ang sabi mo, gusto mo ng dinuguang laman-loob," sabi ni Tita Helga sa kanya, "Kaya heto nagluto ako ng request mo." Sabay abot ng bowl malapit kay Daddy.

Dinuguan? Laman-loob? Ngiii...hindi kaya, dugo't laman-loob ng tao 'yun?

(Kilabot to the bones!)

Magiging Aswang din kaya ang Daddy ko kapag kinain n’ya 'yun?

Ano ba naman 'yan? Topakin na nga ang Tatay ko, tapos magiging Aswang pa s’ya?

Oh hinde!

"Naku, salamat balae." Tila laway na laway na pinagmasdan ni Daddy ang bowl na iniabot sa kanya ni tita Helga.

Elkh, pweh! Kadiri! Hindi ko halos matingnan habang isinasabaw 'yun ni Daddy sa ibabaw ng kanin na inilagay ni Mommy sa kanyang plato.

"At heto naman ang request mo Abby,"  iniabot naman ni tita Helga ang isang bowl kay Mommy, "Ibibigay ko sa 'yo ang recipe nito. Niluto ko 'to sa piling-piling puso at baga."

Puso at baga?

Gusto ko nang masuka. Hindi ko matanggap na tila takam na takam pa si Mommy sa nakadidiring laman no'ng bowl. Ano kaya 'yun? Puso at baga ng tao?

Oh no!  Magiging Aswang na rin ba ang Mommy ko?

Oh hinde...hindi ito nangyayare!

(Atungal to the max inside!)

"Naku, Helga. Salamat." Habang inaabot ang bowl mula kay tita Helga, "Mabuti naman at naalala mo na paborito ko talaga ang Bopis."

"Oo naman." Nakangiting sagot ni tita Helga. "Iyan kasi ang napansin kong parating pinipili mo sa mga niluluto ko kapag nagpa-potluck tayo. Pero you owe me some recipes, dahil gusto ko rin malaman kung papa’no mo niluluto ang kare-kare at sisig mo."

"Oo ba." Sagot ni Mommy; isinasabaw na rin nito 'yung Bopis sa kanyang kanin.

Eww! Kadiri talaga. I so hate you na tita Helga! How could your Aswang family do this to my happy-almost-normal family?

"O mga anak," Pagbaling nito sa aming tatlong magkakapatid—at kay Ate Helena. "Alam kong baka hindi n’yo magustuhan ang Bopis at Dinuguan, kaya heto ang Menudo at Caldereta para sa inyo."

Tuwang-tuwa naman ang mga kapatid ko. Lalo na si kuya Josh. Paborito n’ya kasi ang mga ‘yun.  Diskumpyado man ako, mukha namang normal na karneng baboy at baka lang ang mga 'yun. At dahil gutom na gutom na rin ako, magbabakasakali na 'ko. Kukuha na sana ‘ko ng Menudo nang...

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon