KABANATA 9

69.4K 1.6K 288
                                    

Jordanna's P.O.V.

Hindi kaya iniisip na ni Jasper ngayon na wirdo ako? Papa'no ko ba ipaliliwanag sa kanya, na may mga sumusunod sa aking mga... Impakto? Aswang. Maligno. Ewan. Hindi ko alam kung ano ba talaga sila. Basta't ang alam ko. Hindi sila mga tao.

Huling beses kong sinabi ang tungkol dito kay Daddy, pero ano ang napala ko? Tinawanan lang n’ya 'ko. Hindi raw naman kasi totoo ang mga Aswang, Multo, Demonyo, Maligno at mga Engkanto. Kathang isip lang daw 'yon ng matatanda sa una para manakot ng mga bata; para hindi raw magsigala ang mga ito noong unang panahon. Pero kung hindi sila totoo...eh ano 'yung mga nakikita ko? Mga tao na nagpapalit ng anyo. Mga hayop na nagiging tao. Asong naka de quatro? Paniking hugis tao. Pusang naninigarilyo. Imposible namang namamalikmata lang ako, samantalang, sigurado naman ako sa mga nakikita ko.

Mga taga kabilang mundo. Hindi ko alam kung bakit sinusundan nila ako. Hindi ko alam kung bakit kung minsan, inaatake rin nila ako. Lalo na kapag nag-iisa ako. Ang mahirap pa sa sitwasyon ko, walang naniniwala sa ‘kin sa pamilya ko. ‘Yun lang daw kasi ang napapala ko sa panonood ng mga katatakutan; kaya raw napapaniwala ko na rin ang sarili ko na totoo sila.

Problema ko na ngang papaniwalain ang pamilya ko. Dumagdag pa ngayon ang Jasper na 'to. Ano kaya ang sasabihin ko kay Jasper kapag tinanong n’ya akong muli? Magsisinungaling na lang ba ako at sabihin sa kanya na mga kaaway lamang ang mga 'yon ng Daddy ko? O di kaya nama'y, mga alipores lang ng mga kriminal na naipakulong ni Mommy?

Magulo ang isipan ko ngayon. Lalo pa't hindi naman ako sanay na magsinungaling. Sa iilang beses na nagsinungaling ako, kamalas-malasang agad akong nabubuking. Ayokong magsinungaling. Pero pa'no? Eto ngang hindi pa n’ya nalalaman ang mga kababalaghang aking pinaniniwalaan, inaasar na n’ya ako. Paano pa kaya kung malaman pa n’ya ang mga 'to? At kung nalaman man n’ya. Ano naman kaya ang kukumpleto sa listahan ng mga pintas n’ya sa akin?

Na bukod sa pangit ako, wirdo rin ako? Na bukod sa wala akong dating, siraulo rin ako? Hay naku, Jasper...bakit kasi napakapintasero mo? Bakit kasi puro kapintasan ko lang ang laging nakikita mo? Porke ba hindi ako palaayos at maporma na tulad ni ate Zoe, o di kaya nama'y hindi mahinhin at ladylike na katulad ni Kate, wala na akong dating?

Pero ano kaya 'yung mga sinabi ni Mang Nando? Totoo kaya 'yun? May posibilidad ba na ako talaga ang gusto ni Jasper, hindi sila? Na ako talaga ang mahal n’ya, hindi sila? Pero bakit parang hindi naman. Baka naman ibang babae 'yun at ginamit lang n’ya ang aking pangalan.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Hindi ako masyadong aasa na totoo nga 'yun. Malay ko ba kung pinagtitripan lang ako nung matanda. Malay ko ba kung isa lang ito sa mga kalokohang si Jasper ang may pakana. Para papaniwalain ako...para kunwari'y gusto n’ya ako, pero ang totoo,  isa lamang 'yun sa kanyang mga patibong upang mas masaktan n’ya ako...mas asarin...mas paiyakin. Katulad ng dati, at parating nangyayari.

Ah. Siguro nga. Hindi nga siguro totoo 'yun. 

Papa’no naman kasi mangyayaring gusto nga n’ya ang isang katulad ko, kung wala pa sa kalingkingan ng ganda ng mga babaeng tipo n’ya ang hitsura't pananamit ko? 

Papa’nong mangyayaring ako nga ang babaeng pinapangarap n’ya, kung wala namang alam sabihin ang bibig n’ya kundi ang mga kapintasan ko?

Papaanong mahal nga n’ya ako kung... sinasaktan n’ya ang kalooban ko; na kulang na lang, apakan n’ya ang buong pagkatao ko?

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon