KABANATA 108

18.4K 561 110
                                    

Jasper's P.O.V.

"Jasper!" Napabangon kami ni Jordanna sa malakas na pagkatok sa gate ng kung sino man ang tumatawag sa akin sa labas. Hindi pa nakuntento, sunod-sunod pa nitong pinindot ang doorbell. "Jasper! Jasper!" Pamilyar na boses ito ng isang lalaki. Halata sa timbre ng tinig nito ang matinding desperasyon.

Bumaba na ako ng kama para sumilip sa bintana.

"Sino 'yun?" Tanong ni Jordanna.

"Si uncle Manuel." May mga kasama ito na hindi ko maaninag sa aking anggulo.

"Ha? Akala ko ba nagbalik na sila ni auntie Alyssa sa Roxas?"

Nagbuntong-hininga ako. "Dito ka na lang muna. Haharapin ko lang muna sila."

"Sila?"

"Oo, may mga kasama s'ya."

***

"Lolo Alfonso?!" Nang makita ko na sa malapitan kung sino ang isa sa mga kasama ni uncle Manuel. "Paanong?—Teka, halikayo, pasok muna kayo—"Sinipat ko kung ga'no karaming mga engkanto ang kasama nila. Napakarami nila, hindi sila kasya sa bahay. "P-pasok muna 'yung kakasya sa bahay ko."

"Sila na lang, Jasper." Sagot ng namukhaan kong si Kasimiro—isa sa mga lambana. Nakaturo ito kay uncle Manuel at lolo Alfonso."Dito na lang kami sa labas."

"Sigurado kayo?"

"Oo Jasper..." Sagot ng isa sa mga enkantada. Umalingaw-ngaw naman ang mga katagang "Oo Jasper..." Hanggang sa kaduluduluhan ng kanilang grupong hindi lamang yata lilimang-daan.

"S-sige... pero bubuksan ko lang itong gate ha?" Sabi ko, "Ayoko namang isipin n'yo na pinagsarhan ko kayo."

Ngumiti ang mga nasa unahan, "Salamat, Jasper." Sagot ng isa sa nasa una, "'Wag kang mag-alala, babantayan namin ang tarangkahan mo."

***

"Nakatakas kami, Jasper, pero hindi lahat." Pambungad sa akin in lolo Alfonso, "Naiwan pa ro'n ang grupo nina Alondra. Nalaman na ng lola mo ang pagtakas namin kaya panigurado akong hindi magiging madali ang pagliligtas sa kanila. Pasensya ka na kung naabala ka na naman namin, pero kung hindi namin gagawin 'to, baka bigla ka na namang bulabugin ni Marietta nang wala man lang nalalaman sa kung ano ang nangyayari."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"A-ano ba ang plano n'yong gawin?" Napasulyap ako kay Jordanna. Lumalapit na kasi ito sa salas kung saan kami nagpupulong.

"Plano naming muling bumuo ng isang hukbo. At umaasa kami na tatanggapin mo ang alok naming lahat na muling pamunuan kami. Nag-uumpisa na kaming magkalap ng mga panibagong miyembro, pero mula na lang muna sa hanay ng mga maligno at engkanto. Umiiwas na kaming lumapit sa mga aswang dahil sa pagtatraydor ng mga ito sa atin dati..." Napatingin ito kay uncle Manuel, "Hindi ka kasali Manuel ha?" Pagbaling nito rito.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"'Wag mo na akong alalahanin, Alfonso." sagot ni uncle Manuel kay lolo Alfonso, "Naiintindihan ko naman ang ibig mong sabihin eh. At saka, maitatanggi ko pa ba ang katotohanang may pagkabalimbing nga ang mga lintek na kalahi ko? At saka, tama ka naman eh. 'Wag na muna tayong lumapit sa iba pang mga aswang, lalo pa ngayon na 'yung karamihan sa mga itinalagang pinuno ni Marietta sa bawat pook na sinasakop n'ya, puro mga aswang din. Mas madali kasing suhulan dahil sa tawag ng naturalesa."

"Suhol? Ano namang isinusuhol ni Lola?"

"Mas malala pa sa suhol ni Lucio." Sagot ni Lolo Alfonso.

"Ano nga 'yun?"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon