KABANATA 103

12.3K 530 96
                                    

Jasper's P.O.V.

Inabot din ng tatlong oras, bago namin narating ang kabihasnan. Dumiretso kami sa bahay ni lola Senda, kung saan ako nakapagpahupa ng mga pakpak—tulad ni Lucio. Doon na rin kami nakiligo, nakapagpalit ng damit, nakakain at nakapagpahinga.

"Iniiwasan mo ba si Jordanna, anak?" Mahinahong tanong sa akin ni Mommy, nang magkasarilinan kami sa labas bahay ni lola Senda, para magpahangin.

Nag-aalinlangan man, tumango ako.

"Bakit? Magkagalit ba kayo?"

Marahan akong umiling.

"Pero bakit mo s'ya iniiwasan?"

"May natuklasan kasi ako mula sa mga ibinunyag sa akin ni lola Marietta."

"Tungkol saan?"

"Sa magiging panganay na anak ko. Lalo na kung...si Jordanna ang magiging ina nito."

"Hindi kita maintindihan, anak."

"Gustong angkinin ni lola Marietta ang magiging panganay kong anak, at ang magiging epekto nito sa akin, depende kung ano ang kasarian nito at kung ano or sino ang ina. Sa lahat ng pagkakataon, maaari n'yang gamitin ito para maaari na niya akong patayin, para 'yung panganay ko na ang magpapasan at magtutuloy ng naging silbi ko kay Lola. Wala naman talaga akong pakialam kung patayin man n'ya ako balang araw...lahat naman ng tao—kahit mga Nephilim, namamatay rin at nakahanda ako ro'n. Ang pinaka-iba lang sa mga tagpong maaring mangyari...ay kung sa tulad ni Jordanna ako magkakaanak ng panganay at kung lalaki ito."

"Bakit, ano raw ba ang pagkakaiba?"

Inalog ko ang ulo ko,"S-saka ko na lang sasabihin sa inyo nag detalye, Mommy. Magulo pa ang isipan ko ngayon. Basta't ang alam ko sa ngayon, mas makabubuti para sa lahat kung isusuko ko na ang pagtangi ko kay Jordanna. Sa mga nalaman ko, kahit na labag sa loob ko, mas mamatamisin ko nang hindi na makapag-asawa at magkaanak pang muli. Pero kung hindi ko man maiiwasang mangyari...hindi p'wedeng si Jordanna. Hindi p'wedeng s'ya ang maging ina ng panganay ko. Lalo na ngayong maliwag na sa akin kung bakit botong-boto si lola Marietta kay Jordanna, at kung bakit kinunsinti n'ya ang relasyon namin noon sa kabila ng pagtutol ni Lolo Alfonso. Tama nga si Lucio na mas tuso pa kumpara sa kanya si Lola. Daig pa n'ya ang demonyong nagpapanggap na kaibigang nangungunsinti sa kapritso ko, para sa mas malaking pakinabang na makukuha n'ya alang-alang sa kanyang pansariling ambisyon."

"Pero pa'no naman si Jordanna, anak? Hindi mo na ba s'ya mahal?"

Hindi ko na napigilan ang tunay na nararamdaman ko. Ayokong tumangis, kaya makailang beses kong hinampas ang dibdib ko upang mapigilan ko ito. "Anak n'yo ako. Alam n'yo na ang sagot d'yan, Mommy. Pero hindi tungkol sa pansarili kong nararamdaman ang nakaambang panganib sa kinabukasan. Kung makakaya kong hindi na makapag-asawa at magkaanak, mas makabubuti na ito para sa lahat. Itutuon ko na lang ang atensyon ko sa muling pagbuo ng panibagong hukbong maihaharap ko kay lola Marietta sa lalong madalaling panahon."

"Pero paano mo naman gagawin ito? Sinong kakampi mo?"

"Bahala na. Pero bago ang lahat, kailangang makausap ko si uncle Manuel. Sa ngayon, s'ya lang ang naiisip kong makatutulong sa akin sa pag-iisip sa mga susunod kong mga hakbang."

***

Samantala...

Jordanna's P.O.V.

Nakabalik na ako sa pamilya ko. Halos madurog na ang katawan ko sa tindi ng pagkakayakap ni Daddy sa unang hakbang ko pa lang sa pinto. Gusto ko mang matuwa rin, dahil makakasama ko na silang muli, pero dahil sa tindi ng pagod, sakit ng katawan at pagkabalisa sa biglaang panlalamig ni Jasper sa akin, dinaig ko pa ang estatwang walang pakiramdam.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon