KABANATA 55

26.9K 989 53
                                    

Jasper's P.O.V.

Tatlong puting duwende ang bigla na lamang lumitaw sa aking tolda isang umaga. Abala ako sa pagtingin sa mapa nang bigla na lamang silang lumitaw sa ibabaw ng lamesa.

"Jasper!" Nag-aalalang bungad ng una sa tatlo.

"O, bakit?"

"Kailangan nating magamadali!" Sabi naman ng ikalawa sa tatlo.

"Nabalitaan namin na malapit na raw ang mga kampon ni Lucio sa pinakadulong baranggay sa Rizal." Sabi naman ng ikatlo sa tatlo.

"Ayon sa nakalap naming impormasyon. Plano raw nilang dukutin ang mga sanggol at mga buntis, pati na rin ang mga dalaga at dalagitang bibihagin nila sa bagong 'rukerium' upang mas makapagparami ng kakampi nilang mga aswang." Sabi ng una sa ikatlo.

Ang 'rukerium' ang tawag sa kuta o k'webang ginagamit ni Lucio para maging piitan ng mga babaeng dinudukot nila, upang gawing palahian ng mga Aswang. Do'n din ginagahasa ng masasamang aswang ang mga babae hanggang sa mabuntis ang mga ito upang maipanganak ang mga bagong henerasyon.

"Ganun ba? Sige, ihahanda ko na ang tropa natin paparo'n ngayon din."

Nagkatinginan ang tatlo.

"Eh hindi lamang 'yun ang problema natin Jasper." Sabi ng Ikalawa.

Napakunot-noo ako.

"May nabalitaan kami na nagpapakawala raw si Lucio ng mga demonyong sumasanib naman daw sa mga tao at mga batang hindi binyagan. Maraming albularyo at mananawas na ang sumuko. May ilan na ring mga Pari na padala ng simbahan mula sa Roma ang napapahamak na. Marami na rin sa nasapian ang namamatay sa proseso ng pagpapatalsik ng mga demonyo." Sabi ng ikatlo.

"Kung minsan, nakabubuwisit pa ang mga demonyong sumasapi sa mga tao." Sabi ng una, "Marami sa kanila na nagpapanggap na mga duwende, nuno sa punso, kaluluwa ng mga namatay na tao at maligno, eh samantalang, alam na alam naman naming puro mga demonyo lamang naman silang lahat!"

"Oo nga, Jasper." Pagsang-ayon ng pangalawa, "Nang dahil sa kanila, lalong natatakot ang mga tao sa mga katulad namin. Hindi naman kami nananakit, basta't hindi kami sasaktan at lalong-lalo namang hindi kami sumasapi sa katawan ng tao."

"Alam n'yo ba kung saan-saan ko sila matatagpuan?" Tanong ko sa tatlo.

"Oo, Jasper. Kung gusto mo, sasamahan ka namin." Sagot ng ikatlo.

***

Dalawampung kakamping aswang mula sa limang iba't-ibang lipi, pitong puting duwende, limang lambana, apat na santelmo, apat na tahamaling, dalawang tikbalang, apat na sarangay, isang kapre, isang busaw at isang pinunong nagmumula sa angkan ng bungisngis ang ipinadala ko upang magbantay at magmasid sa pinakadulong baranggay sa Rizal. Nagpadala na rin ako ng kasing dami, sa tatlong karatig-lugar upang makasiguro.

Matapos kong mailagak sa kanilang destino ang tatlong tropa, nagpasama naman ako sa tatlong duwende upang isa-isang s'yasatin ang mga taong sinasapian daw diumano, ng mga demonyo.

Sa pagsilip ko sa unang bahay...

Isang walong taong gulang ang nakagapos—paa't kamay, sa bawat sulok ng kama. Iba na ang itsura nito. Sugat-sugat na ang mukha, gulo-gulo ang buhok, nangingitim na ang palibot ng mga mata, tuyong-tuyo at bitak-bitak na ang mga labi, bumubula ang bibig. Pinaghalong itim at berdeng likido--na isinuka nito, ang nagmantsa na sa bandang kuwelyo ng kanyang puting bestida.

Humahalakhak ito na tila isang demonyo. Malaki ang boses, garalgal at nagsasalita sa iba't-ibang lenguahe na may mensaheng...

'Mga hung-hang. Hindi kami natatakot sa mga tao. Hinding-hindi n'yo 'kami' mapapaalis. Mamatay muna kayong lahat.'

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon