KABANATA 44

32.7K 1K 72
                                    

Jordanna's P.O.V.

Sa dilim at lungkot ng aming kulungan, Nawawalan na ako ng sense of time. Mabuti na lang at iniuukit sa pader ng lalaking aswang na kasama ko sa loob—na nagpakilalang Manuel, ang bilang ng bawat araw na lumilipas. Gamit n'ya ang isang matalas at maliit na bato, na s'ya n'yang ikinikiskis sa magaspang na pader upang makaguhit ng mga bertikal linya.

Dalawang araw na pala ang nakalilipas, simula ng dinala ako ng mga aswang at maligno sa piitan. At sa dalawang araw na 'yun, hindi lang lungkot at takot ang naging problema ko. Naging problema ko rin ang matinding gutom at pagka-uhaw. Wala naman kasing pumupunta ro'n para dalhan kami ng kahit anong makakain at maiinom. Napaisip tuloy ako kung pa'nong nabubuhay pa rin ang dalawang aswang na kasama ko.

"Kaunting tiis lang, Jordanna." Sabi sa akin ni Astrid, na sinabihan ako na tawagin na lang s'yang Auntie, at 'yung kasama n'ya, bilang Uncle. "May awa ang Diyos, may darating na grasya para sa atin, galing sa—" Tumingin ito kay uncle Manuel at ngumisi, "Bagong nobya ng isang tao, este, Aswang d'yan." At pagkatapos ay humagikhik ito.

"B-bago, po?"

"Oo bago, kasi wala namang naging ibang nobya 'yan bukod kay Helga na hindi naman tumagal ng isang araw." Tumawa ito nang malakas. "Dahil kung may mga taong nadadagit ng aswang, si Helga ay nadagit naman ng tao." Mas lalong lumakas ang paghalakhak n'ya.

"Naging nobya n'yo po ang mother-in-law ko?" tanong ko sa nakasimangot na si uncle Manuel. Hindi ito nagsalita. Nakatingin lamang ito kay auntie Astrid nang matalim.

"Oo, Hija," Nakabungisngis na sagot ni auntie Astrid. "Pero katulad nang sinabi ko, hindi ito nagtagal ng isang araw. Nadagit agad ito sa kanya ni Jason." Muling humahagikhik ito na tila sadyang inaasar n'ya si uncle Manuel.

"Gano'n na po katagal?" Nakatingin ako kay uncle Manuel, sa pag-asang s'ya na mismo ang sasagot sa akin. Pero nanahimik pa rin ito. Nakakunot ang noo nito at nakatingin lang nang masama kay auntie Astrid.

"Oo," Nakabungisngis pa rin si auntie Astrid, "Pero meron naman s'yang mga fling, alam mo na, 'yung mga malalanding Aswang na gusto lang matikman ang kanyang kag'wapuhan. Nakita mo naman, hindi naman s'ya pangit, 'di ba? Mestiso, mangkad, matipuno, g'wapo..." At humalakhak ito ng pagkalakas-lakas, sukat na lalong nagusot ang mukha ni uncle Manuel.

"Hindi na po kayo nag-asawa?" tanong ko kay uncle Manuel.

Nagkibit-balikat lang ito sa tanong ko.

"Hindi na," Pagsingit ni auntie Astrid, "Pero kung makakatakas s'ya rito, kasama ang bago n'yang nobya, baka sakali."

"Nakakulong din po ba ang nobya n'ya rito?" Tanong ko kay auntie Astrid.

"Hindi." Sagot nito, "Isa s'ya sa mga naninilbihan sa mga dumukot sa atin."

"Aswang din po s'ya?"

"Hindi, tao s'ya na dinukot ng mga kampon ni Lucio, mahigit dalawampu't anim na taon na ang nakalilipas."

"Gano'n na po katagal?!" Nanlaki na ang mga mata ko.

"Oo," Naging malungkot na ngayon ang ekspresyon ng kanyang mukha, "Nakakalungkot nga dahil parang kinuha na rin ni Lucio ang buong buhay n'ya. Kaya nga napag-usapan namin ni Manuel, na hindi kami aalis dito nang hindi s'ya kasama."

"Eh kayo po? Nakapag-asawa po ba kayo." Habang nakatingin pa rin kay auntie Astrid.

Pero bago s'ya nakasagot, si uncle Manuel naman ang narinig kong humahagikhik. Napalingon naman kami ni auntie Astrid sa kanya.

"May nobyo 'yan, pero iniwan at pinabayaan na lamang s'ya basta. Inanakan lamang s'ya pero hayun, tinalikuran lang s'ya para umuwi do'n sa kanila!"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon