KABANATA 68

22.2K 779 45
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Grabe po ba talaga ang sunog ninyo sa katawan?" tanong ko, habang pinanonood ko ang pagtatanggal n'ya ang kanyang lambong.

"Noon, oo." Hinubad din n'ya ang long sleeved sweater n'ya at nakita kong halos wala na ngang pilat ang kanyang mga braso.

"Wow, wala na halos kayong pilat, ano po ang ginawa n'yo? Nagpa-surgery po ba kayo?"

Natawa s'ya, "Hindi ko alam kung maniniwala ka kung sasabihin ko sa 'yo."

"Bakit po, minadyik n'yo po ba?" tumawa ako.

"Sana nga ganun na lang para isang kumpas lang wala na lahat."

"Kung hindi po magic, eh ano."

"Kailangan kong maglabas-masok sa teriroryo ng mga lambana, kung saan nakatira ang aking ama. Kailangang gawin ko 'yun nang isang daang beses."

"Ha? Ganun lang po kasimple?"

"Hindi madaling makapasok sa teritoryo ng mga lambana, Jordanna. Lalo na para sa isang katulad ko na may dugong tao. Bukod kasi sa mahirap mahanap dahil napapalibutan ito ng mga taga-bulag, napakaraming ding bantay ro'n."

"Pero paano po kayo gumagaling sa paglalabas-masok lang?"

"Kailangan lang madampian parati ng sinag ng kanilang araw ang akin balat, para mawala ang aking mga pilat."

"Pa'no po 'yun, naghuhubad kayo para masingan lahat?"

"Oo."

"Wow, so bomba star pala kayo ro'n? Wala po bang naninilip sa inyo?"

Napahigikhik ito sa sinabi ko, "S'yempre do'n ako pumupunta sa walang nakakakita."

"May nakakalusot po ba sa mga lambana? Sabi kasi ni Jasper, 'yung mga 'yun daw ang nagbabantay sa bahay namin kaya walang nakakalusot kundi sila-sila rin lang."

"Oo naman. Hindi naman sila Diyos. Ang mga mata ng Diyos lamang ang nasa lahat ng dako (4) na hindi matatakasan nino man. Kailangan ko lang pumunta ro'n sa mga hindi nila pinupuntahan. O kaya, kailangan ko lamang magdala ng mga bagay na ayaw nila para hindi nila ako sundan.."

"Saan po ro'n. At tulad ng mga ano po ba ang mga ayaw nila?"

"Mayro'n do'ng isang burol na napapalibutan ng mga baging at lamang-kati (1). Hindi sila lumalapit sa kahit anong lugar do'n na may mga nakatanim na lamang-kati (1) katulad ng mga sibuyas at bawang. Kaya do'n ako pumupunta para magbilad."

"Takot po ba talaga sila sa bawang? Nakakailang beses na po kayong nakakalusot do'n?"

"Hindi naman talaga sila takot. Ayaw lang nila rito. Sumasama ang pakiramdam nila ng ilang araw kapag nakakaamoy sila ng bawang. Sa loob ng dalawampu't limang taon, nasa numbenta'y sinkong beses na ako nakapagpabalik-balik.."

"Uy, malapit na mag-isang daan. Kaya pala halos wala na po." Nakatingin na ako sa kanyang mga binti. Makinis na rin ito. "Pero ang tagal n'yo na po palang ginagawa 'yun. Ang tiyaga n'yo po."

"May kasabihan nga ang mga tao, kung walang tiyaga, walang nilaga."

"Ang wierd ng kasabihang 'yun. Parang walang sense."

Natawa s'ya sa akin, "Bakit mo naman nasabi?"

"Di ba mas realistic 'yung, 'kung walang tiyaga, walang menudo.' Eh di hamak namang mas mahirap lutuin ang menudo, 'di ba? Ang nilaga, lalagyan mo lang ng sabaw 'yung karne. Kaunting timpla tapos 'yun na, tatakluban mo lang hanggang sa kumulo. Eh 'yung menudo maggagayat ka pa ng gulay at karne, maggigisa ka pa bago mo ilalagay isa-isa ang mga sangkap, 'di ba?"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon