KABANATA 26

44.3K 1.3K 155
                                    

Jasper’s P.O.V.

Hindi ko man alam kung papa’no, pero kailangan kong patunayan sa aking hukbo, na kaya kong pagsabayin ang aking pamumuno at ang pag-aasikaso sa personal kong buhay.  Hindi ko sila kayang pabayaan, pero mas lalong hindi ko kayang mawala sa akin si Jordanna. Kailangan kong ipakita sa kanilang kaya kong punuan ang responsibilidad bilang pinuno nila.

Buong buhay kong hinintay ang sa ilang araw na lamang ay magaganap na; ang pag-iisang dibdib namin ni Jordanna.  Si Jordanna.  Mahal na mahal ko talaga si Jordanna. Sa totoo lang, kaya kong mawala ang kahit ano sa akin, huwag lang s’ya.  Bagay na hindi ko pwedeng sabihin sa aking hukbo, dahil hindi ko rin naman gustong magduda sila sa kakayahan kong mamuno.

Papunta na ako sa Unibersidad para sunduin si Jordanna nang mapagdesisyunan kong tingnan muna ang aking cellphone.  Five missed calls from Zoe and three messages received.  Isang mensahe lang, ang nagmula kay Jordanna, habang ang iba, kay… Zoe lahat nagmula.

Text Message from Jordanna:  Huwag mo na akong sunduin. Nasa bahay na ako, mag-usap tayo!

Kinabahan ako. Tungkol naman kaya saan ang pag-uusapan namin?

Unang Mensahe mula kay Zoe:  Say good bye to Jordanna. Ewan ko na lang kung tanggapin ka pa n’ya ngayon! Asshole!

What’s this shit?!  Lalong nag-animo’y tambol ang pagtibok ng puso ko.  Ano na naman kayang kabalbalan ang ginawa ng demonyitang babaeng ‘yon?

Binuksan ko ang kahuli-hulihang mensahe.  Isa iyong video clip, with Zoe’s caption:  FPck you, Jasper! Kung ako sa ‘yo, hindi na ako magpapakita sa kanya. By the way, I already sent this clip to Jordanna.

Nag-play ang video.  Recorded ito noong mga panahong down na down ako sa sitwas’yon ko. Sitwasyong pinalala ng mga kasinungalingang ipinagduldulan noon ni Zoe sa utak ko. ‘Yung mga panahon na lahat na yata ng masasamang bisyo, sinubukan ko. Kasama na ang pagyayabang, para lang maitayo ko and dumadapang self-esteem ko.

Masamang magbintang, pero pakiramdam ko, sinasadya talaga ni Zoe na basagin ako sa simula pa lang. Ramdam ko na ito, kahit na noong mga panahong nagpapanggap s’yang tunay kong kaibigan.  Tila sinasadya n’yang sirain ang mood ko, gamit ang closeness noon ni Jordanna at Paolo.  Sinasadya rin n’yang hilahin ang self confidence ko paibaba, hanggang sa malugmok ako ng todo sa lupa.  

Sa totoo lang, s’ya rin ang nagturo sa akin ng masasamang bisyo; tulad ng alak, sigarilyo, droga, sugal at kung ano-ano pa.  Kung hindi ko s’ya kilala, at ang mga magulang n’ya, malamang, inisip ko nang demonya talaga s’ya.  Demonyang bumubulong sa tenga ko, para gawin ang mas higit na makasasama sa pagka-anghel ko. Demonyang ipinagtutulakan ako sa mas madilim na sulok ng pagkatao ko.

Alam ko.  Ramdam ko.  Na nagpapanggap din lang s’yang may gusto sa akin.  Na tila ba, ginagawa lang n’yang landiin ako para mailayo n’ya si Jordanna sa akin.  Halata naman kasing nagkakagano’n lang s’ya, kapag nasa paligid lang si Jordanna;  na para bang, ginagawa lang n’ya iyon, para sirain ang aking mga diskarte.

Nag-ring ang cellphone ko.  Si Zoe ito, sino pa nga ba?  Ano na naman kayang kabalbalan, ang sasabihin pa n’ya?

“What the f*ck is your problem?!”  Bulyaw ko.

Humalakhak s’ya sa kabilang linya.  Demonya talaga.

“Ako?”  Aniya, “Wala akong problema,”  Nang-aasar ang tono n’ya, “Pero ikaw, meron!” Muli s’yang humalakhak nang mas malakas pa sa kanina.  “Kung ako sa ‘yo, hindi na ako magpapakita pa kay Jordanna.  Dahil palagay ko, sa mga oras na ‘to, isinusumpa ka n’ya hanggang sa iyong kaluluwa!  Presyuhan mo ba naman s’ya ng thirty five million?”  Tumawa ulit ito, “Ang cheap mo dude, baka nakakalimutan mo, na she’s Attorney Jonathan Romero’s only daughter, she is absolutely worth more than that, 'no!”

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon