KABANATA 18

54.3K 1.3K 113
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Hindi ko akalaing magagawa n’ya ito." Humahagulhol na sabi ni tita Samantha, kay Mommy at Daddy.

Sumugod si Daddy at Mommy sa Ospital, matapos ko silang tawagan, at sabihan tungkol sa nangyari kay Kuya at sa ex-girlfriend n’ya.

"Kumusta na raw ba ang lagay ni Christine?” tanong ni Daddy.

"Ok na naman daw s’ya, sabi ng duktor." Sagot ni Tita, "Pero hindi na 'yun ang inaalala ko sa ngayon, Jon... Abby. Ang inaalala ko na ngayon, kung ano ang magagawa ko para matulungan s’yang malampasan ito."

"Sino ba ang nagpakalat ng video?” tanong ni Mommy kay Kuya sa harap ng lahat. Narito pa rin kami sa waiting area.

"Ang sabi po ni..." Sumulyap muna si Kuya kay Fatima. "Nila, nanggaling daw po ito sa email ko. Pero I swear to you and to God. Hindi ako ang nagpadala no’n. I was also in that video, kaya imposibleng ako."

"Sino-sino ba ang nakakagamit ng cellphone mo?” seryosong tanong ni Mommy.

"Wala po. Ako lang."

"May mga pagkakataon ba na iniwan mo ito o nalingat ka, o nawala man lang ba ito sa paningin mo?" Follow-up ni Mommy na tila isang imbestigador na ang dating.

"Sa bahay po, kapag matutulog o maliligo."

"Sa bahay lang?” si Mommy ulit.

"Sa locker po sa school kapag may practice or game kami, or kapag nagsa-shower ako sa--" Natulala ito sandali na tila may biglang naalala.

"What?” tanong ulit ni Mommy.

"'Yun nga po sa locker po kapag may game, may practice at nagsa-shower sa school."

Nagkatinginan si Daddy at Mommy, na tila nangungusap ang kanilang mga mata.

"We need to talk to the school administration about this, Sam." Ani Daddy, "Malakas ang kutob ko na mga estudyante rin ang may pakana nito."

Tumango lsi Tita Sam, bagama’t umiiyak pa rin ito.

"Alam na ba ni Karl?” dugtong ni Dad. He was referring to tita Sam’s husband.

"Alam na n’ya na nandito si Christine. Pero wala pa akong sinasabi sa kanyang detalye. Pero pauwi na s’ya. Malamang, dito na raw s’ya dumiretso."

Nagsasalita pa si Daddy, nang bumulong si Jasper malapit sa tenga ko.

"Hun..."

"Bakit?” bulong ko pabalik.

"Nagugutom na 'ko." Bulong n’ya, "Baka gutom na rin sila. Bumili kaya muna tayo ng makakain."

Pagkasabi n’ya no’n, kinalabit ko si Andre na nasa kabilang gilid ko.

"Nagugutom ka na ba?” bulong ko rito.

"Oo," Aniya, "Pero ayokong kumain."

"Ha, bakit naman?” pabulong pa rin.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon