KABANATA 66

16.7K 709 35
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Akala ko ba maaga kang uuwi?" Salubong ko kay Jasper habang lumalabas ito sa kanyang kotse. "Ang sabi mo sa 'kin kanina, narito ka na ng ala-sais ng hapon? Anong oras na? Alas-dose na ng hatinggabi ah!" Hindi s'ya nagsasalita, nagdirediretso lamang ito sa pagpasok sa loob; sinundan ko ito. "Sa'n ka ba nanggaling? Bakit ganyan ang damit mo?" gusot-gusot kasi ito. "At 'yang—" Nasipat ko ang kuwelyo n'yang may pulang mantsa, "Ano 'yan, lipstick?!" Hindi n'ya ako pinapansin hanggang sa makarating na kami sa aming silid. "Galing ka sa babae mo 'no?!"

Napahinto ito, namayawang, nagbuntong-hininga at saka pikit-matang napatingala.

Pinalo ko ito sa braso, "Ano? Ha! Galing ka kay Kriselda 'no. Ah...baka naman ang ibig sabihin mo sa ala-sais ka uuwi, ala-sais ka uuwi sa kanya?"

Hindi pa rin itp sumagot. Sinulyapan lang ako nito, bago naghubad ng pang-itaas. Itinapon nito ang pinag-hubaran sa hamper, bago tinungo ang kabinet para kumuha ng komportableng puting kamiseta.

Nainis ako. Lalo pa't ilang oras ding namuti ang mata ko sa kahihintay sa kanya.

"Jasper Ramirez Toledo!" Hiyaw ko. Nanginginig sa inis. "Ano? Wala ka man lang bang explanation? Hindi ka man lang ba tatanggi, magmamaang-maangan o hihingi ng dispensa?!"

"H'wag ngayon, Jordanna. Pagod ako." Mahina n'yang tugon; umuupo na sa gilid ng kama. Naghahanda sa paghiga.

Inis na inis talaga ako kaya't hindi ko mapigilan ang ilabas ang sobrang pagkadismaya ko. Pinaghandaan ko ang pag-uwi n'ya. Iniluto ko ang paboritong ulam n'ya. Gutom na gutom na ako pero hinintay ko s'ya, tapos ganito lang? Ganito lang pala ang mapapala ko?

"Pagod?" Nakahiga na s'ya, na tila ba, pagod na pagod nga ito. "Pinagod ka ba ni Kriselda, ha?!" Naiiyak na ako dahil tila binabalewala talaga ako nito. Ipinikit n'ya ang kanyang mga mata na tila 'di ako nito naririnig. "Shit!" And my pregnancy hormones made it worse. "You know what? Fine!"

Tinungo ko ang kinalalagyang ng maleta sa pinakamataas na shelf ng kabinet at kinuha ang maleta ro'n. Ibinalibag ko 'yun sa bakanteng bahagi ng kama, binuksan ang zipper, binulatlat, at saka ko sinimulang hakutin ang aking mga damit.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"What are you doing?" hah! Kinausap rin n'ya ako sa wakas. Tinitingnan n'ya ako sa kanyang bandang paanan.

"What do you think I'm doing?" dirediretso lang ako sa paghahakot. Humahangos, nangangatal, humihinga nang sunod-sunod...naiiyak.

Bumangon s'ya nang paupo, "Hun, please." Gusot na gusot ang mukha n'ya, "Just please let me rest for a couple of hours and then we'll talk. Pagod na pagod lang talaga ako."

Napahinto ako. Hawak ang ilang hanger ng mga damit ko.

"Ah ganun? Magpapakapagod ka sa kandungan ng babae mo, tapos ako ang pupuyatin mo para hintayin na maging ok ka na ulit? Magpahinga ka na hangga't gusto mo!" Padabog na itinuloy ko ang pag-eempake ko. "Wala na akong pakialam." Isinasara ko na ang maleta. "Magsama kayo ng babae mo!" Binitibit ko na ang maleta at akmang lalabas na sa k'warto.

"Sandali nga!" Bumaba na s'ya sa kama at isang dukwang na hinila ang braso ko. Nabitawan ko tuloy ang maletang hawak ko. "Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na wala akong babae!"

Binawi ko ang braso ko, "Lokohin mo ang sarili mo, b'wisit." Akmang kukunin ko ulit ang maleta pero muli n'ya akong pinigilan.

"Please naman, Hun, wag ngayon, please..." He looks really frustrated. "Bakit ba parating 'yan ang ibinibintang mo sa akin? Wala sabi akong babae. Sa 'yo pa nga lang kulang na ang oras ko, mambababae pa ba 'ko?"

"Let me go!" Pilit kong binabawi ang braso ko.

"Jordanna!" Sigaw na n'ya; natigilan ako. Tinitigan n'ya akong mabuti bago n'ya kusang binitawan ang braso ko para tumalikod. "Bakit ba, hindi mo maintindihan na hindi lang ikaw ang nahihirapan?" Muli n'ya akong nilingon nang patagilid, "Alam mo na naman kung ano at sino ako, 'di ba? Alam mo na rin na hindi lang trabaho at ang pamilyang ito ang inaasikaso ko, 'di ba? Alam mo!" Nanggigigil na ito, "Alam na alam mo, kung ano ang misyong nakaatang sa balikat ko!" Mas mataas na ngayon ang boses nito. "Pero bakit ba, kailangan ko pa parating magpaliwanag sa 'yo?! Bakit ba kailangan ko pa parating ipaintindi sa 'yo, na hindi lamang ikaw ang nangangailangan ng panahon ko?!" Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin. Bakas dito ang pagkayamot, "Ganun ka ba talaga katanga?!"

Nagulat ako sa huli n'yang mga kataga. Napakalutong kasi nito na sinamahan pa ng nagngangalit n'yang mga panga. Pero dahil galit na galit din ako—bukod sa nasaktan din ako sa mga huling sinambit n'ya, sinampal ko s'ya.

"Gago ka ah!" Sigaw ko sa mukha n'ya, "Oo! Alam ko na nga! Alam ko na nga ang punyetang misyong nakaatang d'yan sa balikat mo. Pero kailan mo lang ba sinabi sa 'kin ang tungkol d'yan?! No'ng nakuha mo na 'ko?! No'ng nagoyo mo na 'ko para magpakasal ako sa 'yo?! Manloloko ka! Alam mo bang grounds for annulment ang panloloko? Tarantado ka! Hindi mo naman pala kayang pagsabayin ang demands ng sinuong mong pagpapamilya, karera at misyon, ako pa ngayon ang tanga?! Ikaw ang tanga! Hindi mo naman pala kaya, idinamay mo pa ako sa impiyernong kumplikasyon ng pagiging asawa mo?! Ikaw ang gago, dahil ikaw 'tong sugod nang sugod sa mga gerang hindi mo naman pala kayang ipanalo!"

S'ya naman ngayon ang nagulat sa huli kong mga sinabi, bagama't lalo akong nainis nang ngumisi ito habang hinahaplos ang parte ng kaliwang pisngi n'yang sinampal ko.

"You know what?" anya, "Maybe you're right." Muli n'yang tinungo ang gilid ng kama at naupo ro'n, "I was so stupid." Pagtutuloy n'ya, "And because I made so many stupid decisions in the most recent past...my marriage, with you included, pinagbabayaran ko tuloy 'to ng sunod-sunod na pagkabigo ko ngayon." Humiga na s'yang muli.

"W-what is that supposed to mean?" naiiyak na ako sa hindi ko pa matukoy na dahilan—bukod sa malinaw na binanggit n'ya.

"Tsss..." Pumikit na s'ya, habang patuloy pa ring nagsasalita. "Pati ba naman 'yon ipaliliwanag ko pa rin sa 'yo?" nakapagtatakang mahinahon na ang kanyang pagsasalita. "Sige na...umalis ka na kung gusto mo na talagang umalis. Kung nagsisisi ka na sa pagkakatali mo sa 'kin, dahil sa tingin mo, niloko kita, fine. That will make things fair and square for both of us then. Dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong kagaguhan ang pumasok sa utak ko para pakasalan kita sa gitna ng kumplikadong sitwasyon ko. Since ikaw na mismo ang nagbanggit, sige, file an annulment case against me. Don't worry, kahit ano pa ang ilagay mong reklamo, totoo man o hindi, pipirmahan ko, matahimik ka lang. Umuwi ka na sa inyo, na parati lamang din namang panakot mo sa 'kin. Basta't iingatan mo lang ang mga anak ko, kundi'y malilintikan ka sa 'kin."

Wow. The last sentence was very...cold; which left me frozen for a moment. 

[ITUTULOY]


JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon