KABANATA 83

18.4K 743 104
                                    

Jasper's P.O.V.

"Jasper," Bulong sa akin ni Ricardo. "Anong plano mo sa mga 'to." Itinuturo n'ya ang tatlong pinuno mula sa hukbo ni Lucio. Matapos ito ng isa na naman naming matagumpay na pagsakop, sa isa sa marami pang balwarte ni Lucio.

Nakaluhod ang mga ito sa aming harapan. Mga sugatan, duguan at nanlulupaypay; nagmamakaawang h'wag namin silang patayin.

"Tapusin n'yo na ang mga 'yan." Walang pakundangang utos ko sa mga kasamahan kong nakapalibot. "Wag kayong magtitira." Nagsimula nang magsiiyakan ang mga ito.

Hinawakan ni Ricardo ang aking braso nang umakma na akong tatalikod; napalingon ako sa kanya. "Pero Jasper. Ang karamihan sa mga ito'y dati na nating kasamahan."

Sino? 'Yung mga bumaliktad no'ng mga panahong nadedehado ako?

Humarap ako kay Ricardo at tiningnan ito nang matalim, "Gusto kong ihilera n'yo..." Maigting kong sambit na may diin sa aking mga panga, "Ang mga pugot na ulo nila sa harapan ko!"

Walang nasabi si Ricardo, bagama't nababakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa aking tinuran.

"P-pero Jasper..." Sabi naman ni Alodra.

Nilingon ko rin ito at tiningnan nang matalim,"Wala kayong ititira!"

Lalong lumakas ang pinagsasama-samang iyakan ng mga halimaw. Katulad ni Ricardo, at ng iba pa naming mga kasamahan, bakas din sa mukha ni Alondra ang pagkagulat. Alam ko namang hindi nila inaasahan ang ipinagagawa ko sa kanila. Nasanay na kasi sila sa 'lumang ako' na masyadong mal'wag at mapagpatawad; 'yung dating ako na maraming pinalalampas at pinagbibigyan. 'Yung dating ako na parating natatalo—dahil na rin sa kahinaan kong 'yon. Kahinaang nagdulot ng sunod-sunod kong pagkabigo, sa pagpapabaya kong buhayin pa ang ilan sa aking mga kaaway, maging ang mga dati kong kakamping nagtraydor sa akin.

'Yung dating ako... wala na ang dating ako. 'Yung dating ako, na hindi ko na babalikan. Mas gusto ko na ang ako ngayon. Ang bagong ako na sinisiguro kong magtatagumpay at makapagpapatumba sa kahit sinong humarang sa aking landas.

***

"Narinig ko ang nangyari." Bungad sa akin ni uncle Manuel. Sinalubong ako nito habang palabas ako sa construction site. Alas-singko na ng hapon. Tapos na ang aking regular na trabaho sa buong sa araw.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Nangyari saan?" Nadire-diretso ako papunta sa pinagparadahan ko kay Mayumi; inakbayan ako ni Uncle sa paglalakad.

"Sa hukbo, sa inyo ni Jordanna..."

"So?"

"Ano ng so?"

"Kailangan ba talagang ipaliwanag ko pa sa inyo ang lahat?!" Tinalikuran ko ito. Pero hinila ako nito sa kuwelyo .

"Putang ina, Jasper! Ano bang nangyayari sa 'yo, ha?!"

Agad na umakyat ang presyon ko at nakasimangot na tinanggal ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa aking kuwelyo."

"Nangyayaring ano?!"

"Makikipaghiwalay ka na kay Jordanna, bakit? Dahil ba talaga ro'n sa babae mo?"

"What do you know?"

"Sinabi sa akin ng Mommy mo kanina, nag-file na raw ng annulment si Jordanna. At isa 'yung pambababae mo at ang pag-amin mo na mas gusto mo na raw 'yung babae mo sa inilagay n'yang grounds."

Anak ng tipaklong? Mukhang 'yun nga ang inilagay ni Jordanna as one of the grounds when she filed for the annulment a couple of days ago. Sa totoo lang, I don't really want an annulment. I just want her to be more matured and be more understanding of my situation.

"Ginagayuma ka ni Kriselda, Jasper. Mag-iingat ka." Paalala ni uncle Manuel. "Mukhang nauulit lang ang pagkakamali mo kay Kate noon."

"Pati ba naman kayo?"

"H'wag mong ipagpalit ang pagsasama ninyo ni Jordanna, sa isang babaeng hindi mo naman alam kung pakawala na naman ni Lucio."

"Hindi s'ya aswang." Sagot ko, "Kung 'yan ang pinag-aalala n'yo."

"Bakit? aswang lang ba ang kayang gamitin ni Lucio?"

"Ok...look here, uncle Manuel. Unang-una, wala kaming relasyon ni Kriselda. Pangalawa, wala akong ibang babae. At pangatlo, I just don't know how to handle, Jordanna anymore kaya, we are better off apart."

***

Just as I've expected. Katakot-takot ba mura ang inabot ko mula sa aking biyenang lalaki. Kahit sa cellphone lang 'yun, malakas pa rin ang dating. Lalo pa't kung bumulyaw ito'y tila bingi ang kanyang kausap nito.

"Ang anak n'yo ang nag-file ng annulment, hindi ako." Kalmado kong sinabi sa kanya matapos ang kanyang pagtalak—na hindi ko na naman masyadong pinakinggan, "S'ya rin ang umalis ng bahay, hindi ako."

"At tuwang-tuwa ka naman para makapagsama na kayo ng babae mo?!" Pabulyaw na bintang pa rin ni Daddy Jonathan.

Anak ng puta! Kung makapagsalita akala mo kung sinong Santo? Mabuti sana kung hindi ko alam kung sino s'ya. Kung meron mang mas babaero sa 'min, s'ya na 'yun. At kung meron mang mas walang modo sa 'ming dalawa, s'ya rin 'yun! Wala na yatang mas nakakainis pa sa isang taong mas masahol pa sa 'yo, pero nakukuha pa ring magsalita laban sa 'yo, na tila ba, hindi n'ya naging gawain 'yun. At ang mas lalong nakaiinit ng ulo, ang mga walang katotohanang bintang nila sa akin.

Babae ko raw si Kriselda. Anak ng buwayang sakim! At naniwala naman sila kaagad kay Jordanna?

Si Jordanna.

I still love her but also hate her right now. Kung ganito ang gusto n'yang mangyari sa 'min, fine! At kung pagtataksil ko raw diumano, ang ginagamit n'yang sandata laban sa 'kin. Bahala na s'ya sa buhay n'ya! Tutal, maghihiwalay na rin lang kami, ano pa ba ang silbi na ipagtanggol ko pa ang aking sarili sa mga ibinibintang n'ya sa akin na hindi naman totoo.

Wala na yatang mas nakakaasar pa sa isang taong matapos mong hintayin ng napakahabang panahon, alalahanin, mahalin at pakasalan, kung ano-ano na lang ang ipupukol sa 'yong kasinungalingan. Ang sabihin mo, hindi na lang talaga n'ya matiis ang mga pagsubok na kailangan namin lampasan.

May misyon ako sa buhay na hindi ko p'wedeng talikdan. Ayoko nang sayangin ang oras ko para nakipagtalo pa sa isang isip-batang walang pang-unawa. Tutal, mas maganda na nga siguro ang maghiwalay na lang kami. Para hindi ko na s'ya iisipin pa at aalalahanin pa. Para mas matutukan ko na ang mga dapat kong gawin sa mundong ibabaw.

"Don't you dare speak to me like you've never done anything wrong in your own stinking life!" Kalmado, ngunit may diin kong sagot kay Daddy Jon, matapos n'ya akong bulyawan at murahin sa kabilang linya. "Bahala na lang kayo kung maniniwala kayo sa ibinibintang sa akin ng anak n'yo. Wala na akong pakialam. Don't worry, I'll sign the annulment papers regardless kung ano ang inilagay n'ya ro'n laban sa 'kin. Just don't talk to me like that ever again, or I'll swear to God, hindi kita aatrasan. Gago ka? Gago rin ako. Hindi uubra sa 'kin ang yabang mo!"

I didn't give him a chance to respond. Pinindot ko na ang cellphone at tuluyang pinatay ito. It's time to change my sim. 

[ITUTULOY]

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon