10: Yellow- Where sun bright be

239 132 101
                                    

'But where is supposed to be the right path of brightness? I have chosen betrayal, now I choose her; I choose to put the brightness on her way.'

Hinaplos niya ang aking pisngi, habang pinupunusan ang aking pisnging may luha. "You shouldn't cry over my wounds. I have been whipped my whole life."

Sa ngiti niyang iyon ay parang sinasabi niyang huwag akong mag-alala, kaya tumango na lang ako kahit hindi ko maintindihan.

"Umuwi ka na," sabi ko at lumipat ako sa kanyang likuran upang linisan ang mga sugat roon.

Muli akong bumalik sa harapan niya matapos iyon.

Ngumiti ako sa kabila ng pamamaga ng aking mata mula sa tahimik kong pag-iyak.

"Alam ko ang sikretong daan palabas ng pader ng Mediore, itatakas kita rito," sabi ko at hinawakan ang kamay niya at pinatayo, wala siyang suot na damit pang-itaas kaya iniyakap ko na lang sa kanya iyong tela.

Sumunod siya sa akin, hanggang sa marating namin ang pintuan ng pader, kaming magkapatid ay may susi roon, gamit ang medalyong suot ko ay itutuon ko lang iyon sa medalyong imahe matapos pindutin ang tatlong simbolong nakaukit sa pader at magbubukas iyon.

"No," sabi nito at umiling. Hinawakan ko ang mga kamay niya, tiningala ko siya.

"Umalis ka na rito Rain, umuwi ka na." Tumaas baba ang aking dibdib sa pagpapaalam na parang ayaw kong mangyari, pero sigurado akong sa pagbabalik niya sa aming palasyo, mas madagdagan ang sugat niya, hindi ko gustong masaksihan iyon.

"I'm not going anywhere," desidido itong umiling. "He can't kill me," dugtong nito.

Mahigpit kong hinawakan ang palad niya upang makita ang pagnanais kong makaalis siya. "Umalis ka na."

"Then why are you crying? Send me out without crying." Nangunot ang noo ko sa sinabi nito, sukat roon ay muli niya na namang hinawakan ang aking batok at pisngi.

Hinintay ko na lang na lumapat iyon sa aking labi, ngunit sa aking noo dumampi ang kanyang labi.

Napapikit ako sa kanyang ginawa, sa ganoon pa lamang ay para niya akong dinadala sa alapaap.

Hindi ko na pinigilan ang aking sarili nang iyapos ko ng marahan ang aking braso sa kanya, niyakap ko siya, kasalanan mang gawin ito ng isang maydugong-bughaw sa isang dayuhang askar, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Tutal naman, hindi ito ang unang beses ng naglapit kami.

Napadilat na lang ako nang umangat ako sa aking kinatatyuan, bahagya niya akong binuhat doon, pinatakan ng halik sa labi.

Napahawak ako sa kanyang balikat, nang matapos ang tatlong halik ay sinundan ng mas matagal na halik. Hindi ko alam kung tama ang aking ginagawa, basta ko lamang na ginaya ang kanyang galaw.

"I can't leave, when a princess who's sending me out is crying," sabi nito sa mababang boses, napapikit ako sa bango ng kanyang hininga, paanong ang isang askar ay may amoy ng isang pabango ng dugong bughaw?

"A-ano?" tanong kong naguguluhan.

Humigpit ang hawak niya sa aking bewang at pang-upo at muli akong binigyan ng halik, sa pagkakataong ito ay malalim na iyon, para akong nawala sa aking sarili, para iyong mahika at ang hirap makawala.

"Anong g-ginagawa natin?" humihingal kong dumungaw sa kanya matapos niyang ilapag sa lupa ang aking mga paa.

"This is what future king and queen do." Nakadiin ang noo nito sa aking noo habang sinambit iyon.

"Rain, a-anong ginagawa—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang muli niya na naman idampi ang kanyang labi sa akin, wala akong nagawa kung hindi ang sumuko sa kanyang mga halik.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon