Kabanata 26: Pag-amin

Start from the beginning
                                    

Habang hinaharangan niya gamit ang kanyang kapangyarihan ang mga lobo ay inilagay ko si Scion sa likuran ko. Saktong dumating ang mga ahas. Nagdikit-dikit sila para makaupo kami.

Agad silang gumapang papunta sa isang lagusan palayo. Nagsitahol ang mga lobo at hindi ko na alam kung anong nangyari sa doktor.

Nakakapagtaka na hindi nila kami sinugod kanina pero ngayon ay tila ba hindi nila bubuhayin ang Hari.

Mabilis kaming nagpunta pababa ng bundok at nagtago sa kakahuyan.

Naghanap ako ng kuweba na maaring pagpahingahan ni Scion. Sakto umulan pagpasok namin sa maliib na kuweba na puno ng maliliit na halaman.

Nagpahanap ako sa nga ahas ng kahoy para makagawa ako ng apoy at para hindi kami lamigin dito.

Inipon ko ang mga halaman at ginawa ko itong higaan, doon ko nilapag si Scion.

Pinagmasdan ko siya at mas maayos na ang itsura niya kumpara noong hindi pa siya nagagamot ng doktor. Mukhang mahimbing pa rin ang tulog niya. Malamig nga lang ang katawan niya dahil sa pag-ulan kaya pinagmadali ko na ang mga ahas sa pagkuha ng kahoy.

Pagbalik nila ay inutusan ko silang magmasid sa paligid para sa panganib.

Pinagsama-sama ko ang mga sanga ng puno at siniliban ko ito gamit ang enerhiya ko. Malaki naman ang apoy at tingin ko sapat na ito para mainitan si Scion.

"Nasan na kaya si Rushin?" Tanong ko.

Ang sabi niya ay babantayan niya ang batong pintuan pero bigla siyang nawala. Hindi kaya inatake rin siya ng mga lobo?

"Sana ay nasa maayos siyang kalagayan," hindi ko na siya naisip kanina nang tumakas ako dahil ang nasa isip ko lang ay ang mailayo si Scion. "Ano kayang dahilan at sinugod tayo bigla ng mga lobo na 'yon?"

May posibilidad na gusto nilang atakihin si Scion pero ang tanong ay bakit? Alam ba nila na siya ang Emperador? May sarili bang isip ang mga lobo o baka pwedeg may nag-uutos sa kanila? Kung meron man, sino? Sino ang gustong mapahamak ang Hari ng Hando?

Hindi pa rin tumitila ang ulan. Mas lalo pa nga itong lumalakas kaya mas lalong lumalamig. Buti na lang at may apoy kami dahil kung hindi, nanigas na kami sa lamig.

Tinignan ko ang bag ko at konti na lang ang tubig at pagkain ko. Hindi na ito aabot ng isang araw para sa aming dalawa ni Scion.

Kailangan ko rin siyang maibalik sa palasyo sa lalong madaling panahon. Walong araw na lang at magsisimula na ang paghuhukom sa kanya bilang isang Emperador. Kailangan ay malakas na siya sa pagharap sa mga hukom.

Pero ngayon na maayos na siya... kailangan ko pa bang sabihin sa kanya ang totoo?

Ang katotohanan na ako nga talaga si Serenity.

Paano naman si Weiming? Bago kami umalis ay ilang beses niyang sinabi na pinagkakatiwalaan niya ako kaya parang madudurog ang puso ko kapag nasaktan ko siya.

Inutusan ko ang mga agas upang hanapan kami ng makakain ngayong gabi at pabalik sa Hando. Hindi rin makakabuti kay Scion ang magtagal sa lugar na ito. Mas mabuti na matignan muli siya ni Doktor Guryo.

Isa-isang inabot sa'kin ng mga ahas ang mga dala nilang prutas at halaman, pati na rin malinis tubig.

"Good job kayo ngayon. Makakabawi rin ako sa inyo bago ako makabalik sa mundo ko."

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now