Nilantakan ko kaagad ang laman ng sisidlan dahil sakto namang ang laman nito ay puro gulay na gustong-gusto ko. Nang maramdaman kong hindi na ako nabubusog kahit na anong gawin kong pagkain, tinigil ko na ang paglantak sa mga ito.

Bago ko makalimutan, we have fairies here in our dorm. I'll let them deal with the used dishes. Sila na lang ang paghuhugasin ko ng mga plato. Tinatamad na rin kasi ako.

"Ding Dong!" rinig kong pagtunog ng doorbell, isa sa mga imbensiyon ni Ten. Almost all gadgets and equipments here in our academy are built by him. Bunga 'yan ng kaniyang angking talino plus his signus  which is both metal and electricity. He is the best in this field.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at inanyayahang pumasok ngunit tinanggihan niya. 

"They are waiting for us, so I suggest we get going!" he said joyfully.

This why almost all girls are attracted to Ten. He is always positive, and he is always smiling. Para bang mahahawa ka sa mga ngiti niya kapag makikita mo siya. Parang wala siyang problema hindi tulad ko.

"Sure! Lead the way." Hindi na ako nagdalawang-isip na sumunod sa kaniya. Kailangan ko na rin kasing humingi ng tawad sa dalawang beses na biglaan kong pag-iwan sa kanila nang walang paalam.

"Ten, sorry," sabi ko habang naglalakad kami.

"For what?"

"For leaving without saying anything," I honestly said. Am I really honest?

"Okay lang 'yun. Alam ko naman ang dahilan mo," nakangiti niyang sabi. Nginitian ko naman siya pabalik.

"Ten, can I ask you about something?" May gusto kasi akong itanong at baka alam niya ang sagot.

"About what? Tungkol ba 'yan kay Finnix?" pang-aasar niya.

Nang-init naman ang pisngi ko sa 'di ko alam na dahilan.

"So tama nga ako," he said. "What do you want to know about him? Favorite color, food, ideal girl, other stuff," dagdag niya pa na may mukhang mapang-asar. Ito lang talaga ang nakakairita sa kaniya. He always wants to tease others. Pero yung asar na alam niyang walang masasaktan.

"Hindi. Hindi ito tungkol kay Finnix. It's about Lucas," sabi ko.

I want to know things about him so that I can deal with him when things get worse.

"What about Lucas? Are you two timing them? Pero may girlfriend na 'yon. Pano na si Finnix...asdfghjk," pagputol ko sa walang hingahan niyang pagsasalita.

"That's nonsense! I just want to know things about him."

"Why? Are you really interested in him? And not Finnix?"parang bata niyang tanong.

"Yes. Let's say I'm interested in him," sinabi ko ito para matigil na siya sa katatanong.

"Woah! Hindi ko alam na ganito ka pala, Ester. Tama nga ang sinabi ni Finnix sa akin.  You are really one of a kind."

So Finnix has been backstabbing me? Baka kung an-ano na lang ang pinagsasabi ng lalaking apoy na 'yon.

"Lucas Eathren, ano nga ba'ng meron sa kaniya?" pagsisimula ni Ten. "Ayon sa pagkakakilala ko sa kaniya, he has the signus of earth. He likes every animal. He likes green. He is always hungry and likes to eat, but he is quiet... very quiet na halos kahit na kaming mga kaibigan niya ay malimit niya lang kausapin. Tanging si Finnix lang ang nakakausap niya nang mahaba at masinsinan. That is because sila talaga ang magkaibigan bago pa namin sila makilala nang mga bata pa kami. Kumbaga magkaibigan at halos magkapatid na ang turingan nina Lucas at Finnix bago pa namin sila maging kaibigan. Si Lucas lang ang miyembro ng Blueblood na minsan ay hindi sumasama sa mga gimik namin. He wants to separate himself from the crowd. At dahil ito sa letseng Anghel na 'yon. He is obsess with that Angel." sabi ni Ten.

Nakuha ang atensiyon ko sa huling sinabi niya tungkol kay Lucas. Obsess with Angel?
"Angel? What do you mean by that?" curious kong tanong.

"Kaunti lang ang alam ko sa bagay na 'yan. Sa pagkakaalam ko, noong bata si Lucas ay naisipan niyang maglayas mula sa Southern Palace dahil nag-away ang kaniyang mga magulang. Ilang araw siyang pinaghahanap ng mga kawal at katulong ng palasyo. Umabot na ng higit isang linggo bago siya natagpuan sa isang liblib na gubat na walang malay. When he woke-up, iisang tao ang kaagad niyang hinanap... si Angel. Wala siyang ibang bukang bibig kun'di si Angel. Umiyak siya nang umiyak dahil gusto niya raw makita si Angel, at hindi siya tumigil sa pag-iyak hangga't hindi niya ito nakikita. Kaya pinahanap ng mama niya ang taong tinatawag niyang Angel. Ngunit wala. Walang Angel na nahanap sa buong Archania. Dahil sa insidenteng ito, naging usap-usapan na baliw daw si Lucas. Magmula noon, sinabi ni Lucas na siya mismo ang hahanap kay Angel at papatunayan niyang hindi siya baliw. Papatunayan niyang totoo si Angel. Siya mismo ang lumayo sa mga taong nakapalibot sa kaniya at piling-pili lang ang taong nilalapitan niya. Kaming Bluebloods lang mismo ang nilalapitan niya ngunit bihira lang din. Kahit na bihira lang namin siya nakakausap at nakakasama, natutuwa pa rin kami dahil hindi niya pa rin nakakalimutan ang mga pinagsamahan namin. Hindi namin alam kung ano ang makapagpapabalik sa dating masayahin naming kababata." Nakasimangot si Ten nang matapos niya ito.

Kaya pala napakatahimik niya. Napakalalim pala ng nakatagong dahilan ng kaniyang ipinapakitang ugali. He is sad deep in his heart.

Pero ang nakapagtataka lang, bakit parang pamilyar ng kuwento ni Lucas. Para bang narinig o nakita ko na ito dati. Hindi ko lang mawari kung saan.





- End of Chapter 27 -
*************












Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now