Prologue-2: My Reluctant Reincarnation

1.6K 122 2
                                    

{Gin Olrac Hectorius}

Mabilis na lumapit saakin si Lady of Lake at hinawakan nang magkasabay ang aking mga kamay at pinagdikit ito. Ngunit mabilis na binawi ko ang mga kamay ko at mabilis na lumayo sa dalawang diyosa.

"Hindi ako papayag! Sa tingin niyo tutulungan ko kayo? Hindi mo nga kayang tuparin ang aking kahilingan!" Wika ko. Napasimangot nalang si Lady of Lake maski ang Goddess of Creation ay natulala nalang at kitang kita ko sakanyang mga mata na paunti-unti nang nawawala ang buhay sa mga mata nito.

"You leave me no choice! Tutal sinuway ko na ang mga rules sa isipan ko, kaya hindi na ako aatras, Tutulungan mo ang Goddess of Creation kapalit ng buhay mo sa iyong dating mundo! Kahit na labag ito sa panuntunan ng Divine Realm!" wika saakin ni Lady of Lake.

Ako ay napangiti sa aking narinig. Iba talaga ang estado ng diyos sa tao. Hindi kayang labagin ng Diyosa ng mundo namin ang panuntunan nila para saaking makasariling kahilingan na nararapat na matupad habang kinukunsidera ang sinakripisiyo ko upang iligtas ang aming mundo. Pero handang handa siyang suwayin ito para sakanyang kapwa Diyosa.

Mabilis na ipinaliwanag saakin ni Goddess of Creation ang pangyayari sakanyang mundo. Tatlo ang Demon General ngunit isa lang ang Gate of Doom. Ang kanyang previous Weapon ay isang dalagang may pangbihirang antas at aspeto sa mahika at pisikal na lakas katulad ko, ngunit agaw buhay nitong tinalo ang isa sa tatlong mga Demon General. Medyo napasimangot ako dahil parehong-pareho ang aming sinapit ang pinagkaiba lang ay tatlo at masmalakas ang kanyang kinalaban, Kaya't hindi ko maiwasang malungkot para sakanya.

Ang pagpili nila sakanilang mga weapon ay simple lang, Naghahanap sila ng mga taong may sapat na lakas ng loob at tapang upang harapin ang hukbo ng mga Nilalang na mula sa Gate of Doom, Dito na nila binibigyan ng biyaya ang napili nila. Ang titolo na 'Divine Weapon' ay ibinibigay nila sa nilalang na napili nila. Katulad ko, at may espesiyal na kakayahan ka'ng makukuha dito. Ngunit sa oras na tanggapin mo ang itinalaga ng mga banal na nilalang ng mga ito. Hinuhukay muna ang sarili mo'ng libingan dahil mahirap ng umasa na makakaligtas ka dahil ikaw lang ang may kakayahang lumaban sa mga ito.

Kaya naman nasoulusiyon ko ang kakulangan ko sa paghahanap ng mga kakampi na siyang pinagkaiba namin ng Weapon ng Goddess of Creation. Hinarap niya mag-isa ang hukbo at inubos ang kalahating populasiyon ng kalaban. Sinabi saakin ni Goddess na siya ang pinakamalakas na Weapon na napili niya. Sa paguusap namin, nakaupo kaming tatlo palibot sa lamesa ni Lady of Lake na napupuno ng iba't-ibang pagkain at inumin. Hindi ako naakit at sahalip itinuon ko lang ang pansin ko sa mga impormasiyon na inuukol saakin ni Goddess of Creation.

" Ang Demon General na tinalo ng aking weapon ay isang High Leveled Demon, Kilala sa tawag na Unrivaled Dark Lord, My Divine Weapon, Aerith Reylar, Descendant siya ng lahi ng Elves, She's the first Princess of Elvian Kingdom, Pana at palaso ang kanyang pangunahing sandata, Makasarili siya at mataas ang kaakuhan sa sarili, kaya siya ang aking napili" paliwanag saakin ni Goddess of Creation. Base saaking narinig kaya niya pinili si Aerith ay dahil sakanyang ugali at lahi.

Inako ni Aerith Reylar ang resposibilidad sa pagsagip sakanilang mundo at para saakin, Ito ang kanyang ikinamatay.

Sa mundo ko, Tao nalang ang natitirang lahi dito at halos 30% nalang ang tao dahil sa lakas ng hukbo ng mga demonyo. Ako ang pang pito na Weapon ni Lady of Lake na nagtagumpay sa pagwasak sa Gate of Doom.

" Hmph...Ako si Gin Olrac Hectorius, The Fourth Son ng Royal Blood Family, walang espesiyal saakin, maliban sa hindi ako sumusuko at matigas ang ulo ko, Kaya nais mo parin ba'ng tulungan ko ang Weapon na pipiliin mo?" tanong ko. Pinagdikit nalang ni Goddess of Creation ang kanyang dalawang palad na tila nagdarasal at humihingi saakin ng paumanhin na tumulong sakanya, Tumingin ako kay Lady of Lake. Umiinom siya ng sarili niyang hinandang tsaa at kalmadong nakatingin saakin.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now