[Arc 3] Ch-4: Sudden Death

264 38 3
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

" Malapit na tayo!" Wika ni Jack.

Sinabi saakin ng Clone ni Keynet na matatagpuan ko ang kanyang kakilala sa distrito'ng ito. Ang pangalan ng kakilala niya ay Mr.Jester, isang trader. Sakanya ko makukuha ang pataba na kinakailangan para mapigilan ang tuluyang pagkalanta ni Sappi. Pero may isa pa ako'ng dahilan kung bakit ako naririto at ito ay para hanapin ang iniwang marka ng misteryosong Demonyo na si Succi. Narito ba siya o wala, ayan ang unang tanong na pumasok saaking isipan.

" YAAH! Dahil sa digmaang nagaganap! Nangonte ang mga Adventurers sa distritong ito!" Hinihikab na wika ni Jack. Tama nga siya dahil kanina nuong papasok palang kami, maraming mga adventurers ang makikita sa bawat sulok ng kapaligiran pero nang makarating na kami dito sa malalim na parte ng distrito, kaunti nalang ang aming nakikita at puro na mamamayan na namumuhay ng normal at mapayapa.

" Hehe...Ayun ang dahilan kung bakit nasalanta ang aming baryo, sa mga rabbitmens, kakaunti lang ang kayang lumaban..." tugon ni Shin. Humina ng napakatindi ang depensa ng Utopia ngunit lumakas naman ang kanilang pangopensa. Base sa kaalalaman ko sa mga demonyo, gagawa sila ng kampo sa pinakamalapit na kapatagan sa kahariang ito. Sigurado ako'ng ito ang unang titirahin ng hukbo ng hari na pinadala sa gera, Ito din ang aatakihin ni Uncle Sergio.

" Narito na tayo!!" Itinuro saamin ni Jack ang isang maliit na tindahan na puro alikabok at sapot na ng gagamba sa sobrang luma at dumi ngunit nananatili paring nakabukas ang tindahan ito. Pumasok si Jack ng walang paalam sa tindahan at pinunasan ang maalikabok na lamesa at umupo dito.

" Welcome sa Shop ko!" Hindi ko inaasahan na sasabihin ito ng asungot na Jack na ito, I mean imposibleng siya si Mr.Jester at kakilala niya si Keynet, pero base sakanyang ugali malamang magkakasundo silang dalawa.

" I-ikaw si  Mr.Jester!" ganado'ng patanong na wika ni Shin. Umiling naman si Jack at itinuro ang kanyang daliri sa isang litrato ng isang matanda sa pinakamalapit na altar sakanyang lamesa. May nakatirik na kandila at nakalapag na nalalantang bulaklak dito.

" Kung ganuon...Ikaw ang nagmana ng kalakalang negosiyo ni Mr.Jester" wika ko.

" Yes, You see...Si Ama ay matagal na pata-" Bago niya pa tapusin ang kanyang sasabihin, isang kaldero ang lumipad sa ulo niya na nagpatalsik sakanya mula sa pagkakaupo.

" Bwiset ka'ng bata ka! Pinapatay mo na ako sa imahinasiyon mo!" isang sigaw mula sa malayo ang aming narinig, nang lumabas ito, tumambad saaming harapan ang isa'ng matandang lalaki na may hawak na pamatpat na pantukod ang mabagal na lumalapit sa lamesa at dahan-dahang umuupo dito.

" A-Ama! Buhay kapaa!!!" gulat na reaksiyon ni Jack.

" Oo naman! Siraulo kaba!" tugon ng matanda.

" Pero bakit may litrato kana dito! tapos may props pa'ng kandila at bulaklak!" nagtatakang sumbat ni Jack.

" Para ready na..." simpleng sagot ng matanda. Nagrereklamo siya'ng dinideklara na siyang patay ng anak niya pero siya din pala, mag-ama nga talaga ang dalawang ito.

Matapos ng kanilang pagbibiro, Nagawa nanaming kausapin ang matandang lalaki na ito o kilala sa tawag na Mr.Jester.

" Narito ang binatang Rabbitmen para makipag-trade habang ang Wolfkin ay gusto'ng bumili ng Espesiyal na pataba?"

" Tama po kayo" sagot ko dito.

Matapos nito, tumayo na si Mr.Jester at tinignan ang laman ng kariton ni Shin, nakakagulat ay tinanggap niya lahat ng naririto at ibinigay ang gusto ni Shin. Maraming binhi at patabang lupa ang ipinalit sa lahat ng gamit na nakalagay sa kariton ni Shin. Kakaiba magnegosiyo ang Mr.Jester na ito, para ba'ng basta-basta niya nalang tinanggap ang mga kagamitang ito.

Fate's Gate: Doom Sagaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें