Prologue-5: A Father's Last Wish/ The End of Prologue

1K 90 5
                                    

{Alestair Von Wolfencreed}

Dalawang buwan na ang lumipas nang pinadala ko ang aking pinsan na si Sergio sa isang misyon upang ibigay ang ipinagkatiwala ko'ng liham sakanya upang ipahayag sa Kaharian ng Utopia tungkol sa mga demonyong nakaharap ko.

Ngunit hindi parin bumabalik si Sergio kaya't nagaalala na ako pero sa tuwing iniisip ko siya nawawala lahat ng ito sa oras na makita ko ang napakaguwapo ko'ng panganay na ngayon ay karga-karga ng aking asawa habang nakaupo sa isang purong puting kama at masayang pinipindot ang matabang pisngi ng aming panganay na anak na sanggol lalaki.

Bukod sa putol ko'ng kanang kamay na ngayon ay balo't-balo't parin ng benda at kasalukuyang pinaghihilom ko, Ako ay namomroblema dahil wala paring pangalan ang aking anak.
Ako ay nakatingin saaming bintana habang imiinom ng tsaa na inihanda ng aming kasambahay.

"Lord Alestair hinahanap ka po ni Madam Kuroba" Wika saakin ni Zeer, Ang aming dalagang kasambahay.

"Oh? Narito si Kuroba? Hindi mo na dapat siya paghintayin Zeer!! Papasukin mo na si Madam!"
Tugon ko at dali-daling sumunod kay Zeer papuntang sala. Ako ngayon ay pababa na ng aming bahay mula sa pangalawang palapag.

Mabilis namang bumababa si Zeer kaysa saakin na mabagal.
Nang makababa na ako, Nakapasok na si Kuroba kasama at bitbit ang isang sanggol na nakabalot ng makapal na balabal na mukhang gawa sa balahibo ng kung ano'ng hayop.

Si Madam Kuroba ay galing sa isang maharlikang pamilya ng aming lahi, Sila ang masasabi mo na maiihantulad saaming pamilya, Nobility kung ihahantulad sa mga tao. Siya din ang asawa ni Sergio.

Ikinaway ko ang aking kaliwang braso sakanya habang tago-tago ko ang aking putol na braso na nakapailalim saaking damit na mahaba ang manggas at kuwelyo.

" Madam Kuroba kamusta kana at pati nadin ang inyong sanggol na babae" Sinubukan ko'ng simulan ang aming pag-uusap sa isang masiglang tono.

Ito ay dahil sa si Madam Kuroba ay sadyang seryoso at hindi marunong tumawa, maski ngiti ay mahihirapan ka'ng silipin, Ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti ay nuong nagtapat si Sergio ng tunay niyang nararamdaman sakanya.

" Hello Lord Alestair, Narito ako upang makibalita saaking asawa,Ilang buwan na ang lumipas nuong nilisan niya ang kagubatan at baryo kasama ng kanyang dragon" Kitang kita ko ang bakas ng pagaalala ni Kuroba habang karga karga ang kanyang sanggol.

Dito na ako nagpasiya, hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung hahayaan ko lang na magalala ng todo ang kakapanganak na asawa ni Sergio, Napahanga ako sakanya dahil ang asawa ko ay nahihirapan pa'ng tumayo pero nagawa'ng magtungo pa dito ni Kuroba kahit sa ganitong kondisyon.

Kaya nakapagdesisiyon na ako sundan si Sergio sa Utopia upang alamin ang dahilan ng pagtatagal niya dito. Lalo pa ako'ng nag alala dahil dala-dala niya ang warfreak niyang dragon na muntikan ng kainin ang ulo ko.

" Dahil ako ang nagutos sakanya sa misyon na iyon at nakapanganak naman na ang aking asawa, Personal ako'ng pupunta sa Utopia at Dadalhin siya dito! Hmph! Ang Pinsan ko talagang iyon! Natiyatiyaga niyang pagalalahin ang kanyang asawa at ano ba siyang klaseng ama! Dapat kumakaripas na siya dito ng takbo upang makita ang mukha ang pinagharipan niyang sanggol!"

Sa oras na ako ay lapitan ni Madam Kuroba, Dito palang ay handang handa na ako'ng pumunta sa Utopia, Ilang araw ang biyahe dito kaya't matiwasay na naghanda ako saaking paglalakbay. Dala dala ang aking ispada.

Ngunit dito ko natandaan na nakay Sergio ang Medalyon upang makapasok sa tarangkahan ng Utopia ng walang problema. Pero hindi kuna ito inalala dahil marami ako'ng kakilala duon dahil sa pagtulong ko sakanila at personal ako'ng ginantimpalaan ng hari at iyon ang Medalyon.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now