[Arc 2] Ch-6: Let's Start Our Journey!

628 53 3
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Dumating na ang araw na nilisan na ni Uncle ang baryo kasama ng kanyang hukbo upang sumanib sa hukbo ng hari at iba pa'ng Beastmens. Ngayon ko lang ito nalaman at hindi ko manlang naabutan ang kanilang pagalis o pamamaalam. Halos lahat ng matatandang kalalakihan na kasing edaran ni Uncle ay sumama sakanya. Naiwan dito ang mga tulad ko'ng binata, dalaga at matatanda.

Masasabi mo na ito ang panahon kung saan mahina ang aming baryo. Kaya iniwanan ni Uncle ng trabaho ang mga susunod na henerasiyon na papalit sakanila na sila ang pansamantalang magproprotekta sa baryo habang wala sila. Maliban saakin na patuloy paring nananakit ang aking ulo habang iniihian ko ang supling sa paso sa kagubatan. Bago pa man ako'ng umalis sa mansiyon, marami na ako'ng nakitang mga binata at dalagang nagumagaya sa mga guwardiya ng aming baryo.

Nakakapagtaka dahil sobrang sakit ng ulo ko, kaunti lang ang naalala ko sa mga nangyari kagabi, ngunit ang tanging nananaig sa lahat ay ang mga natanggap ko na regalo. Iba't-ibang pagkain, hindi ko nga lang matandaan kung kanino nagmula ang mga ito. Ang una ay isang cake, Ang Cake na ito ay may kakaibang lasa, isang cake na maalat, ang sumunod naman ay maliliit na shortcake na may maliliit na patalim na nakapalaman sa loob nito. Habang ako ay umihi, biglaan nalang nagdugo ang aking noo na hindi ko namamalayan, pinunasan ko ito at bumalik sa baryo.

Bago paman ako humakbang, isang patalim ang muntikan nang tumama saakin salamat saaking pagilag at hindi ako nito natamaan.

" Hoy! Ugi!!!" Sigaw ko sakanya. Dito na siya bumaba mula sa taas sa sanga ng mga puno.

" Nabalitaan ko na ang Pinuno ng Hukbo ng mga Wolfkins ay ang tatay ng Ice-witch" Saad ni Ugino habang hinahasa ang mga patalim na susunod niyang ibabato saakin. Ice-witch? tinutukoy niya ba si Tifa?.

" Ye-yeah...Pansamantalang wala munang namumuno saamin, pero sa totoo lang hindi na namin kailangan ng istriktong pamumuno dahil responsable naman ang mga lobo" tugon ko sakanya.

" Anyway. Bakit ka naparito? ulit?" Tanong ko dito.

" Hmph...Mukhang wala kanang maalala kagabi, gusto lang sana kitang balitaan na ang pinuno ng aming hukbo na nagtungo na sa kapitolyo ay walang iba kung hindi ang aking Ina" Wika ni Ugino. Si Lady Reiko? hindi ko inaasahan na siya ang mamumuno.

" How about Keynet? hindi ba siya sasama? Nakalaban ko na siya sa personal at masasabi ko na malaki ang maitutulong niya sa gera"

" Hmph...Apat na taon na ang lumipas nang kunin na niya nag posisiyon kay Elder, at masasabi ko na gumanda na ang pamumuhay namin, ngunit ang moko'ng na iyon ay walang planong magpartisipa sa gera, ang tingin niya sa gera ay walang katuturang pakikipaglaban" Ito ang unang beses na nakikita ko ang side ni Ugino na ito. Ang kanyang malamig na ekspresiyon ay lumalambot. Dahil ba ito sa pagaalala niya sakanyang Ina?.

" Ma-masarap ba....?" isang ligaw na tanong ang nagpatahimik saakin. Isang tanong na hindi ko inaasahan na manggagaling kay Ugino. Masarap? ano yung masarap?..

" Uhm...Ma-masarap?" ulit ko sa tanong nito.

" Hmph...wala kana talagang matandaan, I can't blame you, lasing na lasing kana at patuloy mo paring nilaklak ang binigay na alak ni Zeer saiyo, Nakakahiya mang tandaan pero hindi kuna mabubura ang imahe sa isip ko" Paliwanag nito saakin. Dahil sa wala ako'ng maalala sa mga pangyayari, naging interesado ako'ng malaman ang mga pangyayari nang gabing iyon.

" Sa sobrang lasing mo, naghubad ka sa harapan namin at sumayaw ka na para'ng wala nang bukas, Kadiri sa totoo lang." Tila nanlamig ang buong katawan ko at naging sintigas ito ng istatwang kakahulma lang. Ano ba ang mga pinaggagawa ko sa gabing iyon.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now