[Arc 1] Ch-20: Serve Me

727 91 4
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Salamat dahil hindi pa huli ang lahat sa pagdating ko sa akto ng laban. Kasalukuyang nilalabanan nila Ugino at Luklia ang higanting Minotaur. Kakaiba ang lahat ng pangyayari na ito, hindi maaaring buhay pa ang halimaw na ito lalo na't nilinaw na bangkay na ito, Ngunit may nakaligtaan ako'ng importanteng bagay tungkol sa mga Arcdemons.

 Ang dahilan kung bakit ang mga ito ay hindi normal na mga demonyo na nanggaling sa Gate, tulad ng mga High Templars Demons, biniyayaan sila mismo ng Demon General ng espesiyal na kakayahan at sapat na lakas upang ipanalo ang kanilang bawat laban para sa pagsakop sa bawat mundong sasakupin nila. Sa nakaraan ko'ng buhay, nakatagpo ako ng isang Arcdemon.

Siguradong-sigurado ako'ng pinaslang ko na ito gamit ang aking patalim, ngunit sa oras na tumalikod ako sa bangkay nito. Tumayo ito saaking likod at sinubukan ako'ng atakihin, dahil sa matindi ko'ng reaksiyon naiwasan ko ito at dahil dito muli ko itong nilabanan. Hindi lahat ng Arcdemon ay kayang bumangon mula sa pagkamatay, tanging mga Arcdemon lang na may matinding debosiyon para sa pagnanais na sakupin at pinalo ang laban at ang mga Arcdemons na nagtataglay ng abilidad ay tinatawag na 'Undying Will' . Kinakailangan mo'ng basagin ang kanyang kaluluwa bago mo ulit ito matalo.

Marahil malakas ang pagnanais ng Minotaur kaya't nagawa ulit nitong bumangon sa lupa at muling hawakan ang kanyang mabigat at higanting panghampas upang maglingkod sa pinuno nilang binigyan siya ng kapangyarihan. Kitang kita saaking mga mata ang malaking hiwa sa katawan ng Minotaur, kahit mga hindi pangkaraniwang demonyo ay siyang babagsag sa lupa sa tindi ng hiwa at lalim nito. Habang inuusisa ko ang katawan ng Minotaur, nagpapakahirap sila Ugino at Luklia sa paglaban dito.

Kahit na pareho silang talentadong bata at mandirigma, masyado pa'ng maaga para labanan nila ang kalibre ng isang Arcdemon.

" [Electric Discharge]" Malakas na kidlat ang tumama sa Minotaur ngunit kahit tinamaan na siya ng matinding kidlat tila wala ito sakanya at nagpatuloy parin sa pagatake kay Luklia, ang malaking panghampas nito na dapat ikukumpas niya kay Luklia ay sinangga ni Ugino. Sa pagsangga ni Ugino ng atake nito, pansin ko na para sanggain ng matagumpay ang atake ng Minotaur ginamit niya ang buong lakas niya maski ang buong tulong ng Warring Spirit niya na si Wix para salagin ang atake nito.

Halos tumalsik na ang buong braso niya sa bawat pag-urong ng kanyang ispada sa bawat pagkiskis at pagtama ng kanilang sandata, pero wala lang ito para sa Arcdemon dahil patuloy parin siya sa pagatake habang si Ugino ay nahihirapan na at malapit ng sumuko ang mga kasukasuan nito sa laban.

" Hindi paba handa!" sigaw ni Ugino kay Luklia, siya ang nagdedepensa para hindi makalapit ang Arcdemon Minotaur kay Luklia na siyang nasalikod niya. Mukhang maypinaplano ang dalawang ito lalo na't napapaligiran ng kakaibang ilaw ng kidlat si Luklia habang magkadikit ang kanyang mga palad at nakapikit ito.

" Malapit na Ate! Sigurado ako'ng kahit ang isang demonyo ay magagapi ng atakeng ito!" tugon ni Luklia.

" [Ur Slayer]" sa pagbanggit ni Ugino ng pangalan ng kanyang sagradong sining, lumabas ang isang mahabang ispada na pamilyar na pamilyar saakin, mahaba at nakabalot dito ang sandamakmak na papel ng mga wards na pangpasabog. Ang ispada niyang bagong bili ay nasa isang kamay niya dahilan kung bakit Dual Wield Sword ang kanyang gamit-gamit.

" Hindi kana makakahakbang at makakalapit saamin! dahil haharangin na kita!" sigaw ni Ugino. Ito ang unang beses ko na nakita'ng nagliliyab ang ekspresiyon ni Ugino, dapat talaga kumilos na ako at tumulong pero kasalanan nila dahil masyado ako'ng naaaliw sa labang ito. Naaalala ko taloy ang unang beses na nakakalaban ako ng isang Arcdemon, at tanda ko ay isa ito'ng higanteng ahas na may kakayahang lasunin ang bawat duraan ng kamandag nito. 

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now