[Arc 2] Ch-19: Demonic Warfare

480 59 6
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Matapos naming paslangin ang mga demonyo, agad na ininespeksiyon ang mga bangkay ng mga ito. Bagama't tao ang kanilang itsura, makikita mo sakanilang katawan ang senyas ng pagbabago ng anyo. Ang mga ugat na hindi normal na naririto at marurupok na balat ng mga ito. Higit pa salahat, ang kanilang paggalaw habang nilalabanan sila ay para ba'ng bulag-bulagan ito'ng umaatake o basta makagalaw lang. Pamilyar saakin ang ganitong klaseng demonyo. Isang Zombie Demon.

Kaya naman agad na hinatak ko palabas ang mga kaluluwa ng mga ito upang makita kung pati ang kanilang mga kaluluwa ay ganap na'ng naging demonyo. Tama nga ako dahil pati ang kanilang kaluluwa ay na corrupt narin at maiiturin ng demonyo. Kaunti lang ang mga Servants ko at tatlo lang ang Crowned Servants ko kaya naman malaki ang tulong ng mga ito saakin. Kinopya ko ang iilan sa mga ito at susubukang tawagin.

" [Serve Me] " sa unang try ko, agad na nagsilabasan ang mga ito bilang ganap na agalad kuna. Ang kanilang katawan ay masasabi mo'ng malaki ang pinagbago sa bangkay na katawan nila. Gamit ang sarili ko'ng ispiritwal na pwersa binigyan ko sila ng bago'ng anyo. Ang kanilang pigura ay nakasuot ng puti'ng damit tulad nila na kapareho ng suot-suot ng mga tagakulto ngunit binigyan ko sila ng  maskara na hawig demonyo.

" Grunts.. Grunts na ang itatawag ko sainyo'ng lahat" wika ko sa mga ito. Agad na lumuhod ang mga ito saakin at ibinigay ang otoridad bilang bago nilang Master. As expected, ang loyal na paguugali ng orihinal na sila ay namana nila. Kaya naman sigurado ako'ng gulat na gulat ang dalawang babaitang nasa likuran ko kaya sa paglingon ko, magtatangka na sana ako'ng magpaliwanag ngunit ako ay nabigo. Sa kadahilanang sinugod ni Niriharu at Catarina ang mga bago'ng salta ko'ng alagad at pinagsusubok na paslangin ang mga ito.

" Atras! Urfang! buhay pa ang mga iyan!"

" Mamaya na tayo maglaro! Darling!" alarmang sigaw ng mga ito. Pero bago pa nila tuluyang paglahuin ang mga Grunts ko, sa isang pitik ko lang ay kusang naglaho na ang mga ito. Na siyang kinagulat nilang dalawa, Hindi maaaring mawala ang mga ito na hindi ayon saaking kagustuhan dahil may tatlong araw na cooldown bago ko sila ulit magamit.

" A-ano ang mga iyon..." nagtatakang wika ni Catarina, agad na dumukot pa ng maraming patalim si Catarina sakanyang anino at tila naghahanda pa ito sa muling paglitaw ng mga ito. Masyado siyang tensiyonado, hays. Hindi ko agad napansin , may maraming Lesser Spirits na nakapalibot saaking ulo. Malamang hinihingi nila ang aking tulong upang wakasan na ang kaguluhang ito. Hindi pa nga ako nakakarating sa sentro ng kapitolyo at naririto palang ako sa Unang distrito, marami na agad ako'ng pinapasok na problema.

Kaya naman sa ayaw at sa gusto ko, pagtapos naming lumabas sa gusali, kinausap ko ng masin-sinan ang dalawa at sinabi ang tungkol saaking Spiritual Necromancy, na nagulat ako dahil hindi na sila nagtanong ng kung-ano-ano at nakinig nalang saakin. Bagamat nakikinig sila nagaaway parin ang dalawang ito.

" Hah! ano ang unang nakaintindi!!! Anong pinagsasabi mo! NiriAso!" Pangangasar ni Catarina.

" Nagpapatawa kaba! Ang isang extra'ng katulad mo ay kulang sa pagiisip upang intindihin ang komplikado'ng istraktura ng kapangyarihan ni Urfang!" Kutya naman ni Niriharu. Habang nagaaway ang dalawa, inisip ko agad kung ano ang masmagandang solusiyon sa nangyayari ngayon.

Kung tutulungan ko ang mga ito, malamang kinakailangan ko'ng gamitin ang buong ispiritwal na pwersa na kasalukuyang nasakatawan ko. Kinakailangan ko ding hatakin at tawagin ang lahat ng Servants ko. Hindi na ako nagdalawang isip at itinaas ko nalang ang aking kanang braso.

" [Serve Me] " Sa pagsabi ko nito, agad na lumabas ang mga imahe nilang lahat. Ang aking mga Gargoyles, Protectors, Grunts na nabibilang saaking mga 'Pawn' habang si Gormeck at Bjorn naman ay nabibilang sa 'Rook' at ang huli, ang kasalukuyang pinakamalakas at pinakamahalagang Crowned Servant saaking arsenal. 'Wolf' ang nag-iisa ko palang na 'Knight'. Ang buong daanan ay napuno ng aking mga alagad na lumabas mula sa kawalan at sabay-sabay na nagsiluhod saaking harapan.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now